ZYPHIRE
"So... Saan natin hahanapin ang mga Freshmen at Sophomore na yun??" saad nya habang naglalakad kami sa hallway na walang katao tao.
"Sa room nila... Ieexcuse natin... At ikaw ang mageexcuse..." saad ko at napaturo naman sya sa sarili nya.
"In what way naman??" saad nya.
"Iexcuse mo lang sila... Or samahan mo nalang ako..." saad ko sa kanya at ngumisi naman ito.
"Sasamahan na lamang kita..." saad niya na ngumiti pa.
Nasa harap na kami nang bukas na pinto nang Sophomores. Kumatok muna ako nang tatlong beses sa bukas na pinto at napatingin silang lahat sakin.
"WEETTWWEEWWW"
"ANG GANDA NYA... BAGONG STUDENT SIGURO"
"Quiet Class!! What Can I do to the both of you??" saad ni Ms. Issa samin na lumapit pa.
Napatingin ako sa paligid at bingo kita ko na ang dalawang Sophomores na nandun sa pambubugbog sa tatlo. Napangisi naman ako at binalingan si Ms. Issa.
"Good morning, Ms. Issa... We need to excuse them kasi..." saad ko at itinuro yung dalawa.
Napatingin naman dun si Ms.Issa at sakin ulit. "Sino namana ng nag-utos nun?? Ang Dean ba??" saad nya at umiling naman ako.
"Kung ganun hi-"
"Pinapautos ni Snow..." pagpuputol ko sa kanya at nanlaki ang mga mata nito.
"Kayong dalawa... Sumunod kayo sa kanila... Bilisan nyo..." saad ni Ms. Issa at lumapit naman sakin yung dalawang lalaking iyon.
"Thank you, Ms. Issa..." saad ni Shu at naglakad naman kami sa tabi nung room na yun kung saan ang mga Freshmen.
Kumatok naman si Shu nang tatlong beses at si Mr. Buenaventura ang nandun. Tumingin ito kay Shu at sakin. Ngumiti naman ito na parang ang saya saya. Nginitian ko lang din ito.
'Weird'
"Good morning, Mr. Riordan at... Miss Beautiful... Anong magagawa ko para sa inyo??" saad nya samin.
"Good morning din, Mr. Buenaventura... Pwede ba naming iexcuse ang mga..." napatingin ako sa students sa loob nang classroom at bingo nakita ko ang dalawang freshmen na nandun sa paglabas ni Spade.
"Iyon... Ang dalawang Sophomore na iyon, Mr. Buenaventura..." saad ko at tumingin sya sa itinuro ko.
"Ayos lang sakin... Sumunod kayo sa kanya... Paki balik na lamang sila sa klase..." saad nya.
"Salamat, Mr. Buenaventura..." saad ni Shu at tinalikuran na namin ito kasama ang apat na students.
"Ano po bang kailangan nyo samin??" saad bigla nang katabi kong Sophomore.
"Wala naman akong kailangan pero... May isang tao na may kailangan sa inyo.." saad ko at may kumalabit bigla sakin.
Napatingin ako kay Shu. "Sa Locker daw sila bilisan daw..." saad nya sakin at napatingin naman ako sa apat.
"Sino ba kasi yang gusto makipag usap samin??" saad nung Freshmen.
"Si Alas"
CLEO
Nang umalis na sila Shu ay hinanap narin namin sa classroom nila si Spade ngunit wala kaming napala.
"Nasaan kaya yun?? Sabi nang mga klasmeyt nya pumapasok naman..." saad ko.
"Ayun oh... Sya yun diba?? Sa locker..." saad ni Vinnie na tinuro ang isang lalaki.
'Si Spade nga'
"Lapitan na natin... Text mona si Shu..." saad sakin ni Sadie at tumango ako. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Shu.
'Shu... Nandito kami sa locker.. Bilis..'
Sinend ko naman agad ito at tumingin sa kanila. "Na text ko na... Lapitan na natin.." saad ko at humawak naman sa kamay ko si Sadie.
