Naging abala kami nang mga sumunod na araw dahil sa event na gaganapin ngayong araw. Panay ang paroo’t parito ko sa venue para matiyak na maayos na ang lahat. Nang makabalik ako sa kompanya ay nagulat ako dahil sa box na naroon sa aking lamesa. “Ano ‘to?” Tanong ko kay Wendy nang lumapit sya sa akin. Kasabay nito si Yvette na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap. Magkalayo na kami ng pwesto dahil lumipat sya sa isang cubicle na bakante sa tabi ng matalik kong kaibigan. “Box yan Cla. Hindi ko alam na ganyan ka pala kabobo,” sagot nya saka ako inismiran. Nang iangat ko iyon ay hindi man lang ako nakaramdam ng bigat. “inilagay ni Mr. Levi yan dyan kanina. Gusto nya sanang iabot sayo kaso wala ka at may meeting daw sya ngayon,” salita nya muli saka kinikilig na ma

