Chapter Thirty-seven: About The Lake. "Hepe," nagsaludo ang dalawang pulis na nagbabantay ng gate papasok ng Grimson City Jail kung saan nila ikinukulong ang mga taong rebelde. Nagsaludo rin muna si Hepe De Loughrey bago pumasok ng kulungan. Pagkapasok na pagkapasok niya sa kulungan ay tinanong niya ang pulis na pulis na natutulog sa tapat ng gate. "Ehem," nagulat ang pulis na natutulog, nang makita niya ang Hepe tumayo ito ng tuwid at nagsaludo sa Hepe na nasa harapan niya. Nanginginig ang mga binti ng pulis, dahil natatakot ito sa tingin ng Hepe sa kaniya. "Hepe." "Anong oras na?" Tinignan ng pulis ang kaniyang relo. "Alas dose na po." "Ano oras ang tapos ng trabaho mo?" "Alas dose po." "Bakit nandito ka pa?" "Hepe, nakatulog lang po ako. Ano po pala ang rason ng pagpunta niyo

