Chapter 36

1740 Words

Matinding kaba ang naramdaman ko nang tuluyang makapasok ang dalawa sa opisina ni Levi. Parang may kung anong pumipigil sa mga paa ko na humakbang papunta doon. Nanatili akong nakatitig sa pinto habang paulit-ulit na pinapakalma ang aking sarili.   Tatlong malalalim na hininga ang pinakawalan ko.   ‘Ano kayang maaring dahilan kung bakit sila nandito?’ ‘Bakit bumalik si Ms. Chloe? Bakit ngayon pa?’   Pinuno ako ng mga tanong na hindi ko mahanapan ng sagot. Saka lamang ako naibalik sa dating wisyo nang maramdaman ang pagtapik ni Yvette sa aking braso.   “Clara,” tawag nya. Pailing na nilingon ko naman sya, “ayos ka lang ba?” bakas ang pag-aalala sa kanya. Bukod sa kilala nya ang babaeng iyon ay alam kong alam nya rin kung ano ang maaring nararamdaman ko sa mga oras na ito.   Pilit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD