II. Gaydar

1977 Words
ISANG UMAGA ng Sabado, magkasamang nagjo-jogging ang dalawang tomboy na mag bestfriends na sina Jack at Wil.      "We-wait lang dude!" hinihingal na ani Wil. Huminto ito at yumuko, nakahawak sa kanyang dalawang tuhod na pawis na pawis at naghahabol ng hininga. Huminto din si Jack para hintayin ang kaibigan.      "Paano ka papayat niyan kung pulos ka pahinga?" natatawang ani Jack.      "Paano ako papayat kung namatay na ako sa over fatigue o kaya heat stroke?!" sagot ni Wil na naupo na sa bench na malapit sa kanila. Tinabihan siya ni Jack at tumungga ng tubig niyang nasa tumbler na dala nito at saka inabot kay Wil. "Oh, uminom ka din muna."      "Eww~ nainuman mo na ‘yan." Nakangiwing wika ni Wil.      "So? Ang arte, halikan pa kita d’yan eh." biro ni Jack na iniurong na ang kaniyang tumbler. Biglang natawa si Wil at tiningnan siya ng may mapang-asar na mata. "Talaga hahalikan mo ako? Eh yung bebe nga nung isang araw sa Green Witch hindi mo magawang kausapin manlang e." tatawa-tawang aniya. Natameme si Jack, halatang napahiya sa sinabi ng kaibigan. Napatingin nalang siya sa malayo, inayos ang cap niyang suot sa ulo.      "Anne is different." seryosong sambit nito. "Haaay! sobrang ganda niya kasi dude!” dagdag pa ni Jack na hindi mapigilang mapatingala sa bughaw na langit.       "Dinadaga ka sa maganda? Edi manligaw ka ng panget. Basic.” Birong payo ni Wil. Pumalatak si Jack. "Puro ka naman kalokohan eh." Pabirong siniko ang kaibigan bago muling ibinalik ang tingin sa mga ulap, napatulala siya, animoy nakikita duon si Anne. "Bukod sa sobrang ganda niya, sobrang bait, sobrang masiyahin, sobrang talented din." Nakangiti pa na tila nangangarap ito. "…At higit sa lahat, sobrang straight." biglang naglaho ang mga ngiti niya at napatungo nalang.       "Sigurado kang straight?" tanong ni Wil.       "Isn’t it obvious? Porma palang niya." ani Jack.       "Dude! Wala sa itsura o porma ang pagiging lesbian! Tingnan mo nga yung mga kaibigan natin. Straight sa porma, pero tibo sa kama." paliwanag ni Wil. Tinanggal ni Jack ang cap niya at napasabunot nalang sa sarili. "I don’t know dude, I don’t even have the guts to ask her!"      “Gamitin mo ang gaydar mo!" mungkahi ni Wil na tumaas-taas pa ang dalawang kilay.       "Gaydar?" pagtataka ni Jack.       "Gay Radar! Yung mararamdaman mo pag kalahi ang isang tao base sa awra, pagkilatis dito, pakiramdam, pang-amoy! Parang lukso ng dugo. Iba nga lang, t***k ng pusong tibo hehe." sari-saring paliwanag ni Wil.       "Nah, I don’t have that skill. But if ever she’s gay atleast I can have my hopes up na magbibigay sa’kin ng lakas ng loob to ask her out." ani Jack. Napahawak sa dalawang sentido niya si Wil ng ilang minuto, sabay pitik ng daliri "Alam ko na!" * * * SA BAHAY ng HerShe Couple. Si Hera at Sheree ay 7 years ng magkasintahan, pareho silang Femme at sila din ang itinuturing na Ate ng grupo. Career woman si Hera bilang isang head artist sa isang advertising company at freelancer naman si Sheree. Hindi fix ang rest day ni Hera kaya madalas ay si Sheree lang ang naiiwan sa bahay. Matapos makikain ng lunch sina Jack at Wil ay agad nilang sinabi ang dahilan ng pagpunta nila dito.      "Sige na naman Ate Sheree, ikaw lang makakakilatis sa kanya ng malapitan." pagsusumamo ni Wil kay Sheree na nagbibusy-busy-han sa tablet niya. Paano’y si Sheree lang naman ang wala pang mintis sa pagkilatis ng mga kialahi.      "Hay nako Wil, alam mo naman na matagal ng expired yung I.D ko as a survey agent. Paano kung i-check niya yung I.D ko? Mareport pa akong scammer or worst than that?" ani Sheree. Nanatiling tikom si Jack sa tabi ni Wil. Ayaw niyang namimilit ng tao kaya buti nalang talaga kasama niya si Wil.      "Ate please, ikaw lang ang may pinaka-reliable na pang-amoy sa’tin.” Kumbinsi ni Wil.      “Ano ako K9?! No, no, no way!”pagsusungit ni Sheree.      “Tingnan mo si Jack oh, kawawa naman." Patagong siniko ni Wil si Jack kaya agad itong nag-puppy eyes. Pabalik-balik na tiningnan ni Sheree si Jack at Wil at saka bumuntong hininga. "Okay." anito.       “YES!" sabay na sigaw ng mag bestfriends na nag-apir pa. Napailing nalang si Sheree at nagbihis na ng dati niyang uniform as survey agent. Sinamahan ng dalawa si Sheree sa tapat ng bahay ni Anne. Agad naman itong pinapasok sa garahe ng malaman na magsu-survey lang tungkol sa mga products na ginagamit ng mga teenagers. Nagtago sina Wil at Jack sa gilid ng katabing bahay nito hanggang sa matapos ni Sheree ang survey 'kuno' kay Anne. Kinakabahan ang dalawa ng makalabas na ng bahay nila Anne si Sheree. Agad naman niyang pinuntahan ang dalawa sa pinagtataguan nito.       "A-anong tingin mo?" kinakabahan na tanong ni Jack. Napailing si Sheree dahilan ng dismayadong pagsapok ni Jack sa kaniyang noo "Sabi ko na nga ba straight eh." Nalungkot din tuloy si Wil.       "Hindi iyon." ani Sheree dahilan ng muling pagliliwanag ng mukha ng dalawa, pero agad din ‘yong naudlot ng sundan ni Sheree ng "Hindi siya straight, hindi din siya gay."      "T-teka ano?!” naguguluhang ani Wil.      "Sorry girls, pero hindi ko siya maamoy. Told ya I’m not a K9.”      “Pero sabi nila never pang nag-fail ang gaydar mo!” wika ni Wil. Napahawak sa baba niya si Sheree na napaisip “Oo nga, ang weird no’n. Siya palang ang taong hindi tinablan ng gaydar ko. Anyway it is better to ask her yourself Jack." ani Sheree bago nagpaalam na sa dalawang tomboy.       "Ayoko na dude." wika ni Jack na halatang pinanghinaan na ng loob.       "Don't lose hope! May isa pa tayong pag-asa!" ani Wil.       "Ano?" pagtataka ni Jack. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Wil “Hindi ano, sino?” Tinawagan ni Wil si Lance sa phone. Naka-loudspeak para marinig din ni Jack ang plano.      "Sige ba, pero sigurado ka ba dito Jack? Paano kung mabaliw na sa’kin yan?" ani Lance sa kabilang linya.      "H-ha? Anong ibig mong sabihin dude?" wika ni Jack.       "Hoy! Kay Jack lang si Anne. Ang usapan kakausapin mo lang at kikilatisin kung puma ba o hindi. Wag na wag mong madidikit yang mga daliri mo sa babaeng yun kundi hahambalusin kita ng keyboard." paalala ni Wil na tila lumalabas na ang ulo sa phone Lance.      "Kayo naman 'di na mabiro. Sige na, akong bahala." nagpaalam na si Lance sa dalawa.      “What’s puma?” tanong ni Jack ng maibaba na ni Wil ang tawag. Inakbayan ni Wil si Jack “Duuude! Puma is short for mga babaeng pumapatol sa tulad natin.” Sabay kindat.      “But not all those kind of girls stays. Some of them are just pumatol pero sa lalaki padin at the end of the day.” Malungkot na ani Jack. Ginulo ni Wil ang buhok niya “Ang nega mo naman! Eh wala naman sigurado sa mundo!”      “That’s the scariest part of living.” Mas humigpit pa ang akbay ni Wil sa balikat ng kaibigan “Wag kang matakot! Magka-Anne ka man o hindi, nandito ako lagi para sa’yo dude.” Napatigtig si Jack sa mga mata ni Wil, damang-dama niya yung sinseridad sa sinabing iyon ng kaibigan. Pero bago pa niya mabigkas ang salitang ‘Salamat’ ay pabiro na siyang sinuntok sa braso ni Wil “Tara na nga, baka mabading ka pa sa’kin.” Nakangising biro nito. Alas tres pasado na ng lumabas ng bahay nila si Anne para magbisekleta. Kasama na din ng dalawa si Lance.      "Grabe ka Jack, alam na alam mo schedule ng bebe na ‘yan. Araw-araw mo sigurong ini-stalk-an ‘yan." ani Lance.      "H-hindi ah." nauutal na pagde-deny nito.      "Geh, lalapitan ko na." At lumakad na ngang palapit si Lance kay Anne.      "Hey, excuse me." panimula nito kay Anne na sinaraduhan na ang kanilang garahe.      "Yes po?" si Anne. Lumapit pa si Lance kay Anne at ibinigay ang papel na may kunwaring address na hinahanap niya. "Medyo di ko kasi kabisado 'to. Alam mo ba 'to kung saan banda?" Tiningnan ni Anne ang address at mas inilapit pa ni Lance ang mukha niya kay Anne, tinitigan ito ng kaniyang killer eyes na kinakakiligan ng mga femme at bifem. Hanggang sa nagtama ang mga mata nilang dalawa. Isang normal na tingin, habang ipinapaliwanag nito kung paano niya mapupuntahan yung address kuno na tinatanong niya.      "Ah sige salamat." ani Lance.      "Wala pong anuman Ate." ani Anne at sumakay na sa kanyang bisekleta. Ate? Wtf!       “Ah wait lang.” habol niya sa dalaga na naudlot ang pagsikad na nilingon si Lance. “You look familiar, nagkita na ba tayo?” echoserang linyahan niya. Natawa naman si Anne “Maybe?” Kunwaring nag-isip si Lance “Oh yeah right! I saw you at the Green Witch the other day. Isa ka sa mga bikers na nag-stop over do’n.”      “Yeah madalas nga ako do’n.”      “Lance nga pala.” Pakilala niya na inaro ang kamay. Malugod naman itong tinanggap ni Anne “Anne.” Pakilala din nito na mabilisan lamang kinamayan si Lance. “Anyway, I really have to go Lance. It’s nice meeting you at mahanap mo sana yung bahay na hinahanap mo.” Bumalik ang tingin ni Lance sa papel na hawak niya “Oh yeah right! Sigurado ‘yon. Thanks to you!” kindat pa niya kay Anne bago ito tuluyang nagpaalam at pinaandar na ang bisekleta. Pagbalik ni Lance sa dalawa ay ginusot niya ang papel na may address kuno at ibinato sa kung saan       "Ano dude?!" si Wil na excited.       "Kung ako sa’yo Jack kalimutan mo na.” ani Lance.       “Wah?! Anong ibig mong sabihin?!” si Jack na nagugulumihanan.      “Puma ba o hindi? Sabihin mo lang sa’min.” wika ni Wil.      "Hindi ko alam. Parang wala namang human attraction ‘yong babaeng ‘yon e. Sobrang plain, ang boring." ani Lance.      "Pati ba naman ikaw Lance, palpak ang gaydar?! Haaay!" bigong wika ni Wil.      "Oy, hindi palpak ang gaydar ko. Talagang alien lang yata yung babae na yun." Tahimik lang si Jack. Bigo pero ayaw ipahalata sa mga kaibigan niya. Pinilit niyang ngumiti. "Okay lang guys. Salamat padin sa effort na tulungan ako." anito. *  * * UMUWI NA sina Lance at Wil. Mas pinili na muna ni Jack na tumambay sa parke na malapit sa condo niya. Laman padin ng isip niya si Anne. Kung alam lang sana niya ang s****l preference nito ay madali nalang para sa kaniya magdesisyon kung ipu-push niya ba yung nararamdaman niya o kakalimutan nalang. Dahil isa sa mga lesbian rules ang Never fall inlove with a straight girl.      "Jack?" Inangat ni Jack ang ulo niya para tingnan ang tumawag sa kaniya. Laking gulat niya na nasa harapan na niya ang isang napakagandang mukha, si Anne.       "Ikaw nga! Kamusta ka na? Wala ka sa basketball practice the last time." ani Anne na itinabi sa gilid ang bisekleta niya at umupo sa tabi ni Jack. Tila laptop na nag-hang ang utak ni Jack. Hindi makatingin ng diretso kay Anne, mas sanay siyang tinatanaw lang ito sa malayo at hindi sa malapitan.       "Na-miss kita, I mean namin ni Ate." nakangiting wika ni Anne.       "A-ano kase, busy." nauutal na ani Jack.       "Busy saan? Siguro sa girlfriend mo 'no?" biro ni Anne.       "Wa-wala akong girlf-friend."       "Sa gwapo mong yan? Imposible!" sabay pindot sa pisngi ni Jack. Tila may maliliit na kuryenteng nagmula sa daliring 'yon ni Anne na dumaloy sa pisngi ni Jack pababa sa puso nito. Kinuha ni Jack ang palad ni Anne, nagkatitigan ang dalawa. Tila hinihigop sila sa isat-isa. At nagtagpo ang labi nilang dalawa kasabay ng makulay na ulap ng dapit hapon. Itutuloy…   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD