KYAN SHU
LUMAPIT naman kami nang tumawag si Vinnie. Nakabihis na siguro si Zyphire at kailangan ko na siguro dapat ihanda ang t shirt ko. Tinanggal ko agad ang t shirt ko nang tumapat na kami kila Vinnie.
Napatingin ako dun sa babaeng nakasalamin na nasa gitna nina Vinnie. She is so freaking hot. I mean hot naman talaga at mukhang namumukhaan ko sya.
Nakalugay sya na hanggangbaba nang balikat ang buhok. Napatingin naman ako kila Cleo na nakatingi din dun at bagsak ang panga. Tumingin muli ako at itinaas nya ang salamin nya at naweirdan na ngumiti samin.
Nalaglag na nga ang panga ko nang makilala ko kung sino yun. Gulat na gulat ako sa suot nya. "What a perfect body, Fire!! How many times a day kang nagwowork out para masink ko yung ganyan!!" saad ni Ate Kyllie kay Zyphire at nahihiya namang ngumiti ito.
"Salamat hehe..." saad ni Zyphire dito. Bibati naman nila Cleo ito na animo'y kung ano anong pangbobola. Ngiti lamang ang sinasagot ni Fire sa mga ito. Lumapit naman ako sa kanya.
"Komportable ka naman sa suot mo??" tanong ko sa kanya at napatingin naman ito sakin.
"Medyo... Pero mukhang komportable naman na ako..." saad nya sakin na tumango tango pa.
"Itinali mo ba yan nang ayos?? Yung hindi matatanggal nang kung sino..." saad ko sa kanya at umiling naman ito sakin. Nasapoko na lamang ang noo ko sa sagot nya.
"Yunh tali sa rubber shoes..." sagot nya na kinasapo ko mas lalo nang noo. Hindi talaga sya nagsusuot nang swin suit.
"Talikod talikod!!" utos ko at nagtatakang tumalikod naman sakin ito.
Inilagay ko sa harap ang buhok nya at pinahawak ko. Pang rubber shoes nga talaga ang itinali. Mas hinigpitan ko ang tali nun at triniple upang makasiguro.
"Ayan na... Ganyan ang p*******i hindi isa hindi rin doble dahil dapat triple, naiintindihan mo??" tanong ko sa kanya nang humarap ito sakin. Parang bata naman itong tumango sakin.
"Abay bantay sarado pala ni Boyfie shu ang kanyang baby..." saad ni Vinnie na nang aasar.
"Are you a protective suitor, Brother??" saad ni Kyle na akmang yayakapin si Fire sa likod.
Napuno ako nang inis sa aaktuhin nya. "You will regret what you'll do, Kuya..."saad ko sa kanya na pinandiinan ang salitang Kuya at itinaas naman nya ang dalawa nyang kamay na animo'y huhuliin nang pulis.
"Paktay!! Tara na nga at magswimming..." aya ni Vinnie at nagsitakbuhan na nga sila dun.
Napaharap naman ako sa tinakbuhan nila. Nakaramdam ako nang kiliti sa tenga ko dahil sa hinga na yun. "I love your protective side, baby..." bulong nito at tumakbo na kila Sadie.
T-tama ba ang narinig ko??
Complement ba yun or pang iinsulto. Pinapakabog nya masyado ang puso ko sa saya dahil sa mga ginagawa nya. Napangiti na lamang ako at nakisabay sa kanila. Puro basaan ang nagawa namin dun hanggang sa nakita kong umahon si Zyphire.
"Pagod ka na??" sigaw ni Zyre dito at eksaktong umupo naman si Zyphire dun sa upuan na may payong.
Tumango naman ito af sinenyasan kaming ipagpatuloy ang paglangoy. Napagdesisyunan kong sumisid muna tsaka sya samahan dun.
Pagkaahon ko sa pagkakasisid ay napatingin agad ako kay Zyphire. May kakalapit palang dito na lalaki at kinakausap si Fire ngunit kita ang hindi pagkainteresado ni Fire kahit sa malayo.
Gusto kong matawa dun at naglakad ako papalapit dun. "Miss... Can I have your name lang, please??" pagpupumilit nubg lalaki na rinig ko. Napatingin naman sakin si Zyphire at napangisi ito sakin. Napataas na lamang ako nang kilay dun.
"What a good view there..." saad nito na nakatingin sa abs ko. Tama kayo abs ko nga, six pack abs ang tawag dito tsk.
Natawa naman ako sa iniasta ni Fire. "Loko!! How was the talk to this man beside you??" saad ko sa kanya at tinabihan ito.
