"What happened? Bakit halos malukot na yang mukha mo sa pagkakabusangot?" Napatingin ako kay Wendy nang magsalita ito sa aking gilid. Agad kong ikinuwento sa kanya yung tungkol sa pinagpuyatan ko na hindi pa naman pala rush pero pinarush nya para lang bwisitin ako.
"Pakiramdam ko maaga akong mamatay dahil jan sa amo mo!" Malakas na sigaw ko at saka paulit-ulit na sinabunutan ang sarili dahil sa sobrang inis.
Malakas na napatawa sya matapos kong ipakita na sobra talaga ang pagkainis ko. Agad naman itong napatigil nang makita ang masama kong tingin sa kanya. Ang sarap maging kriminal pag ganitong panahon na badtrip ka tapos tatawanan ka pa.
Muli kong inalala ang text nya sa akin na naging dahilan para pagpuyatan ko ang papeles na iyon. Rush. Rush mo mukha mo.
Pasalamat sya at malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil kung hindi, baka dumudugo na ngayon ang ilong nya sa sobrang badtrip ko.
"Free trial yata sa imyerno ang nararanasan ko Wendy." Saad ko at saka itinungo ang sarili sa aking lamesa.
Gusto kong maiyak sa sobrang sama ng loob pero anong gagawin ko? Sekretarya lang ako na kailangang sumunod sa utos nya dahil kung hindi paniguradong sa kangkungan ako pupulutin at ayoko namang mangyari yon dahil pag nagkaton itatakwil talaga ako ng pamilya ko kapag wala na akong naipakain sa kanila lalo na at naggagatas pa ang bunsong anak ng kapatid ko.
"Kung ako sayo girl magreresign na ako." Naangat ko ang aking paningin kay Wendy dahil sa sinabi nyang yon. Kanina sya itong pumitik sa akin nang sabihin ko iyon, ngayon sya itong nagsusuggest ng ganon.
Baliw na rin ata sya?
Nanatili akong nakatitig sa kanya. Kinukwestiyon kung bobo ba talaga sya o tanga lang para isuhestiyon ang bagay na sya mismo ang may ayaw na gawin ko kanina.
"Look girl. You lack sleep na oh. Look at you, ang laki na ng eyebags mo at feeling ko hindi ka na makakapag-asawa kapag nagpatuloy ka pa sa pagtatrabaho dito. Ang hirap ibaby sit nyang amo mong anak ata ni Satanas." Dagdag pa nito. Nakatingin lamang ito sa kanyang kuko. Napaisip naman ako sa sinabi nyang iyon. Paano nga kung umalis ako dito? Pero anong ipapakain ko sa pamilya ko? At baka wala akong mpasukan kaagad. Pero natawa ako sa sinabi nyang anak si Mr. Lopez ni Satanas. Eh parang si Satanas ata sya na nagkatawang tao lang eh.
"Marami pang tatanggap sayo na ibang kompanya." Muli akong napaisip sa sinabi nyang yon. Kung tutuusin tama sya sa bagay na yon. Maganda ang credentials ko. At pakiramdam ko maganda rin naman ang magiging feedback ng kompanya na ito kung sakaling mag-apply man ako sa ibang company.
Nang dahil sa isiping iyon ay namuo ang isang ideya sa aking isipan.
Tama! Lilipat na lang ako ng ibang kompanya. Pagod na ako sa kagagahan ng CEO dito na walang ibang ginawa kundi pahirapan ang buhay ko. Para syang si satanas na umakyat sa lupa para gawing impyerno ang buhay ko. Mali. Sya nga pala talaga si Satanas.
Tatango-tango akong nagsimulang magtype ng resignation letter. Malapit na akong matapos nang silipin ni Wendy ang ginagawa ko sa harap ng computer. Halos humampas naman ang ulo ko nang malakas na palo ang iginawad ni Wendy sa akin. Inis akong napatingin rito at saka inayos ang aking buhok.
"Ano nanaman!?" Malakas na sigaw ko. "Ang sarap mong hampasin ng libro!" Dagdag ko pa at saka sya inambahan ng libro na nasa gilid ko. Agad naman nyang hinarangan ang kanyang mukha at nang makasigurado nang ibinaba ko na ang libro ay saka ulit to tumingin sa akin.
