Bawat hakbang ko ay hindi ko maiwasan ang pagkunot ng aking noo. Bawat paghakbang ko kasi ay may panibagong letra akong naapakan na nagbibigay ilaw sa nilalakaran ko. Walang ibang disenyo ang loob bukod sa mga bulaklak na nakadikit sa bawat dingding ng restaurant. Pero ang simpleng disenyo at ang 5 tiere na cake na naroon sa harapan ay sapat na para mapaganda ang buong lugar. Nakaalalay sa akin si Levi habang papalapit kami sa mga magulang ko. Naroon na rin ang mga kaibigan ko at ang pamilya ni Levi, parehong mga lumuluha ngunit nakangiti. Gusto kong sanang tanungin ang lalaking nasa tabi ko kung anong ganap ngayon pero sa tingin ko ay wala rin akong makukuhang sagot mula sa kanya kaya naman mas pinakatitigan ko ang mga letrang naroon. Agad akong napatakip ng bibig nang marating ang dul