Napakibit balikat naman si Fire sakin. "Nah... He's asking my name kanina pa at hindi naman ako nakukulitan..." saad ni Fire sakin na kinatawa naming dalawa. Nagawa nya pang maging sarkastiko.
"Are the both of you talking about me??" saad nung lalaki na nasa harapan namin.
Inosenteng napaturo naman si Fire sa lalaki. "Ikaw?? Ikaw ba ang pinag uusapan namin?? Kala ko yung basong dala dala mo..." saad ni Zyphire na kinailing ko nalang. Napakapilosopa talaga oh.
"Tsk... Is he your boyfriend??" saad nung lalaki na kinaaktong isip ni Fire nang biglang sumingit sila Zyre at Zyrille na nasa likudan nito sila Ate Kyllie.
"Are you bothering our sister??" tanong ni Zyre dito.
"Stop bothering her or else you'll see the hell that you can't even imagine..." saad ni Zyrille na kinataka ko. Narinig ko na kasi ang linyang yun yung you'll see the gell that you can't even imagine na linyang yun. Galing yun kay Fire na linya.
"Stop it... He is just asking me... Repeat the question, Mister..." utos ni Fire dito.
"I was just asking if... He is her boyfriend??" tanong muli nung lalaki at kita ang gulat nang mga kasamahan namin.
"No... Not yet yun ang totoo..." sagot ko agad at napatingin sakin si Snow na nakangisi ngayon.
"But you acted like her boyfriend ha??" saad nung lalaki na medyo may insulto sa part ko.
Kinuha naman ni Snow yung shirt na hawak ko at isinuot nya yun nang mabilis. Nilapitan nya naman ang tenga nang lalaki at may mung ano na ibinulong dun. Kita ang pamumula nang lalaki at paglaki konti nang mata nya na animo'y natakot ito.
Pagkalayo ni Zyphire ay nginitian nya ang lalaki. "You can now leave, Mister..." saad ni Zyphire dito at dali daling umalis sa harapan namin yung lalaki. Weird mukhang tinakot nya ang lalaki.
"Tinakot mo ba yung lalaki??" tanong ni Kyle dito at umiling naman ito.
"Hindi pinapatawa ko nga eh..." pamimilosopa nanaman ni Snow samin na kinatawa namin.
"Bakit mo naman tinakot jusme??" saad ni Vinnie dito.
"Alam nating hindi ko gusto ang tinatanong kung sino ako... Dahil wala din naman akong maiisagot..." saad ni Fire na binigyan kami nang ngiti.
Napailing na lamang kaming lahat sa sinabi nya tsk. Nagkaayaan naman na na magbihis para sa lunch namin. Nang tumapat kami sa elevator ay kinalabit ako ni Fire na kinatingin ko sa kanya. "Mauna ka na muna, Shu... Susunod na lamang ako mamaya..." saad nya sakin na kinataka ko.
"Nang naka t shirt kalang?? Magsuot ka na muna nang pang ibaba kung ganun..." saad ko sa kanya na kinailing naman nya sakin.
"P-pwedeng kuhaan mo na lamang ako..." nahihiya nyang saad sakin na kinangiti ko dahil sa pamumula nya.
Ginulo ko naman ang buhok nyang medyo basa pa pala. "Oo na... Kukuhaan na lamang kita nang jogging pants, ayos ba yun??" tanong ko sa kanya at medyo umiling naman ito.
"M-mainit kasi dito eh... Yung short na tulad nyan nalang..." saad nya sakin na itinuro yung suot suot kong short at nginitian ko naman ito.
"Babalikan kita pagkatapos kong magbihis... Saan nga pala??" saad ko sa kanya at natatawa naman syang tumango.
"Dun sa may kitchen nang hotel... Sige na baka hindi ko matapos ang aking gagawin..." saad nya sakin na at tumakbo naman na ito na kumakaway sakin.
Sumakay naman na ako sa elevator at dumeretso sa kwarto ko upang makapaghanlaw nang mabilis at magbhihis. Pagkabihis ko ay dumeretso naman ako sa kwarto nila Fire. Nasa iisang kwarto lang naman kami kung saan bahay na ang tingin dito na may apat na kwarto.
Kumatok muna ako dun sa kwarto nito at pumasok. Mukhang kasama nila Tita Katie ang mga bata. Hinanap nang mata ko ang kabinet at binuksan yun. May mga jogging pants, pants, short na panglalaki at maikli ding shorts. Kumuha ako nung short na pang summer tulad nang suot ko ngayon at isang t shirt na white ma may oxygen na nakalagay.
