(Sharina's POV) Mabigat ang pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan. Gayonpaman ay bumangon pa rin ako ng maaga para harapin ang trabaho ko. Naligo ako at pagkabihis ay dumiretso ako sa kusina kahit hindi ko sigurado kung ano ang lulutuin ko o kung magluluto pa ba ako para kay Sir Luke at sa babaing iniuwi niya rito? Baka naman kasi inumaga na rin sila... Muli na namang bumigat ang pakiramdam ko at nagbadya pa ang mga luha ko pero kaagad akong kumurap-kurap para pigilin ang mga ito sa pagtulo. Medyo maga rin ang mga mata ko dahil sa pag iyak ko kagabi. Nagsinungaling ako sa kina Ate Jen kagabi na may dysmenorrhea ako at naniwala naman sila. Siguro naman ay hindi na rin sila magtataka ngayon sa hitsura ko dahil babae rin sila at alam nilang minsan ay sobrang sakit at hindi na talaga

