Walang lingod likod ang mamadaling maglakad na Doña patungo sa opisina ni Ice. Kahit matanda na ito ay with poise pa rin ito. Kakikitaan ng kulubot na mukha ngunit alaga sa kinis. Ngunit hindi mo nanaising titigan ito sa kanyang mga mata. Lalo na kapag masama ang timpla nito. Hindi siya terror ngunit istrikta. May mga mangilan ngilan lamang na empleyado ang ayaw rito ngunit halos lahat ay gusto ito. Hindi dahil sa ugali nito. Kung hindi ay dahil sa pagdadala nito sa sarili kahit may katandaan na. Mga ilang hakbang pa ay nakarating na ito sa opisina ng babaeng hinahanap niya. "Where's Ice?" gigil na saad ni Doña Valeria habang nakatingin sa sekretarya ni Ice. Taliwas sa anyo nitong malusog sa palabas nito noon na may sakit siya at may taning na ang buhay niya. Sino nga ba ang tanga na ma