Tumakbo naman ako agad papunta sa baba at dumeretso sa kitchen. "Excuse me, Sir... But you are not allowed dito..." saad sakin nang Waiter na kinailing ko.
"This is for Snow... Pinakuha nya sakin..." saad ko sa kanya at pinapasok naman nya ako.
May mga waiter at waitress dun sa kitchen na yun at yung iba ay gulat na napatingin sakin. "Dun po sa pintong yun..." saad sakin nung Waitress at kinatok ko ang pintong itinuro nya.
Pumasok ako at isinarado agad ang pinto. Napanganga ako sa nakita ko. Isa pang kitchen ngunit modern na ang isang toh lahat nang kagamitan ay mukhang nandito. Napatingin naman ako sa babaeng nakatalikod sakin na mukhang may hinihiwa.
"Pakilagay nalang din dyan yung clothes ko... Thank you" saad nya na hindi humaharap sakin. Si Snow ang isang toh at hindi ko inakalang marunong aya magluto.
Ipinatong ko naman kung saan nya itinuro at pumunta sa harap nito. Umikot pa ako sa lamesang ginagamit nya. Hindi ito naka apron at kamay lang ang gamit nito. Nakapusod naman ang buhok nya na kung saan ni isang buhok ay hindi talaga mahuhulog.
"Hmmm... Magsuot ka nang apron baka matalsikan ka... Kebabago mo pa namang hanlaw..." saad nya na binalingan na nga ako nang tingin.
Napatingin naman ako sa hinihiwa nya. Humanga ako dahil sa nakatingin sya sakin pero ang paghihiwa nya ang pang eksperto talaga. Napatingin muli ako sa kanya at nakatingin padin ito sakin.
"Ikaw pala ang magluluto nang lunch natin..." saad ko sa kanya at kumuha nang apron dun. Tumango naman ito at inilagay yung hinihiwa nya sa balde na malinis na tubig.
"Ahhh pati nadin nung umaga... Handa mo na nga yun tsaka eto eh... Pakibanlawan nalang din netong gulay salamat... " saad nya sakin nang nakangiti.
"Ikaw pala ang nagluto nun?? Napahanga mo si Tita Zanra na gusto pang kausapin ang nagluto upang pasalamatan..." saad ko sa kanya at nagtawanan naman kami. Hinahanlawan ko mabuti ang mga gulay na yun.
"Kung ako lang din ang nandun ay maaaring bawiin nya lahat nang sinabi nya sa inyo haha... Ano pang napag-usapan nyo??" saad nya sakin na naglagay muli nang gulay at lumapit na sya sa kalan dun. Ang bango nang amoy na yun hmmmm.
"Gusto din pala ni Ate Kyllie na ikaw ang magluto sa reception... Sarap na sarap sila sa luto mo dahil masarap naman talaga..." saad ko sa kanya at natawa naman ito.
"Loko... Nambola ka pa... Eh ano namang napag awayan nila Kuya Zyre at Mom kasama ang Chairman Schaefer??" saad nya sakin habang inilalagay ko sa plato ang mga gulay.
"Ahh yun.. Ikaw ang pinag awayan nila... Pinagtanggol ka ni Zyre sa masasakit na salitang binitawan nang Chairman at nang Mom mo..." saad ko sa kanya na kinahagikgik nya.
"Hindi talaga nagpapapigil si Kuya Zyre... Masyado syang nadadamay sakin..." saad nya sakin na medyo napapailing pa ito.
"Tsaka yung ano nga pala... Hindi kasi kami makapaniwal-"
"Dahil madami akong lisensya?? Pati pala yun ay nabanggit na..." saad nya na napaoangisi pa.
Inilapit ko sa kanya ang plato at napatingin dito. "Sariling sikap mo daw lahat nang yun at walang tulong sa pamilya mo..." saad ko sa kanya at tumango naman ito.
"Ayoko sa perang hindi bukal sa puso... Tsaka kaya ko namang pagsikapan lahat nang yun... Nagmumukha kasi akong pabigat minsan sa inaasta nila..." saad nya na inilagay yung ibang gulay dun sa may kaldero.
"P-pwede mo bang ikwento sakin ang pinagdaanan mo?" nahihiya man ay naitanong ko yun sa kanya. Napatigil naman ito at napatingin sakin.
"Pwede naman... Basta tulungan moko sa pagluluto..." saad nya sakin na nag thumbs up pa at nakangiti. Nginitian ko naman ito pabalik at tinanguhan.
