Chapter 2

1428 Words
"I'm sorry if I'm late guys! Something came up" wika ng Jay pagka dating niya ng resto. Ngayon ang meeting nila ng barkada para sa bachelor's party ng Isa sa Kanila . SI Andrew Dela Cruz na malapit ng ikasal Kay Chloe. Biruin mo at sa kasalan din Pala matuloy Ang love story ng dalawang ito matapos Ang ilang beses na hiwalayan. "don't tell me chikababe na Naman Yan?" tanong ni Carl, Isa din sa pinaka matinik pagdating sa babae. "Nope. . Someone na naka sagutan ko sa kalsada" asar na wika niya. "Talaga bro? Nakipagsagutan ka sa kalsada? Kelan ka pa naging palingkero?" natatawang sambit naman ni David. "Let's not talk about her. Isang walang modong tricycle driver na bungangera" Anya habang tumitingin sa menu para umorder ng makakain. "Oh... So , her? Chikababe nga?" pang aasar ni Carl sa kaibigan. "At tricycle driver ha? Interesting... Maganda ba?" dugtong pa . Iiling iling na lamang si Jay. Kilala niya Ang mga kaibigan Hindi siya tatantanan ng mga ito. "Kahit maganda siya Hindi ko siya papatulan no. Walang manners at halatang laking eskwater, sinabi ba namang Hindi Ako kagwapuhan" "Ha ha ha! So Yun Naman Pala Ang pinuputok ng butse mo" wika ni David. "Wala kang effect Kay miss Tricycle driver , naku bro Hindi magandang sign Yan!" dugtong pa na Hindi matigil Ang tawa. "Baliw! Tigilan niyo na nga ko. Pag usapan na natin kung pano maging set up ng party para matapos na at magkikita kami ni Andrea mamaya" "Si Andrea? Yung fashionista mong ex girlfriend na nag puntang new york?" nanlalaking mata na tanong ni David. "Yes youre right" sagot niya dito . "Eh Akala ko ba ayaw mo na don?" tanong ni Carl. "Eh siya Naman Ang lumalapit, pwede bang tumanggi sa grasya? " sagot niya sabay tawanan Sila ng mga kaibigan. Nabuo Ang barkada nila simula ng mag transfer siya sa Isang kilalang University noong nasa college siya. Naging ka team niya sa basketball Ang mga ito. Madalas namang naging kaklase sa ibang subject. Naging malapit din Sila sa isa't Isa Lalo at nagkakasundo Sila pagdating sa mga Bagay Bagay Lalong Lalo na kung babae Ang paguusapan. Naalala niya noong niloko siya ng first love niya noon ay Ang tatlong kaibigan Ang naging kakampi niya. Nasa college siya noon ng malamang pinagsasabay siya ng girlfriend niyang iyon sa ibang lalaki. Yun Ang unat huling beses siyang nag seryoso sa Isang relasyon.Hindi na siya makapapayag na maging biktima pa ng mga manlolokong babae. Bago pa siya lokohin ay uunahan na niya. Yun Ang naging dahilan kung bakit pa iba iba siya ng girlfriend. Sa kinabibilangan niyang lipunan ay marami Ang nag Hahabol sa kanya. Siya Ang nagiisang taga pagmana ng Don Ramon Realty. Kilala Ang kumpanya nila bilang mahusay na taga provide ng mga condominiums at Bahay . Kilalang kilala Ang Don Ramon Village at Don Ramon Tower sa kanilang bayan.Sa halip ay balak na nilang mag expand sa ibang bayan. Isinunod Ang pangalan ng kumpanya sa namayapa nilang Lolo at dahil siya Ang nagiisang apo ay solong solo niya Ang kumpanya. Ganun kayaman Ang kanilang angkan na kahit Buhay ng Isang tao ay kaya nilang bilhin kung nanaisin. "Wala ka talagang balak mag seryoso sa babae no? Jay?" tanong ni David. "Pwede ba wag natin pag usapan love life ko dito dahil Hindi Naman Ako Ang ikakasal " sagot niya Palibhasa Kasi ay tumigil na ito sa pakikipag meet sa mga babae nito simula ng makilala si Stephanie. Naging stick to one na nga Ang gago. Samantalang dati ay halos linggo linggong may pina paiyak na babae. "Naku, pag na meet mo si the one siguradong tiklop ka" Ani Carl na tumatawa pa. Muli niyang naalala Ang nangyare Kanina. Nag mamadali siya dahil nga Kanina pa tawag ng tawag sa kanya Sila David at late na daw siya. Kaya nung mag o over take siya ay muntik na niyang mahagip Ang tricycle na nasa unahan niya . Mabuti na lamang at naging maagap Ang nag da drive ng tricycle at naiiwas iyon sa sasakyan niya. Aminado siyang kasalanan niya Ang nangyari sadya lang nairita siya sa bunganga ng babae . Napaka lakas ng boses at walang hiyang bubungangaan siya sa kalsada. Yun pa Naman sa lahat Ang