"Ako ang bahala sayo, Sweety..." saad ko at nginitian ito.
Tumango naman ito at lumapit na kami sa pangunguna nina Walt at Vinnie. "Spade... Kamusta?? Matagal tagal narin..." paninimula ni Walt.
Napatingin naman ito samin na parang nagulat na makita kami. "Walt... At Cleo... Ayos lang naman... Mukhang di nyo kasama ang bumugbog sakin..." saad nya na medyo sarkastiko.
"Wala eh... Napagod... Bakit hinahanap mo ba sya?? Ipapakilala ka namin mukha namang bet mo..." saad ko.
"Gusto mo ba yun?? Ipapakilala ka namin..." saad naman ni Sadie na nakahawak sa kamay ko na mas mahigpit.
"Oo sana... Maganda sya at kinatatakutan nang lahat... Nasaan ba yun??" saad ni Spade na parang nag iisip.
"Ahhh... Yung babae... Baka... Nasa likod mona??" patanong na saad ni Vinnie at napatingin naman ito sa likod nya kahit kami.
Nandun yung apat na parang mga bata pa kasama ni Shu ngunit wala si Zyphire. "Bat naman kayo nandito?? Sino nagpapunta sa inyo??" saad ni Spade na nakatalikod samin.
Napatingin naman ako sa paligid dahil may mga terrace dun nang classroom. Nandun sa gitna na nakatapat samin si Zyphire kasama ang Dean na mukhang nag-uusap sila.
Tumingin na lamang muli ako kay Spade."Pakana nyo ba toh?? Ano bang gusto nyo??" saad nya na humarap samin.
Bigla naman nyang tinuro si Shu "Ikaw!! Tinigilan na kita!!" sigaw nya kay Shu.
"Eh ano bang ginawa mo sakin??" saad ni Shu dito.
Nanlaki ang mata namin sa gulat. Nagkalakas nang loob ang Shu. "Binayaran ko ang Frat sa SIS at pinapatay ka sa mga ito na hindi nagawa dahil sa babaeng yun na nakipagdeal sakin... Tsaka yung pinaabangan kita, Bakit?? Anong mapapala ko sa pagsagot nang tanong mo??" saad ni Spade at napatingin sya sa kasama ni Shu na apat.
Umiiling ang mga ito."Alam mo kung sino pa ang nakarinig nyang sinabi mo??" saad ko at napatingin naman sakin ito.
"At sino namang tanga ang gustong marinig yun??" saad nya sakin.
*TOK*
Napatingin kami sa lakas nang tunog nang sapatos ba yun. Napatingin kami sa kanan at nandun si Zyphire kasama si Dean. Nangibabaw ang tunog nang sapatos ni Zyphire nun.
"Right on time, Ms. Typoon... Nagkaebidensya ka agad... Kamusta ka, Mr. Blake?? Maaari ba kitang imbitahan sa opisina ko kasama ang apat na mga batang ito..." maawtowridad na saad ni Dean dito.
Kita ang kaba sa mukha ni Spade nang makita si Dean. "S-sige po, Dean..." saad ni Spade at nauna si Dean kasama yung lima.
Naiwan naman kaming anim dito. "Pano mo natawag agad si Dean??"saad ko.
"Eh naisipang dumaan muna ni Zyphire kay Dean para ipatawag ang parents nang limang yun at parents ko.... Tapos yun wala daw na ebidensya kaya eto..." saad ni Shu.
"Kala ko magtatagal kayo... Pano nyo na excuse yung apat na yun??" saad naman ni Sweety.
"Ah yun... Si Ms. Issa sinabi kong pinapatawag ni Snow tapos kay Mr. Buenaventura..." pagputol nya na medyo natatawa pa.
"Si Liam?? Anong meron??" saad ni Walt at nakabusangot na si Shu.
"T-tinawag sya ni Liam na Ms. Beautiful... Nabighani masyado kaya pumayag agad yun..." saad ni Shu samin na kinatawa namin.
'Seloso ang pwet'
"Nakuuu bakit ka naman nakabusangot, Stickman??" saad ni Vinnie dito na kinatawa pa namin.
