Chapter Fifty: Mrs. May Dixon. Nang malanding sila sa Grimson City ay sinabi sa mag-asawa ng Hepe na bukas sila mag-uusap, magpahinga muna silang dalawa, dahil sa nakakapagod na byahe sa ere. Gusto ng Hepe na walang iniisip ang mag-asawa pagtinanong sila ng imbestigador tungkol sa kanilang anak. Kinabukasan* "Hepe, kailan niyo po nalaman na nawawala ang katawan ng anak namin?" Nalulungkot na sabi ni Eliza sa Hepe. Ang lahat ay nagtataka sa pagkawala ng katawan ni Raemalene. "Noong nakaraang buwan pa Mrs. Portez, kasama po noong nalaman namin na may kumuha ng mga ibang katawan ay naisipan po namin na hukayin ang iba pang libingan, para malaman namin kung meroon ba pa bang hinukay, doon po namin nalaman na wala ang katawan at ang kabaong ng inyong anak." "HIndi kaya inilipat lang ng lib

