Chapter One
"DaggS, Get me an accountant," ani Levi sa kaibigan nang sagutin nito ang tawag niya.
Pumalatak ito.Why? What happened to hot babe Kathy? Didn't she satisfy your needs"? tanong nito na ibang needs ang tinutukoy."Si Kathy ang accountant na ipinadala niyo sa Flores-". ang restaurant na pag-aari niya ,"- kamakailan Lang. SA malas, tila walang alam gawin ang babae kundi akitin Siya.Ayos lang Naman sanang makipag-flirt dito dahil saksakan din Ito Ng Ganda pero tila nakalimutan na nito na Kaya Ito ipinadala sa restaurant niya ay para magtrabaho. Doon siya naiinis. Humingi siya ng CPA, Hindi lover.
"Shut up DaggS, I'm serious.Kailangan ko ng bagong accountant, 'Yong magaling mag compute, Hindi magpa cute",
Humalakhak ito."DUDE, di ba, ang mga ganyang type naman ang gusto mo? Bukod sa sexy at maganda,matalino at ma- MAgaling mang-akit Oh,yes, she's perfect as a seductress.But I don't need that in my restaurant. Hindi ko binabayaran ang kompanya mo para doon,
Padalhan mo ako ng matinong accountant."
ISA si Kathy sa mga CPA na hawak ng kompanyang pag- aari ni DaggS.Ang laki pa Naman Ng tuwalya niya SA kaibigan. He should have known.
"Oh no,Levi. You really didn't pay me for that. Bruno's Lang yon". Anyway, nag-enjoy Ka naman,di ba?
Shut up, DaggS! Sabi uli niya. "Umayos ka nga.
Find me a new accountant ASAP.At Kung pwede,huwag na babae dahil Kung Hindi man sila ang maakit sa akin,
baka ako naman ang maakit SA kanila."Kapwa sila natawa SA sinabi niya."Seriously, ayokong pinaghahalo ang business at pleasure.You know that,man.
"Yeah.diyan nga ako humahanga sayo, eh.
Paano mo nagagawa 'yon? Ako ,Ilan nang female CPAs Ng TAF ang naging fling ko?" anito na ang tinutukoy ay ang pag aaring kompanya,ang Torres Accounting Firm.
Napapailing na lamang siya." Basta bigyan mo na Lang ako Ng bagong accountant. " Yong focused SA trabaho at hindi SA Kung ano-anong bagay.Hindi mahalaga Kung matanda na o lalaki Siya.Basta 'yong SA tingin mo ay hindi maaakit sa alindog ko."" aniyang ikinatawa uli nito.
"Sure,man. As a matter of fact, I already have someone in mind,"
That's good. I'd like to see that someone tomorrow. "sige na, marami pa akong tatapusing trabaho, again.siguraduhin mo lang na hindi siya maiin love SA akin,ha?
Tumawa Ito. "ngayon pa lang ay sigurado na ako.Sige,dude,nakita ko nang dumaan ang bago Kong fling,eh Ciao!
Napailing na lamang siya habang ibinabalik ang awditibo sa katangan niyon.Bagaman pareho sila ni DaggS na mahilig SA babae,Hindi naman siya kasing- agresibo nito pagdating sa mga iyon.Playboy siya pero hanggang mapipigilan niya ay hindi siya nakikipagrelasyon sa empleyado niya.Ayaw niyang maging istorbo iyon sa trabaho niya.Hindi katulad ni DaggS na bawat magandang CPA SA kompanya nitoay naging girlfriend na rin nito gayong sa kanilang dalawa ay siya ang mas chick magnet.Hindi sa pagmamayabang ,pero wala pa siyang nagustuhang babae na hindi niya nakuha.Ganoon siya katinik pagdating sa mga kalahi ni Eba.
Bumukas ang pinto Ng kanyang private office.hindi pa man niya nakikita ang taong nagbukas niyon ay uminit na agad ang kanyang ulo.iisang tao lang pumapasok doon ng hindi kumakatok - si Kathy. ayaw na ayaw pa Naman niya na may pumapasok sa opisina niya nang hindi muna kumakatok.Alam iyon ng lahat Ng empleyado niya pero sadyang matigas ang ulo ni Kathy at hindi sinusunod ang patakaran niya.
Pag-angat niya ng mukha ay nakita nga niya si Kathy. Ini-lock niyo ang pinto bago ito lumapit sa kanya. "Hi, babe.I'ved missed you,"sabi nito.
Yumuko ito at hinalikan siya sa mga labi.
Hindi siya tumutol.iyon naman na ang huling beses na mahahalikan siya nito.
Sinimulan nitong hubarin ang blazer nito. Huminga siya ng malalim bago nagsalita "kathy, I'm sorry but you're fired."
Gumuhit ang pagkagulat sa mukha nito.napahinto ito sa ginagawa. "You're kidding, right?" tanong nito.
" No"
"yes, your are.You can't just fire me! You love me!"nagsimula na itong mag-hysteria.
Napapalatak siya.wala siyang maalala na sinabihan niya ito na mahal niya ito.Kailanman ay hindi pa niya sinasabi ang mga salitang iton sa kahit na sinong naging karelasyon niya.Iyon ay dahil ayaw niyang umasa ang mga Ito.Sa katunayan,bago pa man siya pumasok sa isang relasyon ay sinasabi na niya sa babae na walang commitment ang anumang magiging relasyon nila.Sa kabila niyon ay umaasa pa rin ang mga ito na mauuwi sa Kasal ang pakikipagrelasyon niya sa mga ito.
"You see, Kathy, ayokong magkaroon ng incompetent employee dahil lang nadi-distract siya sa akin.Sa restaurant ko Lang Naman kita pinapaalis. SA TAF Ka parin magtratrabaho."
Tila napaisip ito.mayamaya ay may gumuhit na ngiti sa mga labi nito. "Sinesesante mo ba ako para maging opisyal na ang relasyon natin?"tanong nito. Pinigilan niyang matawa sa ekspresyon sa mukha nito.
Mukha Itong hopeful."Hindi, Kung anuman ang meron tayo,tinatapos ko na iyon."
"NO", You love me! you said you loved me.
You------"
"I never said I Loved you",
"But what about us? "tanong pa nito.
Napipikon na Siya rito.Ang hirap nitong makaunawa.sa totoo Lang,Ito Lang ang nagpumilit na may mangyari sa kanila.Ito ang lumapit sa kanya.
Hindi siya ang nag-pursue rito.
"there's no 'us,' Kathy.Pack your things and get out of this restaurant.You're beautiful and smart. I'm sure there are a lot of men who'd be willing to say those three words to you." Tamayo Siya, lumapit sa pinto,at binuksan iyon."and please,ayusin mo ang damit mo,"
Tumalima ito.ngunit bago lumabas ng silid ay hinarap uli siya nito.You'll regret this day Levi, and all the day's you ruthlessly broke the hearts of your women.I swear you'll never be happy in love."Pagkasabi niyon ay nakataas-noong nilisan nito ang restaurant niya.
Tahimik na nagbabasa si Jade ng records sa computer niya nang bigla na lang sumulpota si DaggS sa harap niya.Muntik na niya itong mabato ng paperweight dahil sa labis na pagkagulat.
"whoa! easy, jade! delikado Palang gulatin Ka,"nakamamatay," tumatawang Sabi nito.
"I'm sorry,sir, Hindi Ka Kasi kumakatok.do you need anything Sir? " pormal na tanong niya rito.isa siya sa mga senior accountant ng Torres Accounting Firm at pawang malalaking kliyente ang hinahawakan niya.Nalipat kay DaggS ang pamamahala niyon pagkatapos mamatay sa isang aksidente ang ama nito na Siyang nagtatag ng naturang kompanya.Kaklase at org mate niya Ito noong kolehiyo sa UP Diliman kaya nahikayat Siya nitong pumasok sa kompanya nito.
bagaman may ilang mas malalaking kompanya na nagtangkang kumuha sa serbisyo niya.Bakit pa Siya maghahanap ng iba gayong malaki ang sinasahod niya sa TAF, marami rin Siyang nakukuhang benefits at mabait pa ang boss niya?
"Eto na naman Tayo sa kaka-sir 'mo,eh Parang wala Naman tayong pinagsamahan niyan,eh," reklamo niyo.
"Wala talaga," Sabi nito.bagaman magkaibigan sila,iba kapag nasa trabaho.Gusto niya na maging pormal sa opisina kaya patuloy siya sa pagtawag ng"Sir" dito kahit na labis ang pagtutol nito roon. "nakakatampo Ka na.
wala Ka talagang puso."
"Alam ko ." natawa Siya kapagkuwan. " Bakit ka ba napadpad dito?nasa pantry si Gela.Mamaya pa yon pupunta rito,aniyang ang tinutukoy ay ang bagong fling nito.Madalas magpunta sa cubicle niya ang magandang junior accountant dahil paborito siya nitong hingan Ng tulong.
"ikaw talaga ang ipinunta ko rito," Sabi nito.
"may ipapakiusap Ka na naman sakin? "Naku", Kung babae na Naman Yan", tigilan muna ako."
ikinumpas pa niya ang kanyang kamay bilang pagtataboy rito.
Sumimangot ito, "grabe Naman to," lahat ba ng pwede kung ipunta rito,dahil lang SA babae?
oo, walang kagatol gatol na sagot niya.
"Hindi Kaya."
Hindi na niya kinontra ang sinabi nito.Sa halip ay tinanong niya Ito Kung ano ang ipinunta nito roon.
"Ipapakiusap ko sana sayo na ikaw na lang ang humawak SA Flores ," sabi nito na ang tinutukoy ay ang restaurant na pag aari ni levi,ang best friend nitong Amboy.
