Flirty beast " Harper." Nakatulala lang ako habang nakaupo sa stool sa gilid ng island counter at nakapangalumbaba doon. " What is it, Madam Gabby?" tanong nito habang nagluluto ng umagahan. " Hindi ko matanggap." Bumuntong hininga pa ako at hindi nanaman maipinta ang mukha. " Ang alin?" Lalong nagsalubong ang kilay ko at lumalim ang gatla sa noo ko at inabot ang isang mansanas. " Mukhang bruha iyong ipinalit ng pinsan mo sa akin. Ang sakit nila sa mata." Lalong nalukot ang mukha ko nang maalala ko iyong nasaksihan ko nang nakaraang gabi. Tapos na iyong sakit kagabi, kaya ay inis na ngayon ang pumalit. Kahit ano talagang gawin ko ay napakahirap tanggapin na ipinagpalit niya lang ng ganon ganon iyong nakaraan namin isa isang babaeng mukhang mangkukulam. Nagpapanty kaya yon? Kulang nal