"Ay naku... Tara na at kailangan din tayo dun..."
ZYPHIRE
Sumunod din kami agad kay Dean at pinauna ko silang pumasok dahil may nagtext sakin. Galing daw kay S ang messages.
'Kita tayo sa dati...
Meet up may papakita ako sayo
Mahalaga sobra...
See you, S' saad dun sa text. Nagtext agad ako.
'Gesi... Tapos narin ang school hours namin eh... Wait moko sa dati... May kakausapin lang ako... See you, S'
Pagkatext ko ay itinago ko agad ang phone ko at kumatok nang tatlong beses sa pinto nang dean's office.
"Excuse me... Sorry may nagtext kasi..." saad ko at nang hindi sila tinitingnan.Umupo agad ako sa tabi ni Shu at Vinnie na katabi si Mrs. Riordan at Mr. Riordan.
"Sya si Ms. Typoon... Sya ang naghayag sakin na ang anak mo, Mr. Blake ay pinabugbog ang tatlong lalaking ito sa dalawang Freshmen at Sophomore... At tinangkang ipapatay ang apo kong si Shu kasama ang mga ito..." saad ni Dean na mukhang naumpisahan na ang meeting.
Napatingin naman ako sa magulang ni Spade. Kilala ko ang dalawang iyon, bumisita sila kay Care Bear nang mamatay ito. Nakatingin sila sakin na parang gulat na gulat.
"Hindi yan totoo!! Nakikihalubilo lang yang babaeng yan samin!! Away lalaki toh tapos makikisiksik ka!!" saad ni Spade na tinuturo pa ako. Napatingin naman sakin ang mga magulang nito at pinigilan ang anak nila.
"May ebidensya kaming nakalap, Spade... At matibay ang ebidensyang iyon na narinig ko mismo galing sa bunganga mo..." saad ni Dean na gigil na din. Pinakalma naman ito nang secretary nito at pinaupo muli.
"Hindi yan totoo!!" sigaw uli ni Spade na nagpupumiglas.
"P-pagpasensyahan nyo na ang anak ko... Tumigil kanga, Spade.. Nakakahiya ka..." saad ni Mr. Blake at tumiklop naman si Spade.
Tumango naman ang mga magulang ni Shu. Napahinga na lamang si Dean sa inakto ni Spade. "I want him to be expelled... Immediately..." saad ni Mrs. Riordan at napatingin ang lahat kahit ako.
"Me too... I want him to be expelled... He can kill someone and I don't want anyone to be a victim of his..." saad naman ni Mr. Riordan.
Kita ang galit kay Spade. Magkakatapat lang kese kami kaya mapapansin agad. Napatingin ako sa nanggigigil na kamay nitong nakatago. May pen knife sya!!
Hinanda ko agad ang sarili ko sa pen knife na yun."Hindi ko hahayaang ma-expelled ako!!" sigaw ni Spade na itinaas ang kamay nyang may pen knife at inambangan ang mga magulang ni Shu.
Iniharang ko agad ang sarili ko at iniharang ang braso ko upang hindi nya masaksak sina Mr. At Mrs. Riordan. Sa braso ko dumali ang pen knife na iyon at tinanggal nya muli.
'Putek ang sakit gagi'
Itinaas nya muli ang pen knife na mukhang aabangan nanaman ako kaya inilabas ko ang pen ko at idinikit sa tagiliran nito.
*TZTZTZTTZTZ*
Bumagsak si Spade at nawalan nang malay. "Owmayghad... Are you okay, Fire??" saad bigla ni Mrs. Riordan sakin at tumango na lamang ako.
Napalapit naman sakin si Sadie na alalang alala. Napatingin ako kay Dean na gulat na gulat. "Hindi ako makapaniwalang magagawa nya mismo harap harapan..." saad ni Dean na hindi parin makapaniwala.
"I'm sorry... Pero ang desisyon ko ay buo na... I am kicking him out of this University..." saad ni Dean dito at napatingin naman ako sa parents ni Spade na hawak hawak ang anak nilang walang malay.
"Magigising din ang anak nyo in just 5 minutes... Kaya don't worry... He is kinda dangerous.." saad ko at kumuha nang panyo at inilagay sa braso kong dugo nanaman nang dugo.
"I-I'm sorry, Mr. And Mrs. Riordan... Hindi ko inakalang ganun sya... Dean, I'm sorry..." saad ni Mr. Blake. Nabaling namana ng tingin nya sakin na parang hindi alam ang sasabihin.
"W-we're sorry... Behalf of the Blake family... We're very very sorry... Kami na ang magdadala sayo sa clinic..." saad ni Mr. Blake at umiling lang ako.
"Hindi na.. I can handle... You may go baka magising pa sya..." saad ko at tumango naman ito at lumabas na sa opisina nang Dean.
"Ano ba naman yan, Fire?? Sunod sunod ang sugat mo galing sa kutsilyo..." saad ni Sadie na itinali nang ayos ang panyo sa braso ko.
"T-thank you talaga, Fire... Kami na ang maggagamot sayo... Thank you baka ngayon ay nasaksak na kami sa ulo nung baliw na yun..." saad ni Mrs. Riordan na alalang alala.
"Hindi na po... Si Kuya nadin po ang bahala dito magaling ang isang yun... Pasensya napo sa nangyari..." saad ko at umiling naman si Mr. Riordan.
"Utang namin ang buhay namin..." saad ni Mr. Riordan at umiling ako.
"Wala pong ganun... Gawain kong tumulong kahit kanino... Dean, pasensya napo sa g**o na nangyari sa opisina nyo..." saad ko at umiling naman si Dean.
"No... Nagpapasalamat ako dahil sa ginawa mo... Sige na at marami rami na daw na estudyante ang nasa baba..." saad ni Dean at yumuko na lamang ako.
Pagkalabas namin ay lumapit naman si Vinnie. "Mawawalan kana nang dugo, Zyphire pagtulong parin talaga ano?" saad ni Vinnie nang mahiwalay kami sa mga Riordan pero nandito si Shu nagpupumilit.
"Ay nako... Kahit naman sino gagawin yun... Tara na may sasabihin daw ang Dean..." saad ko dito at may biglang nambatok sakin.
"Gago!! Pano pagbuhay mo na ang nakalagay tutulong kaparin??" saad ni Walt na nambatok.
'Ang sakit'
"Tutulong syempre..." saad ko at napatingin sa braso kong biglang inalalayan ni Shu.
Sa mukha nya mukhang di nya alam ang sasabihin at nag-aalala rin. "Ako na... Okay lang naman ako eh... Alalahanin mo ang parents mo... Lalo na si Tita..." saad ko peeo umiling ito.
"Ikaw ang napahamak kaya ikaw ang dapat kong alalahanin... Nadugo parin ang kamay mo eh..." saad nya na binigyan pansin yung braso kong may panyo kaya lang yung panyo punong puno nang dugo.
"Ayos lang ako... Puntahan nalang natin ang Dean kung anong sasabihin..." saad ko at napatingin sa gilid namin kung saan may dagat nang mga students.
"Hindi ka kailangan dun, Sweety??" tanong ni Cleo kay Sadie na kinaagaw nang pansin namin.
"Hindi eh... Sinabihan nya lang ako na half day tayo..." saad ni Sadie at napatango naman kaming lahat.
"GOOD AFTERNOON, STUDENTS.."bati nang Dean at nagsiyukuan ang lahat kahit sila Shu pero ako hindi.
"PINATAWAG KO KAYONG LAHAT PARA SA MAHALAGANG TAO PARA SAKIN... KILALA NYO NAMAN SIGURO ANG DEAN NANG SNOW INTERNATIONAL SCHOOL??" tanong ni Dean na mukhang nalulungkot.
'Anong meron??'
"Si Tito Zeus... Anong meron??" saad ni Vinnie at nagkibit balikat lang ako at nakinig muli.