Kumunot ang noo niya." Di ba, si Kathy ang may hawak non? Senior accountant din Naman Siya,ah,"
"Eh Kasi.....nagkamot ito sa ulo,kapagkuwan ay hininaan ang noses nito." Alam mo Naman ang record ni Levi pagdating sa mga babae, di ba? Inakit yata siya ni Kathy."
"O",? Hindi na dapat matuwa pa siya?"
"iyon na nga .in -accommodate Naman niya.ang problema, nakalimutan na raw ni Kathy na magtrabaho SA malaking distraction ang alindog ni Levi."
"So, you're saying na ayaw ni Mr.Gerolao ng incompetent na empleyado kahit pa nga ba super sexy Ito Gaya ni Kathy?"
"Right " kahit Naman mahilig siya sa babae si Levi, focused ' yon pagdating sa trabaho."
"Kaya pala sambakol ang mukha ni Kathy nang pumasok siya kanina." Nakasalubong niya ito sa pasilyo habang papasok Siya.
"another heart broken by my infamous best friend."
",pareho Lang kayong babaero."
"Hindi Kaya."
Napailing na lamang siya." "Paano Yan? sagad na ang number Ng clients na hawak ko.hindin ko na maisisingit si Mr.Gerolao."
"ibigay mo nalang Kay Kathy yong Mrs Tiu."
"Ayoko nga," mabilis na tangggi nya.paborito niyang kliyente ang matanda.mahilig kasi itong magbigay Ng siopao, lalo na tuwing pasko.Napangiti siya sa kababawan niya "
"Sige na, o. Hindi muna Kasi natin puwedeng bigyan ng kliyenteng lalaki si Kathy dahil alam mo na..... nagkibit balikat Ito." Baka may namuong grudge na ,yon SA mga lalaki ."
"Eh"
"PLEASE.....
Napabuntong hininga Siya. "sige na nga.
Pasalamat Ka, kaibigan Kita."
"YES ,! Napasuntok pa Ito SA hangin. " lagot ka ngayon,Levi ka.makikita mo na ang katapat mo,"
anito,kapagkuwan ay tumawa.
napailing na lamang uli siya.
Chapter Two
"Nagbago na ba ang sistema mo at personal mo nang ihahatid ang mga CPA mo sa magiging kliyente nila?"tanong ni Jade Kay DaggS na nakapwesto sa harap ng manibela.Papunta sila sa main branch ng Flores Restaurant sa ortigas.
Ngumitiito". Well, gusto ko na personal kang i-intruduce sa best friend ko kaibigan kita kaya gusto ko rin na makasundo mo si Levi."
"Dude ako kung 'yan talaga ang plano mo.,"aniya.Base sa mga kwento nito,malabong makasundo niya ang Levi na yon.Malaki ang galit niya sa mga tulad nitong playboy.Kagaya rin kasi nito ang kanyang ama na basta nalang sila iniwan na mag-ina.Kung tuusin,isang milagro na naging kaibigan niya si DaggS dahil kagaya ng kanyang ama ay playboy rin ito.
"Malay mo naman,"sabi ni DaggS.
Hindi na siya nagkomento.
Nang makarating sila sa opisina ni Levi ay may ibang tao roon.Sa kabila ng mga taong lumipas ay nakilala agad niya ang mga ito -sina Aljhon at Neo na naging kaklase rin niya sa kolehiyo.
"Kayo na ba"? tanong ni Aljhon.
Binatukan ito ni Neo."Ano'ng pinagsasabi mo riyan?Alam mong imposibleng maging item ang dalawang yan". "Eh bakit magkasama sila?" tanong ni Aljhon.
"Wait! Do you know her?"
Napatingin siya sa nagsalita at muntik na siyang mapasinghap.Tama nga na ang mga nabalitaan niya napakaguwapo nga ni Levi.Sa sobrang amo ng mukha nito ay maiinggit dito ang mga babae.
"I'd like to intruduce the best senior accountant of Torres Accounting Firm,Miss Jade Bridgette Alcala,"pinakilala ni DaggS sa kanya kapagkuwan ay nilingon nito sina Neo at Aljhon."At kayong dalawa wala kaming relasyon.Alam n'yong imposibleng mangyari 'yan! Tumawa pa Ito.
"Sa TAF ka nagtratrabaho Jade?
"Akala ko kinuha ka ng IBM right after graduation?"
Sandali nga lang!Bakit ba siya nandito DaggS?
Is she the new accountant you're sending me? And
how the hell do you guys know each other?" sabado ni Levi.
Natawa si DaggS."Una sa lahat, totoong kinuha ng IBM si Jade pero hindi siya pumayag dahil mas gusto niyang magtrabaho sa TAF, 'DI ba Jade?
