Kabanata 09: Rebirth
“Uhh…” Ilang oras ang lumipas ay unti-unti na siyang nagising muli. Bahagyang kumunot ang noo niya at napahikab saka natigilan.
Hindi niya matandaan kung ano ang nangyari. Sandali, ano nga ba?
Unti-unti niyang binuka ang mga mata at kumurap ng ilang beses para maayos ang paningin. Bumungad sa kanya ang medyo madilim na dingding. Mayroong malaking bintana sa tabi ng kamang kinahihigaan niya pero nakasarado ito. Gayunpaman, alam niya na na gabi ngayon dahil sa walang liwanag na tumatatak rito.
Anong ginagawa ko rito sa kwarto? tanong niya sa isipan. She can't remember anything!
Sinubukan naman niyang bumangon pero napangiwi siya ng husto dahil sumakit pa lalo ang katawan niya. Napahawak naman siya sa sentido at hinilot hilot ito.
Medyo nahihilo parin siya kaya naman pinagpasyahan niya munang ipikit muli ang mga mata habang minamasahe ang sentido. But just as she was about to try to get up again, a sudden deep voice sounded inside the room.
"Tsk, you're finally awake."
Huh? Sino yun? Kaagad siyang natigilan at lumingon sa direksyon kung saan nanggaling ang boses at mas lalong nagitla nang makasalubong ng mga mata niya ang isang pares ng mga matang matalim na nakatingin sa kaniya.
Hindi niya masyadong nakikita ang mukha nito dahil tanging lamp lang sa gilid ang nakabukas pero kahit ganun ay nahahagilap ng mata niya ang postura nito. He's only wearing a towel down below!
Bigla naman itong umismid at tinignan siya nang may halong pagkadisgusto ang mga mata.
"Heh, acting like you don't remember what you did to escape? You can't fool me again, woman."
Pero wala talaga siyang alam! In fact, hindi nga niya maalala kung paano siya napunta rito at kung ang nasa harapan niya.
T-Teka, sandali! A gasp escapes from her lips when some memories suddenly flash on her mind.
The betrayal, abandonment, confessions, sufferings and her death!
She remembered how they stabbed her multiple times, she remembered how they assaulted her body— everything!
But… how did she end up in this strange situation when she clearly knew that she's already dead?!
"Hey, woman!"
Napakurap naman siya sa lakas ng boses nito at agad kinabahan.
"M-Mr., p-pasensya ka na talaga pero hindi ko—”
"Mr.?" Pagputol nito sa kaniya habang may nakapintang disgusto sa mukha nito.
Ang kaso ay biglang nawala ang ngisi sa mukha nito and to her horror, what happened next took her breath away.
Bigla bigla na lamang itong lumapit sa kaniya at walang ora oradang biglang ipinalibot ang leeg niya gamit ang isang kamay nito.
"A-Ack!" Agad humawak ang mga kamay niya sa mga kamay nang sumasakal sa kaniya ngayon. Nanlalaki ang mga matang tinignan niya ang hindi pamilyar na mukha ng lalaki. Sino siya?! Bakit wala siyang maalala kung bakit siya biglang napunta sa ganitong sitwasyon?
Isa pa... bakit buhay pa siya?
Sariwang sariwa pa sa isipan ni Reina ang huling mga nangyari sa kanya. Ang pambababoy at ang pananaksak na ginawa sa kaniya... pero bakit parang wala naman siyang maramdamang sakit na galing sa saksak? Imbes na maramdaman ang hapdi sa tiyan niya at sa iba't-ibang parte ng katawan kung saan siya pinaulanan ng kutsilyo ay wala siyang maramdamang iba kundi ang kakaibang sakit sa balakang niya... pababa hanggang sa pribadong parte ng katawan niya.
Mas lalo siyang naguluhan. Ano bang nangyayari?! Pero bago pa siya mas makapag-isip ay agad siyang nakasinghap ng hangin nang maramdamang humigit ang hawak nito sa leeg niya. Nabaling muli ang atensyon niya sa lalaking kaharap at nakasalubong ang mga mata nito.
Punong puno ng disgusto ang mga mata nito sa kaniya. Pero hindi niya maintindihan. Bakit? Bakit parang diring-diri ito gayong hindi naman niya ito kilala? Nasaan ba siya? Ano bang ginagawa niya sa lugar na'to?!
She heard him scoff before tightening the hold on her neck. Mas lalo naman siyang nataranta sa biglang nangyari at hindi mapigilan ang unti-unting pamumuo ng mga luha sa gilid ng mga mata niya.
This suffocation, her mind unconsciously recall how those men put her head to a trash bag and tied it tightly— enabling her to breathe. Parang habang mas inaalala niya iyon ay mas nadadagdagan ang takot sa puso niya.
Ngunit halatang walang pakialam ang lalaki sa kung ano man ang nangyayari sa kaniya. Nilapit nito ang mukha sa kaniya at tumingin ng diretso sa mga mata niya.
"How dare you tried to schemed me? Ganun ka na ba ka-desperadang makakuha ng atensyon?!"
"H-Hindi ko alam—"
"Don't act again, Reika! You will never gonna fool me again!"
Reika?! Who is that?! Mas lalo siyang nagulantang sa pangalan na narinig. Reika?! Who is Reika?!
Pabalya niyang binitawan ang leeg nito at agad siyang nilayuan na para bang may nakakadiri siyang sakit. Matalim niya itong tinignan na kulang na lamang ay patayin siya nito ng tuluyan.
