Chapter 14 HALOS magkandaugaga ako sa pagbaba ng truck nang madaliin ako ni Erna sa pagbaba. Napalibot amg tingin ko sa kampo ng mga sundalo at ganoon na lamang ang pagdagan ng isang malaking bagay sa puso ko. Nang makita sila kung paano iniinda ang mga sugat nila sa katawan habang ginagamot sila ng mga nurse. Lumingon ako kina Erna nang makababa na rin sila ng truck. Tulad ko ay nakikita ko rin sa kanilang mga mata ang pagkahabag. I know, army is not an ordinary. They giving their life for all Filipinos. At nakaka-proud na handa nilang ibigay ang kanilang buhay para sa bansang Pilipinas. Nilingon ko sila at kapwa kaming apat napangiti sa isa't isa. We are here to help those armies. Kahit sa paggamot o pag-alalay lang namin sa kanila, ay kahit papaano matulungan namin sila. "Guys, t

