"Ice, please let's talk." pilit na kinukulit ni Enrique ang asawa. Tunay na mahal niya ito at ayaw niyang magkahiwalay sila. Hindi niya nais na mahiwalay pa kay Ice kaya pinilit niyang magbago. Ngunit totoo nga yata na once mawala ang tiwala o magkalamat ito ay hindi na muling mabubuo pa. Bawat kilos niya. Bawat galaw ay may kaakibat na pagdududa. Ano mang paliwanag ang gawin niya ay hindi na ito maniniwala pa. Ngunit wala namang masama kung susubukan niya. Baka sakaling puwede pa. Baka sakaling mabuo pa. "Ice, please. I need you." hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Sa halip na I love you. Naiiling naman si Ice sa narinig. "Tsk. I need you?" napatanong sa sarili na bulong ni Ice. "I don't need you." parang tinusok ng isang libong karayom ang puso ni Enrique. Ku

