“Why don’t we go out?” Tanong ni Third matapos ang ilang oras naming pag-upo sa labas ng bahay, “Maaga pa. Marami pa tayong pwedeng puntahan. Gusto mo?” Dagdag nya. Nakangiting sinipat nya ang mukha ko nang manatili ang ulo ko sa kanyang balikat. Gusto ko sana syang tanggihan dahil napaka-komportable ng pagkakaupo ko sa tabi nya kaso naalala kong hindi pa pala namin naigagala si Mama nang matagal kaya naman mabilis akong umayos ng tayo saka nakangiti syang tinanguan. “Saan tayo pupunta?” Tanong ko saka nag-inat. Itinungkod nya ang parehong kamay sa katre na inuupuan namin saka diretso ang mga matang tumingin sa akin na tila ba isa akong magandang painting. “Hoy.” Mahina kong pinalo ang braso nya nang makaramdam ako ng pagkailang. “Ikaw, saan mo gustong pumunta?” Nakangiting tanong nya