Nilingon pa Siya nito.,"At huwag nyo na siyang konsiyensiyahin na sa akin niya piniling magtrabaho,Hindi naman nalalayo ang salary niya sa akin na ibibigay sa kanya ng IBM.
"And Levi ,Yes , she's the accountant I told you about." Magkakalase kasi kami sa ilang subjects nong college kaya magkaibigan na kami noon paman."
Tiningnan niya ang reaksiyon ni Levi.Nakakunot ang noo nito na tila naiirita." I told you not to bring me a female accountant.Baka kagaya rin siya ng iba. ha?"
Ano ang ibig sabihin nito?
Oh, no Levi She is an exception.Sigurado akong hindi siya katulad ng mga nauna mong accountant na na-inlove sa 'yo," ani DaggS na kumindat pa sa kanya.
Nainis siya ng malaman Kung ano ang tinutukoy ni Levi . Ang yabang Naman nito para isipin na magkakagusto Siya rito, Gwapo man ito,hindi iyon basehan para ma-inlove siya rito.
"Ang kapal ng mukha! sa loob loob pa niya.
"How can you be so sure? She's still a woman with female hormones,"
Tuluyan nang naginit ang ulo niya,"Excuse me, Mr Gerolao.You're not that handsome for me to fall in love with you."Besides , you're a complete asshole.
I hate assholes."
Narinig niya ang sabay-sabay na pagsinghap nina DaggS,Neo at Aljhon.Tumaas naman ang isang kilay ni Levi." Asshole,huh?
Jade ,Levi is still a client," saway ni DaggS sa kanya.
I don't freaking care.Mukhang hindi ko rin naman kayang tiisin na magkakaroon ng kliyente na bagyo sa yabang," Pagkasabi niyon ay tinalikuran niya ang mga ito at tinungo niya ang pinto.Ngunit bago pa niya mahawakan ang pinto.Ngunit bago pa niya mahawakan ang seradura ay nagsalita na naman si Levi.
"I like her DaggS.She passed the test,"
Test? I -test mo mukha mo! Napahiya ka Lang eh.
"Uh,,,,,Jade ? Puwede bang hawakan muna tong Flores? Please?"Nahimigan niya ang pagsusumamo sa tinig ni DaggS.
"Sige na ,Jade?udyok ni Aljhon."Oo nga! para may katapat na rin tong si Levi.Aray! Ba't ka ba nambabatok?"
Humarap siya sa mga ito at pinakatitigan si Levi.
Seryoso ang anyo nito.
"Okay," mayamaya ay sabi niya.
Sabay -sabay na nag "YES! sina DaggS,Neo at Aljhon samantalang nakita niyang tumaas naman ang isang sulok ng mga labi ni Levi.Hindi niya nagustuhan ang asta nitong iyon.Nayayabangan pa rin siya rito.Pasalamat ito at professional Siya dahil Kung hindi ay baka kanina pa niya nakalmot ang mukha nito.
"GOOD morning,ma'am Jade!"
"Good morning din po mang terio, "bati niya sa security guard ng Flores.Ikalawang linggo na ng pagttatrabaho niya sa restaurant ni Levi at walang araw na hindi sila nagbabangayan ni binata.Minsan,kahit wala Naman siyang sinasabing masama ay bigla na lang itong nagsisimula ng argumento.Siyempre, Hindi naman siya nagpapatalo.
Napabuntong hininga naman siya.Another brain hammering day was ahead of her.
"Tin ,nasa loob ba ang boss mo? tanong niya sa staff na kasalukuyang nagpupunas ng sa counter.
"Ay,yes ma'am Jade.Two straight weeks na ngang maaga pumasok,'yang si Sir Nakakapanibago, Minsan ay nauunahan pa niya kaming pumasok." sagot nito.
"Ah ,okay .Baka natauhan na."
"Natauhan na hindi dapat ginagabi-gabi ang mga babae,"
Sabay silang natawa.
"I heard that."
"Nakalimutan ko palang gumawa Ng crepe base,ma'am. Sige po," ani Tin at mabilis na tumalilis ito papunta sa kusina.
"Natauhan pala ha?"'
Nilingon niya si Levi."Good morning Sir." bale walang bati niya rito,.kapagkuwan ay nagtungo na siya sa opisina niya.
Sinundan Siya nito."Gusto ko lang linawin.Hindi ako ang lumalapit sa kanila,sila ang lumalapit sa akin.
"You were saying,Sir? kunwari ay hindi narinig ang sinabi nito na tanong niya.Binuksan niya ang computer sa mesa niya.
"Hindi ko kasalanan Kung lapit nang lapit sa kin ang mga babae,Ano bang nakikita niyo sakin at gustong gusto niyo ako,ha?
Ang yabang talaga! "Excuse me,Sir ,hindi lahat ng babae ay nababaliw sayo gaya Ng mga ex girlfriend mo."mataray na sabi niya rito.
Nagkamot ito sa baba,"Wala akong kilalang babae na kilala rin ako na walang gusto sa akin."
