Chapter 23 "ANAK! SEÑORITO MILO?!" bulalas ni Nanay Fee nang makita kaming dalawa ni Milo na pababa ng pajero. Sa mga mata nito ang gulat at pagtataka. Gulat siguro dahil andito na ako, bumalik at si Milo. At pagtataka, siguro kung bakit kami magkasamang dalawa ni Milo. Mukhang mahaba-habang paliwanagan ang magaganap nito mamaya. Kung gayon, ihahanda ko na ang sarili ko sa maaaring mangyari. "Nanay!" tawag ko sa kanya sabay yakap nang mahigpit. Niyakap niya rin ako pabalik. Mahigpit na yakapan ang naganap. Niyakap niya rin si Milo na nasa aking tabi. "Señorito! Pagkatapos ng ilang taon! Nandito ka na! Hala ang laki mo na! Isa ka nang ganap na sundalo!" masayang litanya ni Nanay habang inaaliw ang paningin kay Milo na nakauniporme pa ng pansundalo. Napangiti ako. "I am happy to see

