(Sharina's POV) Sobrang saya ko nitong mga nakaraang araw! Feeling ko kasi talaga ay unti-unti nang nagkakaroon ng feelings, o kung hindi man ay nag-iiba na ang tingin sa akin ni Sir Luke bukod sa pagiging sexmate lang. Palapit nang palapit na ako sa tagumpay! Isang gabi, matapos kong gawin ang trabaho sa araw na iyon ay lalapit na sana ako sa main door para i-check kung naka-lock na iyon nang makapagpahinga na ako, nang bigla na lang bumukas iyon at may sumulpot doon na isang malaki at guwapong lalaki. Nagulat ako at napatitig sa kanya saglit dahil tuluy-tuloy lang siyang pumasok sa bahay ni Sir Luke at kung hindi pa niya ako nakita ay mukhang wala siyang balak tumigil man lang at papasok talaga siya na animo'y may-ari rin nitong mansiyon ni Sir Luke! "Ahm—" "Woah! Bago ka ba rito? Wh