"Gaga! Binibiro ka lang! Ang tanga mo talaga!" Sigaw nya. Muntik ko pa sanang ihampas sa kanya yung bag ko buti na lang nakatakbo sya palayo. Nang ibalik ko sa screen ang laptop ay halos maiyak ako.
King ina. Nakakaiyak yung English ko. Bakit ganito?
I tired? Gago. Anong I tired?
Halos iumpog ko na ang ulo ko sa lamesa dahil sa sobrang badtrip sa trabaho ko at sa pag-iisip kung aalis nga ba ako sa trabaho gayong hindi ako makapag-isip ng tama para makawa ng resignation letter.
Hindi pa rin mawala sa akin yung katotohanang nagpuyat ako para lang sa wala. Paniguradong next week ipaparevise nanaman nyon. Oo. Ganon sya kagago. Na kahit tapos na at sa tingin mo ay maganda na yon, ipapagawa nya pa rin yon ulit para lang hindi mabakante ang oras mo dahil nga daw pinapasahod ka para magtrabaho at hindi tumunganga lang.
Hindi ko alam kung bakit parang all around ang trabaho ko sa kompanyang ito. Samantalang isa lang naman akong sekretarya.
Muling umilaw ang intercom kaya naman napapikit ako sa sobrang pagpipigil ng inis.
Hindi pa kumakalma ang kalooban ko tatawagin nanaman ako ng demonyong to.
Kunot ang noong pumasok ako sa loob na hindi man lang tinatapunan ng tingin si Mr. Levi.
"What happened to you?" Tanong nya nang makalapit ako. Ni hindi ko ito binigyan ng sagot. Nanatili lang akong nakatayo roon at nanahimik. Inaantay kung meron syang iuutos.
Malamang sa malamang meron yan. Sure ball! Mag-iisip at mag-iisip yan ng ipapagawa lalo na't alam nyang nabadtrip ako kanina. Ganon sya kalakas mangbwisit.
"Can you scratch my back?" Halos manlaki ang mata ko dahil sa ipinapagawa nya.
Oh di ba?
Minsan talaga iniisip ko na magpalit na lang ng career at manghula na lang sa Quiapo eh. Tutal napakagaling ko namang hulaan ang mangyayari sa akin sa mga susunod na minuto.
Sinulyapan ko ang buong katawan nya at kompleto naman ito. Nakadikit pa rin naman ang mga kamay nya pero bakit pati pagkamot ng likod hindi nya pa magawa?
Masama ang tingin ko sa kanya nang tumingin na ito sa akin. Ni hindi man lang sya nasindak rito. Nginitian lang nya ako at saka tinuro ang kanyang likod. Tanging pagbuntong hininga lamang ang nagawa ko bago tuluyang lumakad papunta sa kanya likod.
Hinatak ko ang hawak nyang pangkamot. Hindi iniisip kung masugatan man sya o ano. Wala akong pake!
"Pati pagkamot ng likod hindi magawa. Akala mo sinong prinsipe." Saad ko na tanging ako lamang ang nakakarinig. Alangan ipagsigawan ko di ba? Edi wala akong naipakin sa pamilya ko.
"You saying something?" Tanong nya. Napa-ismid na lang ako habang hindi sya nakatingin at nang lingunin nya ako ay mabilis akong umayos ng tayo at binigyan sya ng isang pekeng ngiti at saka bumalik sa aking ginagawa.
Wala namang sweldo to at lalong hindi ko naman obligasyon sa kanya to kaso lang may sayad talaga sa utak itong amo ko at gustung-gusto kong pinapahirapan.
Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa nang may sama ng loob.
"Careful aww." Daing nya nang maidiinan ko ang pagkamot sa kanyang likod. Nagmake face pa muna ako bago nagtuloy. Sa isip ay ilang ulit ko na syang pinatay habang narito sya sa aking harapan at busy sya sa panunuod ng kung anu-anong wala namang kabuluhan sa cellphone nya.