Nothing matters Walang kahit na anong nalaglag ngunit nakarinig ako ng pagkabasag. My tears are streaming down my cheeks while all the informations are processing in my mind—No, my mind already processed it all when I saw that woman. Masyado lang nagpapakamanhid itong utak ko dahil pilit niya iyong itinatanggi. Ngunit heto na nga. Nasa harapan ko na ang ebidensya. Humigpit ang kapit ko sa sling bag ko habang tumutulo ang luha sa pisngi ko. Napakaraming senaryo ang pumasok sa isip ko kapag nalaman kong may babae siya. Tulad nang kung paano ko itatarak iyong sandamakmak na kutsilyo sa leeg niya. Kung paano ko sila paliliyabin ng babae niya at kung paano ko sila itutulak mula sa rooftop ng building. Napakatapang ko habang nasa isip ko ang mga iyon, ngunit ngayong nasa harapan ko na ay pakir