Parang may pumintig na ugat sa ulo niya dahil sa sinabi nito.Tumayo siya at nakahalukipkip na hinarap ito.,Huwag na huwag mo lalahatin ang mga babae .Dahil hinding hindi mo ako maisasama sa listahan ng mga babaeng nahihibang sayo kahit kailan."Humugot Siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita." Hinding hindi ako mai-inlove sa isang pangit na kagaya mo!"
Dumilim ang anyo nito.Matapang na sinalubong niya ang titig nito.
Naputol Lang yon nang may tumikhim.
Marahas na nilingon niya ang istorbo.Pagsasalitaan sana niya ito nang makita niya si Neo.Mababanaag sa mukha nito ang takot
" Ahm, Levi, Jade....bibigyan ko Lang sana kayo ng invitation card,"anito .
"Invitation para saan?"
"SA wedding niya," Si Levi ang sumagot.
"Wedding? Ikakasal ka na?" tanong niya kay Neo.
"Ay,Hindi ,bibinyagan Siya.Wedding nga, eh,"
sabad na naman Ng epal na si Levi
Pinukol niya ito ng tingin Kay neo.tinanggal niya ang iniaabot nitong invitation card.
Nagpaalam na ito.Susukatan pa raw ito Ng baring.
Aasahan ko kayong dalawa ha?" wika nito
Tumalilis na ito pagkatapos ding abutan Ng invitation card si Levi.pero saglit lang ay humarap ulit ito sa kanila."ahm , Levi....
"Yes ?"
"Huwag mong gagamit 'tong si Jade mamaya hindi Yan pumunta SA kasal ko,lagot ka sa'kin Pagkasabi niyon umalis na Ito.
"Mabuti pa si Neo may puso," komento niya.
"Ano?
"Nothing,sir.Lets get back to work.Bumuntong -hininga siya, kapagkuwan ay napaisip Siya.Na-realize niya na nakakarami na pala Siya ng buntong -hininga mula nang pumasok siya nang umagang iyon.
Hindi niya napigilang mapabuntong hininga uli.
CHAPTER THREE
"BAKA matunaw,," Levi ",wika ng nakangising si Neo.
"What?"
"Pansin ko rin," wika ni Max, ang balokbayan nilang kaibigan.Nang nagdaang araw lang dumating mula Italy.Umuwi Lang ito para sa kasal ni Neo.
"Ang alin?" tanong niya.
"Kanina kapa nakatingin Kay Jade,sagot nito.
Napakunot -noo siya, "Kilala mo rin si Jade?""
Tumawa si Aljhon. Paanong hindi niya makikilala si Jade ,eh ,pinormahan niya Yan nong college?Ang kaso ,maila talaga " Yang si Jade,Hindi man Lang naka first base 'tong si Maximo," sabi nito na ikinasimangot ni Max.Tila hindi nakatiis ,binatukan pa ni Max si Aljhon.
"Aray! Lagi niyo na akong binabatukan.Ang sasama niyo! reklamo nito.
Lahat pala sila ay kilala na si Jade,naisaloob niya.Naging close din kaya sila ni Jade Kung hindi siya sa Amerika nag-aral noon?
"Bakit kasi hindi mo pa lapitan?"
Napalingon siya kay DaggS dahil sa tanong nito.
Nakangisi ito.
"Ano ba'ng pinagsasabi niyo riyan?
pagmamaang maangan niya.
"Maganda naman si Jade,ah"
"Matalino pa",
"Oo nga
"Mataray nga lang,"wika ni Max.
Nakangisihan ito ni Aljhon. "Bitter?"
Binatukan uli ito ni Max.
Ibalik niya tingin Kay Jade,Hindi man ito kasing Ganda ng mga naging girlfriend niya,natatangi naman ang taglay na appeal nito.Halata sa pananamit at kilos nito ang pagiging ismarte.Sa lahat Ng features nito ay pinakagusto niya ang mga mata nito.She had the most expressive and intelligent pair of eyes he had ever seen.Malalantik ang mga pilik niyon na bumagay sa light brown na mga mata nito.
"She's not an exception,you know.Itinatago Lang niya sa pagtataray ang attraction niya sa akin.
Palabas lang niya na immune siya sa kaguwapuhan ko," mayabang na Sabi niya.
Tumawa si DaggS ng nakaloloko." maniwala Ka, pare.Immune talaga siya sa gandang lalaki mo,"
Natawa ang lahat maliban sa kanya," Sisiguraduhin kong kakainin niya ang lahat ng sinabi niya . She's going to fall for me," buo ang kumpiyansa na Sabi niya.
" I doubt it, dude.Huwag mo nang sayangin ang pagod mo.Ito ngang si Max na lapitin din ng chicks, walang binatbat Kay Jade,eh, Kilala namin iyon.Pusong bato iyon. wika ni Aljhon.
Sinang ayunan Ito ni Neo." Hindi mo mapapaamo 'yon, Ang mabuti pa, gumaya Ka nalang sa akin,
Itinaas nito ang daliri na wedding ring,
kapagkuwan ay ngumisi Ito,"Happily married,"
"Asa", aniya
Sabay -sabay na napalingon sa kanya ang mga kaibigan niya.
" Tatlong linggo palang kayong nagkakatrabaho ni Jade,nakuha muna ang favourite expression niya.
nakataas ang isang kilay na wika ni DaggS.
Napangiwi siya, Ano naman?at saka,bakit ba wala kayong katiwa- tiwala sakin? May babae bang tumanggi sa charm ko?"
Meron," si Armie,"sagot ni Neo na ang tinutukoy ang ang asawa nito.
Tiningnan niya ito ng masama,"Hindi kasama si Armie sa usapan,. Seriously,wala pa namang babaeng nakatanggi sa akin , di 'ba?pangungulit niya sa mga ito.
"Oo naman,Ilang girlfriend ko nga ang naagawmo,eh,"wika ni Neo.
Yon namang liligawan ko pa lang ,nililigawan Ka na," sabi naman ni Aljhon.
"Muntik Ka na nga namin ipakulamnoon,eh,''
Sabi naman ni DaggS.
Natawa siya sa mga sinabi ng mga ito. "Hey" those where not my fault.Sila ang lumapit sa akin.Besides,hindi ko naman pinatulan ang mga babae niyo ah",
Tinitigan Siya ng masama ng mga ito.
Hinding hindi mo maaakit si Jade .Iba Siya," wika ni Max. Napalingon siya rito.May pagtingin pa rin ito Kay Jade hanggang sa mga sandaling iyon?ang alam niya ay mayroon na itong girlfriend SA Italy.
"Wanna bet,?"
"Sure ,I'll give you a Maserati Gran turismo you win her heart.."
Napasinghap Siya at ang iba pang kaibigan nila dahil sa sinabi nito.A sports car to win Jade's heart.
Cool!
Sumimsim Siya sa hawak na kopita bago sumagot." It's a deal."
Muli ay nagsinghapan sina DaggS Neo at Aljhon.
" Guys,I don't think it's a good Idea na pagpustahan niyo si Jade Lagot kayo kapag nalaman niya ang tungkol diyan, "halatang nababahalang wika ni Aljhon.
"At sa kasal ko pa kayo nagpustahan," wika ni Neo.
"Dude , we're doing this just for fun.sumakay nalang kayo," natatawang wika niya.
"Jade is not just for fun," matigas na Sabi ni DaggS.Base SA expresyon sa mukha nito ay tila nagpipigil Lang ito na huwag siyang bugbugin.
Mukhang na-sense iyon ni Max dahil hinawakan nito si DaggS sa balikat.
Pinukol nito ng makahulugang tingin si DaggS na nagpakalma rito.
Napakunot-noo sya.Ano ang ibig sabihin niyon?
"Jade's right.You really are an asshole,"
Pagkasabi niyon ay tumayo na si DaggS at iniwan sila
Tumingin Siya kina Aljhon at Neo.Kibit balikat ang tugon nito sa tanong sa mga mata niya.
Napailing na lamang siya.
Napatanga si Jade sa bouquet na hawak ni Gela.
"Ano kamo? Para sa akin 'yan?
Nasa TAF Siya ng araw na iyon.Dalawang beses lang sa isang linggo kung bumisita Siya sa Flores.Regular din niyang binibisita ang iba pang kliyente niya.
Kinikilig na tumango ito. "YES", ma'am .Pangalawa na po ito ngayong ligggo."
Nagtatakang kinuha niya mula rito ang bouquet.
Red roses for a very charming lady. -L.G.
Napaisip Siya sa initials. "Teka sigurado Ka bang para sa akin ito?Wala naman pangalan na nakalagay na recipient, eh" Baka para sayo ito Gela." ibinalik niya rito ang bouquet.Sa inyo po talaga Yan,Yon po ang sabi ng nag deliver niyan dito,"
"Eh ma'am ,sino po ba si LG? Ang galante po ng secret admirer nyo. Panay ang padala ng mga bulaklak."
Tiningnan lang niya ang hawak nitong bouquet.Sino nga ba si LG? Sa totoo lang, Hindi Siya sanay na nakakatanggap ng bulaklak.Nasa kolehiyo siya nang huli siyang makatanggap ng mga bulaklak.
Galing pa iyon kay Max.Nagkrus uli ang mga pandas nila sa kasal ni Neo.
LG .,...Teka , hindi kaya si.....
"Hi girls! I brought you the best food from my restaurant.I bet you haven't had your lunch yet.
Ito kasing senior accountant natin,napaka-workaholick.
Dagli siyang napalingon nang marinig niya ang tinig ni Levi.Ano ang ginagawa nito sa TAF ?
ano ang naisipan nito at nagdala ng lunch pa sa kanila?