"SI ZEUS SAISON NA DEAN NANG SIS... BESTFRIEND SYA NANG ANAK KONG BABAE... HE DIED... HE DIED DAHIL SA INATAKE MULI SA PUSO... HE DIED 6 IN THE MORNING NANG SABADO... NAGULAT MAN PERO KAILANGANG TANGGAPIN... GUSTO KO SANANG MAKIRAMAY ANG BUONG FIS DAHIL NAKIRAMAY DIN SYA NUNG MGA ARAW NA MAY MGA PINAGDADAANAN TAYO... MAAARI BA, FIS STUDENTS?? "mahinahong tanong ni Dean sa lahat.
"YES DEAN!!"
"THANK YOU STUDENTS... PWEDE KAYONG PUMUNTA THIS AFTERNOON DAHIL DERETSO NAMAN NA KAMI ROON... NANDUN LANG KAMI KUNH SAKALI... THANK YOU TALAGA..." saas ni Dean na bumaba na sa stage.
'H-hindi ako makapaniwala... Kala ko okay na'
"S-seryoso sya, Zyphire... W-wala na ang D-dean..." saad ni Sadie na humawak bigla sa dalawa kong balikat.
Nanghihina ako pero di ko yun pinahalata. Si tito Zeus kasi ang taong nagturo sakin na magtable tennis at sobrang close din ako rito. "Pupunta tayo ngayon din..." saad ni Vinnie at napailing ako.
"May meet-up ako ngayong tanghali... Susunod ako agad..." saad ko sa kanila at napatingin naman sila sakin.
"Ano yan blind date??" saad ni Vinnie pero umiling ako.
"Meet up yun... Importanteng meeting sya... Susunod naman ako eh..." saad ko at napatango na lamang ang dalawa. Pumunta na kami sa parking lot at kinuha ko na ang helmet ko.
"Eh sino ba kasi yang imimeet up mo??" saad ni Walt sakin.
"Si Shasha... Nagtext eh sabi nya meet up daw..." saad ko at nanlaki naman ang mata nya.
'Suuusss besprend din namin yun eh... Tatlo kami'
"Si Shasha?? Nandito na... Pwede ba akong sumama dun, Vinnie??" saad ni Walt na tumingin kay Vinnie.
"Ayos lang sakin... Basta text moko if papunta na kayo dun sa ano ni Tito Zeus..." paalala ni Vinnie at hinalikan naman ni Walt ito sa noo dahil siguro sa tuwa.
'Nilalanggam na ako'
"Eh sino ba yang Shasha na yan??" tanong ni Shu sakin.
"Hindi ko maaaring sabihin... Pasensya na... Kailangan na naming mauna.." saad ko at sumakay na sa motor ko.
Sumakay nadin naman si Walt sa kotse nya. "Mauna na kami!!" sigaw ni Sadie na umalis na kasunod si Vinnie, Cleo At Shu.
"Sibat na tayo!!" masayang saad naman ni Walt at umandar na lamang ako.
Malayo layo ang byahe namin dahil din siguro malayo ang bahay nang isang yun. Dumaan kami sa highway na lintek ang trapik. Nakadating kami agad dun sa may dagat na malawak.
"Dagat naman toh, Fire!!" sigaw ni Walt galing sa sasakyan nya.
Dagat talaga kasi ang nasa harapan namin at liblib pa ang lugar na ito. Limang oras ba naman ang byahe. "Ulul... Hindi yan..." saad ko.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Shasha. "Shasha!! Dito na kami... Pakibukas naman ako..." saad ko.
"Sige sige... Ayan na..." saad nya at pinatay ko na ang linya.
Nagbigay daan ang tubig pababa. "Sundan moko!!" saad ko kay Walt at nauna na akong bumaba.
Mabilis ang pagandar nang motor ko dahil narin siguro pababa ang daan. Nang marating ko ang paglalagyan nang vehicle ay pinark ko ang motor ko at isinarado na ang lagusan.
"Nandito naba tayo??" saad ni Walt na bumaba na sa kotse nya at tinanguhan ko naman ito.