pinaka hate niya. Nung kinalampag nito Ang salamin ng kanyang kotse ay una niyang napansin Ang maganda nitong muka. Yung totoong muka at walang halong arte , natural kung Baga. Nakatali Ang buhok nito habang natatakpan ng sombrero. Makapal Ang kilay nito na kung tutuusin ay Hindi na kailangan pang ayusin dahil perpekto Ang mga iyon. Maputi Rin ito kung susuriin sadya lang ata naging kayumanggi tingnan dahil nga nasa kalsada ito at babad sa initan. Napaka amo ng hitsura nito. Matangos Ang ilong at mapupula Ang manipis na labi. Mamula Mula din Ang pisngi nito dahil sa init . Kabaliktaran sa ugaling pinakita Ang muka nito. Para itong Isang tigre na handa siyang lapain anumang sandali. Katamtaman din Ang tangkad nito mukang nasa 5"3 Ang height ng babae. Di niya Rin naisip kung pano lumutang Ang Ganda nito sa suot na reap jeans at maluwang na t shirt. May nakakabit pang belt bag sa bewang nito. Napapa iling na lamang siya sa isiping iyon. Napansin Naman ng kaibigang si David Ang pananahimik niya. Tinapik niya ito sa braso. "Huy bro! Huwag mo na masyado isipin si miss toda" natatawang sambit nito. "Tssk. At bakit ko Naman iisipin yon? " nag kibit balikat Nalang si Dave sabay salita. "Maybe because Wala kang dating sakanya? And Hindi ma take ng ego mo?" Anya sabay halakhak.Pati si Carl ay napatawa sa tinurang iyon ng binata. "No way . I don't mind bro! Hindi ko siya type no . Ang layo sa mga sophisticated girlfriends ko " aniya. "At tyaka Hindi na mag ku krus Ang landas namin non" Tumigil na sa pang aasar Kay Jay Sila Carl at David ng dumating an order nilang pagkain . "Mabuti pa kumain Muna Tayo Before we start the plan" mungkahi ni Carl "Good idea, gutom na din Ako" sagot niya Naman. Mabuti Nalang at dumating na order nila dahil sigurado siyang Hindi nanaman siya titigilan ng mga kaibigan. Lalong Lalo na kung nandito si Andrew malakas din mang asar Ang Isang iyon. Pagkatapos nila kumain ay napag usapan na nila Ang plano para sa bachelor's party ng kaibigan. Gaganapin nila ito sa Isang resort na pag mamay Ari ng mga magulang ni David. Panigurado ay lahat Sila mag e enjoy sa gaganaping party. Matapos Ang meeting nila ng mga kaibigan ay nagpaalam na siya para dumiretso na ng opisina . Marami pa siyang mga kailangan I review na papeles para mapirmahan na ng daddy niya. Sa Ngayon Kasi siya Ang acting president ng company dahil nagkasakit Ang ama. Inatake ito sa puso mabuti nalamang at mild lang kayat pahinga lamang Ang kailangan nito. Pagkarating sa bungad ng building ay agad niyang inabot Ang susi ng kotse sa lalaking lumapit para sa valet parking ng sasakyan . Dire diretso na siya sa loob ng building. Bawat madaanan naman niya ay binabati siya. Samantalang siya ay blangko lamang Ang ekspresyon ng muka. Pinangingilagan siya sa kumpanya dahil nga sa mainitin din Ang kanyang ulo. Minsan Kasi ay Hindi niya ma control Ang temper niya. Katulad na lamang Kanina . Wala Naman siyang balak na bastusin Ang nakaalitan niyang babae . Sadya lang mainit Ang ulo niya dahil kinukulit na siya ni David. Dagdagan pa Ang pag bubunganga nito sa kanya. Kaya sa halip na makipag ayos Doon ay binigyan niya na lamang ng Pera. Ngunit sa palagay Naman niya ay natuwa pa ito. Ganun din Naman kadalasan Ang Gawain ng mga tulad ng babaeng iyon . Limang libong Piso din iyon kaya paniguradong jackpot Ang babaeng iyon na siya Ang muntikan ng makahagip sa Kanila. Nasa elevator na siya ng mga sandaling iyon. Napapa iling siya sa sarili. why do I keep on thinking about that stupid girl ?  naibulong nya sa sarili. Pansin niya Rin Kasi simula ng magka iringan Sila Kanina ay Hindi na ito na Alis sa kanyang isipan. Tuwing may iniisip siya ay bigla na lamang itong sumisingit . Napa bunting hininga na lamang siya . Pagka bukas sa 27th floor ay agad na siyang lumabas. Dinaanan Muna niya Ang secretary ng daddy niya na si Minda. "Minda , I need the documents to be signed right now! Isunod mo sa office ko" Anya na dire diretso na sa exclusive office niya. Maghapong trabaho na Naman para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD