Kabanata 6
"Good Morning Mr. Villan." Tumango siya sa'kin at pumasok na sa kanyang opisina. Bumalik ako sa ginagawa ko. Naging abala rin ako nitong mga nakaraang araw simula ng binigyan ako ng offer ni Mr. Villan sa pag mo-modelo.
I have a sleepless night because of that. I don't know what gotten to him. Iniwasan ko na rin siya kahit para kahit papaano ay maging panatag ang loob ko at isip. Nakauwi na rin si Cade galing sa honeymoon nila kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikipag-usap sa kanya.
"Hi! Kate." Nagulat ako ng may nag salita sa unahan ko hindi ko siya makita dahil nakaharang sa kanya ang basket na may mga prutas. Tumayo ako ng mapagtanto na si Cade yun!
"What are you doing.... Here?" natigilan ako ng mapagtanto ko na hindi lang siya nag iisa. Kasama niya ang asawa niya. Ngumiti siya sa akin, binalik ko sa kanya ang ngiti na 'yun.
"Ah, may appointment ba kayo?" basag ko sa katahimikan na bumalot sa'ming tatlo. Bumukas ang pinto ng opisina ni Mr. Villan, agad naman na natuon ang pansin niya sa akin sunod kay Cade.
"Welcome back." Bati niya sa dalawa agad namang yumakap sa kanya ang kanyang kapatid na si Leah. Tinapik nito ang balikat ni Leah at giniya siya papasok sa loob. Muli siyang tumingin sa banda ko bago tuluyan na niyang nasara ang pinto.
"Are you free tonight?" agad kong binawi ang tingin ko sa pinto opisina niya at agad na binaling ang atensiyon kay Cade, ngumiti ako sa kanya at tumango.
Binalik ko na ang ginagawa ko lumapit siya sa'kin at hinila ang upuan na nasa gilid at tinabi sa'kin.
"We have a family dinner tonight do you want to come?" tumigil ako sapag titipa sa aking computer sa sinabi niya. Gusto ko mang sumama ay hindi din naman tama. Dahil may asawa na siya, sabihin man natin na may nakaraan kami pero hindi ko naman maatim na may masira akong relasyon dahil sa mga gantong bagay.
"No. Ang asawa mo dapat ang isama mo Cade hindi ako." Nag patuloy na ako sa ginagawa ko, ramdam ko naman ang pag titig niya sa'kin pero di ako nag patinag pa. Bumuntong hininga siya at sinobsub ang kanya ulo sa desk ko. Hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya.
"Actually, nag usap na kami ni Leah." Tumingin ako sa kanya dahil nakuha na niya ng buo ang atensiyon ko, "She said that he love someone and napilitan lang din siya na mag pakasal sa'kin." Nahihimigan ko ang pag iba ng kanyang tuno.
"Bago ko malaman na ikakasal na ako sa ibang babae ay nakilala ko siya sa isang bar." Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi pa ako nag bigay ng kahit na anong opinion pa at nakinig na lang.
"We hang out, and then...." Hanggang sa nalaman niya na lang na ikakasal na siya. I get it. Napangiti ako ng mapait dahil sa sinabi niya. I know that someone is in his heart. Inabot ko ang kanyang magulong buhok at marahan itong sinuklay.
I know that you want to keep your promise but I know you to well that you really want to keep her. Nang malaman mo na si Leah ang papakasalan niya ay pinilit mo ang sarili mo na kamuhian mo siya pero ang totoo naman ay hindi mo kaya.
Natigil ang aking pag haplos sa kanyang buhok ng marahas na bumukas ang pintuan agad akong napatayo ng galit na sumugod sa 'min si Mr. Villan, akala ko ay hahablotin niya si Cade kaya naman agad akong pumagitan para di siya makalapit pero mali pala ako dahil ako ang hinigit niya.
Mabilis ang kanyang pag lakad at ang pag kakahawak niya sa pala -pulsuan ko ay sobrang higpit.
"Weven!" mahinang kung tawag sa kanya at pilit na binabawi ang kamay ko sa kanya. Ng makababa kami sa lobby ay hinigit niya ulit ako pero hindi na ganun kalakas tulad ng kanina.
