Fly " Madam Gabby?" nasundan ng boses ni Parker ang tatlong katok mula sa labas ng pintuan ng silid ng halimaw. " I'm not hungry, Parker." sagot ko dito dahil alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Ilang beses nang nagpabalikbalik ang pagpupunta at nagsalit salit sa pagpilit sa akin na kumain mula pa kaninang umaga ngunit wala sa kanila ang nagtagumpay. " But you haven't eaten anything since last night—" May mga sinasabi pa ito ngunit hindi ko na pinakinggan. I just tuned him off and stare at the wall while sitting at the floor and leaning on the bed. It's been almost five days but still no news about him. He never called even once. He never send a message even once. Ang sabi niya ay tatlong araw lang siya doon ngunit mag-iisang linggo na ay wala pa rin siya. Hindi ko mapigilang m

