"Oh Ice, kanina ka pa ba naghihintay?" bungad ni Rosser sa babaeng matagal na niyang gustong maka-date pero tila mailap nag pagkakataon dahil nabakuran na kaagad ito ng karibal niyang si Enrique.
"Hindi naman. Kararating ko lang din. Dala mo na ba?" agad na sagot ni Ice. Ayaw niyang magmukhang tanga si Rosser. Alam niyang malaki ang utang na loob niya rito lalo pa ito ang takbuhan niya kapag hindi na niya kaya ang mga problema niya.
"Oo dala ko. Sorry talaga kung ngayon lang ako." giit nito dahil kilala niya ito kapag nagsisinungaling. Bakas sa mukha ni Ice ang pagtatakip sa pagkalate ng dating niya. Lalo pa tumawag pa ito kanina na akala niya ay siya ang late.
"Hindi ka na masanay sa akin. Lagi naman akong saktuhan kung dumating. Teka nga umorder na tayo. Kape ka?" tanong niya kay Rosser.
"Oo black coffee lang. Kumusta pala kayo ni Enrique?" sa salip na sagutin ay ibinaling ni Ice ang paningin sa dala ni Rosser na portfolio. Magkatrabaho kasi sila at naiwan niya ito sa opisina. Tamang tama naman na late itong umuwi kaya naman naipadala niya rito ang gamit niya. Ayaw niya naman ipahatid aa bahay dahil baka kung ano na naman ang isipin ni Enrique sa kanila.
"Mabuti nadala mo ito. Hindi ko matapos ang trabaho ko kagabi dahil naiwan ko to." naiiling na lang si Rosser. Alam niyang hindi maayos ang lagay ng dalawa pero hindi para mag usisa pa siya.
"Sige ako na oorder. Coffee with creamer, right?" tumango lang si Ice sa kanya. Patuloy na binuklat ang portfolio. Ilang lipat pa ng pahina ay may nakita siyang sulat. Nilingon niya si Enrique na kasalukuyang nasa Counter at nakatingin sa kanya na agad namang inilihis ang paningin nang makitang napalingon siya.
"Kahit kailan talaga." naiiling na sabi ni Ice. Hindi niya pinag aksayahan man lang na buklatin ang sulat na alam naman niya ang laman.
"Coffee mo oh." sabi ni Rosser nang magbalik ito sa upuan nila.
"Ano na naman yung sulat? Puwede ba Rosser. May asawa na ako." saad niya rito. Masaya siya na kaibigan niya ito pero kung patuloy pa rin ito sa gusto nito ay mabuti pang putulin na nila ang pagkakaibigan nila.
"I want you. I need you. I love you." saad nito.
"Alam mo namang hindi tayo puwede. Kaibigan lang ang turing ko sayo." giit ni Ice.
"Sabi ko naman sayo willing ako na mag stay kahit walang commitment." sabay hawak nito sa kamay ni Ice. Alam niyang matagal na niyang binasted si Rosser pero makulit talaga ang kaibigan niyang ito.
"Ewan ko sayo. Isang kulit mo pa iiwasan na talaga kita." sabay hatak ng kamay niya. Hindi nila namalayan na may nakakita pala ng aktong iyon.
"Ganyan pala ang ginagawa ng babaeng yan tuwing hindi niya kasama ang asawa niya." saad ni Celine.
"Oo nga. Malandi talaga. Hindi na naawa kay Enrique." sagot naman ni Rosanne. Sabay padala ng litrato kay Enrique. Si Rosanne at Celine ang barkada ni Ice bago sila ikasal ni Enrique pero iniwasan siya ng mga ito nang pumayag siyang magpakasal sa asawa na niya ngayon.
May gusto si Celine kay Enrique at suportado naman ni Rosanne ang kaibigan kaya naman kasabay ni Celine itong umiwas kay Ice. Wala namang magagawa si Ice kung iyan ang gusto ng dalawa. Marami talagang nasisirang pagkakaibigan kapag lalaki na ang pinag uusapan.
Hindi rin naman niya kasalanan dahil pinagkasundo lang sila ng mga pamilya nila. Kahit gusto niyang sumuway sa mga ito ay wala siyang magagawa.
Hindi naman mapakali si Enrique nang makita niya ang litrato ng asawa kasama si Rosser. Masakit sa loob niya na may kasamang lalaki ang mahal niya lalo pa at katrabaho nito. Hindi lang iyon kung hindi ay hawak pa nito ang kamay ng asawa na kailanman at ipinagkait sa kanya ni Ice. Yun pala ay iba lang ang hahawak.
Galit ang nararamdaman ni Enrique pero wala siyang magawa. Idinaan na lamang niya sa pagluluto ang galit niya. Naghanda siya ng pananghalian nila para pagdating ng asawa ay kakain na lang sila.
Ngunit lumipas ang maghapon ay walang dumating na Ice. Hindi na rin niya nagawa pang kumain. Sa halip ay muli siyang uminom ng beer. Mag aalas nuebe na ng gabi nang umuwi si Ice.
"Bakit ngayon ka lang?" mahinahong tanong ni Enrique ngunit sa halip na sumagot si Ice ay dere-deretso lamang ito sa kwarto nila.
"Punyeta, Ice! Tinatanong kita!" sigaw ni Enrique pero nanatiling bingi ang asawa. Isang malakas na kalabog ng pinto ang umalingawngaw sa pagsara nito.
"Ice! Bumalik ka rito!" halos mapuno ng galit ang dibdib niya. Halo halong isipin ang tumatakbo sa isip niya. Hindi niya mapigilang isipin na baka may nangyari sa dalawa nang dahil sa ito lamang ang kasama nito maghapon base sa litratong padala ni Rosanne.
"Hawak ng lalaking yon ang mga kamay mo. Gabi ka na umuwi." paulit ulit na takbo ng isip ni Enrique. Parang masisiraan na siya kaiisip. Hindi niya natiis at pumasok na siya sa kwarto. Sa kasamaang palad ay tulog na ang asawa. Tila pagod na pagod sa maghapong lakad nito kasama ang kalaguyo niya. Sa isip ni Enrique.
Buo na sa isip niya na kalaguyo ito ng asawa. Halos sumabog ang dibdib niya sa galit pero wala siyang magawa. May kasalanan siya. Pero tulad ng laging nasa isip niya. Pinagsisihan na niya ang lahat. Pero bakit parang kulang pa?
Ano pa ba ang dapat niyang gawin bukod sa pagpapakatanga? Pagpapatapak sa pagkalalake niya. Hindi pa ba sapat na iniiputan siya sa ulo ng asawa para malaman nito ang halaga niya? Napahilamos siya ng mga palad sa mukha. Hindi niya alam kung martyr ba siya o talagang kailangan niya lang pagbayaran ang mga kasalanan niya.
"Ice, I love you. Huwag mo naman gawin sa akin ito. Huwag mo naman akong gawing tanga..." bulong niha habang patuloy na nagpapaanod sa damdamin niya. Patuloy hinahayaan pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Ano nga bang sasakit pa sa malamang may iba ka bukod sa asawa mo. He deserves it. Yan ang huling pumasok sa isipan niya bago pa tuluyang lamunin ng antok ang sarili niya.