"Kate!" Napatingin ako sa likod ng makita ko si Cade na hingal na hingal kasunod niya si Leah na tila pagod din sapag takbo.
Ano bang nangyayari?!
"Cade, where are you going!" Rinig kong tanog ni Leah bago kami tuluyang nakalabas sa building nila. Hindi ko manlang napansin na marami ng nakakuha ng atensiyon naming apat.
Mabilis niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan ng makasakay kami pareho sa kanyang sasakyan. Napakapit ako sa seatbelt ko dahil sa kaba na nara-ramdaman ko.
"I told you!, didn't I? that you'd stay away from my family!?" napaiglad ako dahil sa bigla niyang pagsigaw. Never in my life that someone would shout at me like that!
"I didn't do anything! What is your problem?!" huminahon ako na napagtanto na hindi ko dapat siya sigawan. Umigting ang kanyang panga at mas lalong humigpit ang kanyang pagkakahawak sa manobela.
Pero bumagal na rin naman ang pagpapatakbo niya yun naman ang kinaginhawa ng damdamin ko. Tahimik lang ako sa buong byahe at ganun din naman siya kaya naman hinayaan ko na lang siya.
Napabuntong hininga na lamang ako nang maalala na hindi ko nga pala dala ang gamit ko. Napatingin ako sa labas ng huminto ang kanyang sasakyan. Agad naman siyang lumabas kaya naman sumunod ako sa kanya. Napapansin ko na lang araw araw na lang ako na e-envovled sa mga gantong gawain niya ah.
Ng makapasok kami ay agad namang napatingin sa'min lahat ng tao doon ng makitang si Weven yun ay ngumiti sila pero nang makita nila na may kasama siya ay tila ba nagulat pa sila. Nailang ako sa titig nila pero wala na rin naman akong nagawa.
May lumapit sa kanya ngumiti siya sa'kin kaya naman ngumiti din ako sa kanya. Isa siya sa mga sikat na journalist! Minsan na niyang nasulat ang tungkol sa'min ni Cade na wala naman talagang katotohanan.
"Weven! Its been a while." Bungad niya rito. Tumingin lang sa kanya si Weven at tumango.
"Girlfriend?" he ask.
"Yes, please leave us alone."
"Wai-" Hindi na ako nakatanggi ng umalis na siya tumingin sa'kin si Weven na tila naninimbang pa! Lumapit siya sa'kin at hinwakan ang bewang ko.
"What did you say? Do you even known whose that guy?!" mahina kong bulong sa kanya ng hinigit niya ako papalapit sa kanya at giniya ako sa isang double door. Pumasok kami at nagulat si Claire ng makita kaming mag kasama.
"Weven! Akala ko hindi ka sisipot?" takang tanong nito. Tumingin pa siya sa akin kaya naman nag kibit balikat lang ako para masabi sa kanya na wala akong idea.
"Give her a dress." Utos niya kay Claire.
"Wait!" Pigil ko ng hilahin ako ng ibang tao na nandoon. "We're not done talking, Weven!" I insist.
"Kate, I think need mo na lang sumunod, mukhang walang siya sa mood." Mahinang bulong ni Claire sa gilid ko. I don't care!
Kanina pa rin ako galit sa kanya! At teka nga para saan ba tong dress na to.
Hindi na ako nakaangal kanina ng binihisan na nila ako at ito ako ngayun pekeng nakangiti habang naka angkla sa braso ni Weven, may yacth party ang kanilang magulang dahil bumalik na ang kanilang anak na si Leah. At ito din pala ang tinutukoy ni Cade tungkol sa dinner guno, at hindi ko naman alam na ganito kabongga ang dinner na sinasabi niya.
"Girlfriend, Weven?" Someone ask. Humiwalay na muna ako sa kanya dahil hindi ako komportable sa mga kausap niya roon. Yun ang huli kong narinig ng tuluyan na akong umalis doon.
Simula ng dumating kami dito yun din ang mga tanong nila at pare-pareho lang din naman ang sagot niya kundi 'oo'. Kakausapin ko siya after nito kasi hindi pwedeng ipagkalat niya na may relasyon kami kahit wala naman talaga.
--------------------------------------------------------------