“Why is he at your condo?!” Iyon kaagad ang tanong ni Levi nang marating namin ang rooftop. Hindi makapaniwalang nilingon ko sya nang mapansin ang inis sa kanyang pananalita. Naniningkit ang mga mata nito sa galit habang nakatitig sa akin. Problema nito? “I told you not to talk to him!” Muling sigaw nya. Literal na napaawang ang labi ko nang suntukin nya ang pader na naroon sa kanyang gilid. “Are you for real?” Natatawang tanong ko. Ipinusod ko ang aking buhok saka pinakatitigan sya ng maigi. Kung maka-asta sya ngayon ay akala mo may relasyon pa rin kaming dalawa. Hindi ko alam kung saan pa nga ba kumukuha ng kapal ng mukha itong si Levi para sigawan ako at diktahan sa kung ano ang nararapat kong gawin gayong ito ang kauna-unahang paghaharap namin matapos ang maraming taon