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya rito.
Tumingin ito sa kanya, kapagkuwan ay ngumiti nang matamis," Gusto ko sanang sabay tayong mag lunch," Tumingin ito sa bouquet na hawak ni Gela.kapagkuwan ay bumaling uli ito sa kanya." Did you like the roses?Galing pang England ang mga Yan.
Sinasabi na nga ba niya.Ano naman Kaya ang trip nito at nagbabait-baitan Ito ngayon?
"So ,ikaw pala ang nagpadala ng mga bulaklak?
Ngumiti uli Ito.Kanina pa niya napapansin na Panay ang ngiti nito. Kinakabahan siya dahil doon.
Malakas ang kutob niya na may plinaplano ito at kung anuman iyon,Hindi maganda iyon.
"uh-huh. Ako Mismo ang pumuli ng mga bulaklak na iyan.Nagustuhan mo ba?"
Impit na tumili si Gela na nasa sulok na.
"No," walang Ka gatol gatol na sagot niya.
"Bakit"?
"Mr .Gerolao,Kung anuman ang plinaplano mo,itigil mo na.Wala akong panahong makipaglaro sayo.
Bumuntong hininga ito.Napalingon tuloy siya rito. Seryoso ang anyo nito habang nakatingin SA sahig.
"I don't understand why you refuse to accept small gifts like these,Lalong hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit Ka sa akin ," Sabi nito na ngumiti pa ng mapait, "Gusto ko lang namang makipagbati sa"yo kaya kita binigyan ng bulaklak. masama ba yon?
Tiningnan niya ito ng mataman,pinag- aralan niya kung seryoso ito sa sinasabi nito o hindi.
Sinalubong nito ang titig niya.Bigla tuloy siyang nalang. Hindi naman siguro ito magiging ganon kaseryoso kung magbibiro lang ito.
Makikipagbati na sana siya rito nang magsalita ito.
"Oops! I have to go. May client pala akong kakatagpuin.
Kainin mo ang inihanda kong lunch para sa'yo, ha? bilin nito bago tinungo ang pinto.
Palabas na ito ng silid nang pumihit ito paharap sa kanya. "And one more thing, huwag kang magpapagabi, ha? Mahilig ka pa naman daw mag overtime sabi ni DaggS.Ayokong mapahamak ka. You're to precious to lose," Ngumiti na naman Ito.
"Bye for now.
Nang tuluyan na itong makalabas ng opisina niya ay nagtitili si Gela na naroon pa rin pala sa opisina niya.
"You're to precious to lose"daw, Ma'am si Mr,Garolao pala si LG.Ang sweet naman niya, Ma'am."
Kliyente ko Siya, Natural na ayaw niya mawalan ng isang competent na accountant."
"Hay , naku , Ma'am, mas matalino kasya sakin pero napaka-naive nyo pa rin po pala, Hindi niyo ba nakita kung paano niya kayo ngitian.Iba Kaya," Pinagsalikop nito ang mga kamay at tumingala sa kisame na animo nangangarap," Ang swerte niyo ma'am. Kung ako ang sinabihan ni Sir DaggS ganon, baka nagpabuntis na ako,"
"Ewan ko sayo," sabi na lamang niya.
"You're too precious to lose,"
Napailing siya.Bakit ba kasi sinabi pa nito iyon
Hindi tuloy siya mapakali.
CHAPTER FOUR
NAPAMURA nang mahina si Jade nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.Nasa labas siya ng opisina nang mga sandaling iyon at nag-aabang ng masasakyan pauwi. Agad siyang sumilong sa malapit na waiting shed. Kung kailan pa coding ang kotse niya,
noon pa umulan ng malakas. Hindi pa naman madaling makasakay kapag ganoong umuulan.
"Where are you, DaggS,!" tanong niya sa kawalan nang mag-iisang oras na siyang nakatayo sa waiting shed ay hindi pa rin siya nakakasakay. Kapag coding ang kotse niya ay kay DaggS siya sumasabay pauwi.
Nagkataon namang hindi ito pumasok nang araw na iyon. Nang subukan niyang tawagan ang cellphone nito ay out of coverage area naman iyon.
Akmang sudugod na siya sa ulan nang may humintong itim na Audi sa harap niya.Agad siyang umatras. Baka masamang-loob ang sakay niyon.
Nagulat siya nang bumaba mula roon si Levi.
Lumapit ito sa kanya bitbit ang isang malaking payong." Sumabay ka sa akin, Jade ," alok nito.
"Anong ginagawa mo rito?" mataray na tanong niya rito.
"Eh," di sinusundo ka. Pupuntahan sana kita sa opisina mo, Kaso ,ang Sabi ng guard ay umalis ka na raw.Alam kong coding ang kotse mo ngayon at wala si DaggS Kaya sigurado akong hindi ka pa nakakalayo. Kaya hinanap kita at nakita naman kita rito," mahabang paliwanag nito.
Alam mong coding ang kotse ko ngayon.?
Nawi-weird-an na talaga siya rito dahil sa mga inaakto nito. Bigla nalang itong bumait sa kanya. Hindi lamang iyon. naging sweet pa ito sa kanya. Lagi siya nitong dinadalhan ng lunch at pinapadalhan ng sweet messages, chocolate,at nang binansagan nitong "British roses," May mga alam na rin itong impormasyon tungkol sa kanya na hindi niya alam kung paano at saan nito nakuha.
"Alam ko ang plate number ng kotse mo.three ang Duplo n'on at Tuesday ngayon kaya alam kong coding Ka. Logic lang kaya ' yon."
Pinigilan niyang matawa. SA totoo lang,kahit wala siyang ideya kung bakit ito biglang bumait,natutuwa siya na nagbago ito. Mukhang nasanay na rin siya sa pambabara nito. Dati ay kinaiinisan niya iyon pero ngayon ay tinatawanan na lamang niya iyon.
"Natulala ka na riyan . Sumakay na tayo sa kotse at nilalamig na ako.Kapag nagkasakit ako,aalagaan mo ako, sige Ka," pananakot nito sa kanya, Yakap nito ang sarili na animo ginaw na ginaw talaga ito.
Bakit mo naman ako sasakay sa kotse mo,? tanong niya .
Pinandilatan siya nito. "choosy ka pa? wala ka kayang masakyan."
Lihim siyang napangiti sa sinabi nito.May pagka vice ganda talaga ito kung mambara.
Hindi na lamang siya sumagot at tinungo niya ang kotse nito. Akmang bubuksan niya ang pinto niyon nang pigilan siya nito.Nagkadaiti tuloy ang kanilang balat. Cliche mang sabihin,tila mayroon talagang kuryenteng dumaloy sa kanilang mga kamay nang magdikit ang mga iyon. Tuloy. animo napaso sa dagling inilayo niya ang kanyang kamay.
"Gentlemen ako. Let me open the door for you."
Dahil medyo hilo pa siya sa pagkakadaiti ng kanilang mga kamay ay napatango na lamang siya.
Wala sa sariling pumasok siya sa kotse.Nagulat siya nang bigla itong lumapit sa kanya para ikabit ang seat belt niya .
Hindi ako baldado. Kaya kong ikabit ang seat belt sa sarili ko." pagtataray niya para mapagtakpan ang tila paglusob ng mga kabayo sa kanyang dibdib,
Ngitian lang siya nito.
I don't think it's a good Idea na sagasain natin ang traffic.Bumper - to- bumper daw talaga sa Cubao.
Magakape muna Tayo," sabi nito.
"Wala ka bang alam na shortcut?
Gusto na niyang umuwi dahil hindi niya gusto ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
Para siyang kinikilig na ewan. Ang masama ,Kay Levi niya iyon naramdaman, Ayaw niya iyon .
May pagtataka ang tinging ipinukol nito sa kanya
" Bakit ba nagmamadali Ka? May hahabulin Ka ba flight?
Tiningnan niya ito nang masama .Wala siyang maisip na dahilan. "Sige na nga. Magkape na kung magkakape."
"YES !"
Nilingon niya ito." ang saya mo naman yata?
Ngumiti ito.Natuwa Lang ako, " sagot nito, saka niyakap na Naman ang sarili nito.
Napailing na lamang siya.
Nang makarating sila sa coffee shop ay hindi naman ito um-order ng Mainit na kape,bagkus strawberry frappucino rin ang in-order nito gaya ng kanya.
Ang akala ko ba,nilalamig Ka? Bakit nanggaya Ka ng order?
"Bakit masama ba? Pag-aari mo ba ang flavor ng frappé na in-order natin.?
Pinaikot niya ang mga mata niya, Wala itong kwentang kausap.
" Sorry nga Pala."
Napakunot-noo sya, Ano na naman ang drama nito bigla itong nag "sorry "?
Sorry kung hindi maganda ang first meeting natin.In - underestimate Kita.Saka sorry din dahil nahuli ako ng dating kanina, Siguro ang tagal mo nang nakatayo ron, no,?
"Mag-iisang oras"
Nanlaki ang mga mata nito, kapagkuwan ay yumuko ito. See? Pasensiya ka na ha?
Muntik na siyang matawa sa hitsura nito. '"Ano ka ba? ,Wala kang obligasyon na sunduin ako.Mukha kang iwan diyan."
"Kahit na ba."
Napailing na lamang siya. "Ang kulit mo.At iyong tungkol naman sa kayabangan mo nong una tayong magkita, nakalimutan ko na yon,.Walang sinasabi yon sa rose na ipinadala mo," sabi niya.
Nang linguine niya ito ay nakita niya ito na nkatitig sa mesa, Tila