Hatinggabi na ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Ice. Kanina pa siya pabaling-baling sa kama. At halos nalibot na rin niya ang buong higaan niya ngunit hindi pa rin niya masumpungan ang antok. Kung kailan naman nais niyang ipahinga ang isip saka naman hindi niya ito maipahinga. Marahil ay sanhi ng halo-halo na nga niyang problema na kanina pa sumusundot sa kanyang isipan. Kung maaari lang na pagpikit niya ay tulog na kaagad siya ngunit hindi. Patuloy siyang nililligalig ng kanyang isipan nang dahil sa mga isipin niyang hindi matapos-tapos. At ang pinaka-nangingibabaw ay ang nararamdaman niya na kung ano para kay Jonas. Mahal na nga yata niya ang binata. Sa dinami-dami ng suliranin niya ay ito pa rin ang pilit na nagsusumiksik sa kanyang isipan. Kung bakit ba naman kasi niya naiisip pa