"Limang oras ang byahe... Nakakapagod" saad ko at pinatunog ang kamay ko.
"Anong tawag dito??" saad nya na nasa labas pa kasi kami.
"S... S lang ang tawag namin dito ni Shasha... Pasok na tayo..." saad ko at sumalubong samin ang pintong bakal.
Itinapat ko ang mata ko at iniscan ito. "Welcome back, Ms. Snow!!" saad nung computer at bumukas na ang pintong iyon.
Bumungad samin ang underground este water pala. Salamin ang paligid kaya kita ang isa sa kung saan tapos coral. Sala agad ang makikita mo at nandun na nga si Shasha.
"Snow!! Walt??" saad nya na lumapit sakin at gulat na nakita si Walt.
"It's been awhile na!!" saad naman ni Walt at nagbeso ang dalawa. Napatingin naman sakin si Shasha at sa braso ko.
"Ano ba naman yan?? Sugat nanaman.. Tara tara dun sa sala..." saad ni Shasha at dumeretso na kami.
Puro high-tech talaga ang pinagawa kong hideout namin ni Shasha. "Lupet naman nang hideout nyo..." saad ni Walr na umupo narin sa couch.
"Tsk... Si Snow ang nagpagawa netoh... Ang galing nga eh..." saad naman ni Shasha na ginagamot ang sugat ko.
"Hmmm... Ano nga pala ang mahalagang bagay na sasabihin mo??" saad kk at mukhang naalala nya naman.
"S!! Pakilabas ang monitor naten!!" sigaw nya sa computer at lumabas naman ang monitor.
May inabot sya sakin na blck envelope at may lumabas na litrato sa monitor. "Sya si Cinco... At alam kong kilala nyo sya... Nahack ko ang data base nya at isa silang d**g dealer... Maraming pumoprotekta sa kanya... Ngunit kakampi rin natin..." explain nya at tumango naman ako.
Tiningnan ko ang laman nang black envelope at may papeless dun na may perma nang mga Imperial at co-d**g dealers nila. Ugnayan ang isang yun.
"Nakuha ko ang isang yan sa computer niya... Nag-iisa yan at orihinal... Isa yang ebidensyang ang mga Imperial ay traydor simula't sapul..." saad nya sakin at nginitian ko naman ito.
"Aanhin natin yan kung ganun??" saad ni Walt at napangiti naman kami ni Shasha.
"We can use it to black mail them... I got the original copy... Then I will change it na ayaw nang mga Imperial na makipagugnayan... Ganun lang..." saad ko at lumapit sa computer na malapit samin.
May nilagay akong mga code at inayos ang mga papeles. "BINGO!! Ganun lang... Shasha will be disguising then ibabalik etong fake contract... But this looks like original kaya paniniwalaan nila..." explain ko at inikot ang upuan sa kanila.
Iniabot ko naman kay Shasha ang papel na abot tenga ang tuwa. "Then what are there plans??" saad ni Walt.
"By killing us one by one dahil sa pagpapatalsik sa kanila... At uunahin nila ang mga Riordan..." saad ni Shasha at kita ang gulat ni Walt.
"Eh yung plano nyo?? Maganda naman siguro??" saad ni Walt.
"We will just go with what they will do..." saas ko at kita ang gulat ni Walt.
"Tapos itataya mo buhay mo??" saad ni Walt at natawa naman kami ni Shasha.
"What she means is... Habang go with the flow tayo... Sinisira na natin ang reputasyon nila nang nakatalikod... Easy as that... Snow can hit two birds in one stone..." saad ni Shasha.
"Then what will you do??" saad ni Walt kay Shasha.
"Ako?? I am a Hacker, Walt... I can do everything..." pagmamayabang ni Shasha na kinatawa namin.
"Eh anong matutulong ko??" saad nya samin. Napatingin naman sakin si Shasha na nagtatanong pero ako napangisi sa naisip ko.
"Shasha will be hitting them at the back... You will be hitting them at the front while I will hit the two birds in one stone... Get it??"