"Never approach me again," huling banta nito bago muling bumalik sa loob ng banyo.
Nanatili naman siyang tulala ha ang inaalok parin ng isip niya ang nangyari. Hindi niya napansin ang muling pagbukas ng pintuan at ang paglabas ng nakabihis na na lalaki. Naiwan naman siyang mag-isa na gulat at naguguluhan sa nangyayari.
What is happening? Paano siya napunta rito? And why was he calling her Reika?! Her name is Reina not Reika!
Nasapo niya ang noo at napatungo nang mapansin niyang wala pala siyang suot na saplot. Mas lalo siyang nagitla sa nakita at walang kung ano ma'y doon isa-isang pumasok sa isipan niya ang nangyari kagabi.
( Flashback )
"Levian?" nagkukunwaring gulat na ani niya nang makita ang binata sa bar. Nakasandal sa dingding ang lalaki at bahagyang nakayuko. Kung sa ordinaryong oras ay nang marinig ang boses niya ay awtomatikong lalayo agad ang lalaki dahil ayaw na ayaw talaga nito sa kanya pero sa oras na ito ay hindi man lang ito gumalaw at nanatili lang nakayuko.
Agad siyang lumapit saka nag-aalala itong tinignan mula ulo hanggang paa.
"Are you drunk?" tanong niya dahilan para doon na bahagyang umangat ang ulo nito at nagkasalubong ang mga mata nila. Unlike in the past kung saan puno ng inis at disgusto ang ekspresyon nito ay blanko at halatang wala sa wisyo ang pinapakita nito.
Sa nakita ay mas lalo siyang nakaramdam ng kaba at bahagya pang mas lumapit sa lalaki.
"Bakit ka pinagpapawisan? Marami ka bang ininom ngayong gabi? Sinong kasama mo? Asan sila? Bakit ka andito—" sunod sunod niyang tanong na para bang walang alam sa nangyayari sa binata ngunit naputol sa huli ang sinasabi niya nang bigla siyang hinapit ng binata at inilapit sa sarili nito.
Napasinghap naman siya at agad naramdaman ang malakas na t***k ng puso. Muling nagkasalubong ang mga mata nila at mas kitang kita niya ang mapungay nitong mga mata dahil sa alak... at iba pa.
Ngumiti siya nang pag-aalinlangan at may pag-aalala rito. "Levian? Do you want me to take you home?"
Ngunit imbes na sumagot ay bumaba ang mga tingin ng mata nito at umangat ang isang kamay habang ang isa ay nanatiling nakalingkis sa bewang niya. Dahan-dahan nitong pinasadhan ng haplos gamit ang mga daliri ang mukha niya hanggang sa dumako ito sa mga labi niya.
Wala sa sariling napalunok siya at mas naramdaman pa ang malakas na pagtibok ng puso. Ito ang unang beses na maramdaman niya ang pagiging maingat ng lalaki. Hindi niya inakalang darating ang oras na ito.
Pero sino nga bang niloloko niya? Alam niyang lasing ang lalaki kaya agad niyang kinuha ang pagkakataon para mas lumapit sa tabi nito. Kung nasa wisyo pa ito ay paniguradong ipagtataboy lang siya nito palayo kagaya ng palaging ginagawa niya... kaya naman gusto niyang kunin ang pagkakataong ito kahit alam niyang may masamang kahihinatnan bukas.
Wala na siyang paki-alam.
"Lev—" naputol ang salita niya nang masahiin nito ang kaniyang mga labi gamit ang hinlalaki nito. Doon na rin nag-umpisang maghabol ito ng hininga na para bang galing sa isang marathon dahil sa bilis ng paghahabol nito kahit hindi naman.
Mas lalong naging mapungay ang mga mata nito at namula ang mukha habang matiim pa ring nakatitig sa mga labi niya.
Muli siyang napalunok at bahagyang inilabas ang dila saka dinilaan ng bahagya ang hinlalaking daliri nito. He pause.
Time seems to freeze at that moment. Tanging ang lakas ng t***k ng puso dahil sa matinding kaba at antisipasyon lamang ang naririnig niya para sa mga susunod na mangyayari.
At hindi nga siya nabigo dahil sa sumunod na segundo ay mabilis pa sa alas kwatrong yumuko ang lalaki at hinapit ang mga labi niya.
( End of flashback )
Napapikit na lamang si Reina nang maalala ang mga sumunod pang nangyari pagkatapos ng halik na iyon.
How is that even possible?! Bakit siya napunta sa bar at ginawa ang mga bagay na iyon?! Wala na siyang maintindihan!
Habang mas naguguluhan pa ay wala sa sariling dumako ang tingin niya sa isang full-length mirror na nasa may tabi lang dahilan kung bakit muli na namang mahagip nito ang paghinga niya.
Mas malakas na singhap ang kumawala sa labi niya at halata sa mukha niya ang hindi makapaniwalang ekspresyon ng mukha sa nakikita.
Isang dalagang sobrang puti. May mala-pulang buhok na hanggang bewang, matangos ang ilong at tsinitang mga mata ang nakikita niya. May maliit na sugat sa mga labi nito at mga hickeys sa leeg nito pababa pa.
Pero hindi sa mga sugat o kung ano pa ang nasa atensyon niya kundi ang hindi pamilyar na mukha na nakikita niya sa salamin.
Walang ibang tao rito sa kwarto kundi siya at ang lalaki na nasa banyo. Kung ganoon... sino ang nakikita niya sa salamin ngayon?!
****