(Sharina's POV) Akala ko kinabukasan ay tututol si Papa na isama kaming dalawa ni Lucas ni Sir Luke pauwi sa bahay nito dahil wala nang impluwensiya ng alak sa sistema niya, pero hindi man lang siya nagpakita ng disgusto sa kagustuhan ni Mama. Akala ko rin magagalit siya na sa kuwarto ko natulog si Sir Luke, pero hindi pala! Tuloy ay wala na rin akong nagawa kundi panindigan ang pagpayag ko kay Sir Luke na sumama kami ni Lucas sa kanya. "Oh, Shasha, nakapag-impake ka na ba? 'Yong mga importanteng gamit niyo lang ni Lucas ang dalhin niyo dahil sabi ni Luke ay magsashopping naman kayo doon. Handa na rin daw ang kuwarto ni Lucas kaya wala nang problema. May mga laruan at mga gamit na rin daw doon ang apo ko." Ngumiti na lang ako ng pilit kay Mama. Pakiramdam ko ay ipinamimigay na nila ak