"Masaya naman ako nung bago pa ako mah six years old... Natural daw ang ngiti ko hindi tulad ngayon sabi nang iba..." saad nya na inilagay sa lalagyanan yung isang ulam.
Tinulungan ko naman itong maglagay nang ulam sa lalagyanan. "Ngunit eksaktong kaarawan ko nang six ako ay... Dun na nagsimula lahat... Pinapasok ako sa pinag eensayuhan nang mga sundalo namin... Nung una ay ayoko ngunit yun din yung araw na lumabas ang tunay na ugali nang Chairman, Dad at Mom..." saad nya at napatigil. Tinakluban muna namin ang mga ulam at naupo na saglit dun sa upuan nang matapos.
"Nung unayaw ako... Malakas na sabunot ang natanggap ko galing kay Mom... Malakas na suntok galing kay Dad... At malakas na sampal galing kay Chairman Schaefer... Eksaktong kaarawan ko pa nun... Walang magawa si Kuya Zyre dahil takot din sya... Pati na ang dalawa kong lola at si Kuya Zyrille... "saad nya sakin at napatingin na talaga ako sa kanya. Dun palang ay parang naawa agad ako sa kanya.
"Sa ginawa nilang yun ay hindi ako umiyak haha... Parang wala lang din akong naramdaman... Yung normal lang sa pakiramdam... Dun nagsimula ang pagtawag ko sa sarili kong demonyo lalo pa't sinigawan ako nang mga ito at puro demonyo ang naririnig ko..."saad nya pa at kita ko ang pagpunas nya nang luha. Hindi magandang karanasahan para sa bata ang ganun.
"Grabe yun... Dahil para sa mga hindi prinsipe ang mga pumapasok dun... Kumbaga hindi maharlika... Tapos ako nakapasok... Babae na nga maharlika pa... Ngunit ang ipinagtaka ko nun... Bakit sila Kuya hindi nag gento at ako lang??" napatigil naman ito at natatawa pa na animo'y naalala ang lahat uli.
"Naisip ko na baka hindi ako prinsesa... Kese prinsipe ang dalawa kong kuya subalit ako ay hindi... Tinanggap ko ang ensayong ginawa namin dun... At dun ko na kilala sila Carter, Kyle, Astral, at ang Black Emperor o si Matthew... Madami pa nga sila eh... Halos lahat nang kaibigan ko ay lalaki dahil sa ensayo... "saad nya na umiwas na sa kin nang tingin.
"Lahat sila laging nandyan para sakin pag nalulungkot ako kaya kada nasa panganib sila sa ensayo ay lagi din akong nandyan para sa kanila... Hanggang sa bumisita sila Mom sakin yung tatlo..." saad nya muli at naputol dahil sa kita ko ang inis nito.
"Nageensayo kaming lahat na magkakaibigan nang bigla akong sabunutan ni Mom at hila hila ako papunta sa area nang nagtuturo samin... Kinaladkad nya ako na akalo mo ay hindi tao... Nang nandun na kami ay nakita ko ang sarili ko sa gitna na nang bilog sa sahig... Sinampal naman ako ni Chairman na sa sobrang lakas ay halos yun na lamang ng narinig sa pinag eensayuhan namin... At wala... Wala akong reaksyon sa ginawa nila... "saad ni Zyphire na pinunasan muli ang luha nya.
"Sumigaw si Mom na umalingawngaw sa buong lugar na yun... Sinabihan nya akong malandi, p****k, bobo, at hindi katapat dapat na maging Schaefer... At dun... Dun na bumagsak ang luha ko ngunit ni isang hikbi wala... Sinuntok ako ni Dad nun na sa sobrang lakas ay nahamoas ang ulo ko sa sahig na semento... Dumugo ang ulong humampas dun ngunjt hindi ko yun ininda at tumayo ako nang ayos... Hinayaan kong rumagasa ang dugo sa kalahati nang mukha ko... "saad nya at kita ko ang pag guhit nang nanggigigil na ekspresyon nya.
"Yumuko ako nun... Nag sorry ako... Sorry lang ang nasabi ko at bigla akong hinampas ni Chairman nang tungkod nya... Eksakto yun sa dumudugong parte nang ulo ko... Nagpakatibay ako para hindi bumagsak sa sahig na yun... Sinigawan nya akong salot, walang kwenta, kinahihiya ka namin... At iniwan nila akong walang isang salita... Napangiti na lamang ako nun at tiningnan ang guro namin sa ensayo... He pity me that moment, I mean all of them pity me... Pero nginitian ko sila at nagbow ako... Nag sorry ako sa nangyari at inexcuse ang sarili ko para ayusin muli... "saad nya na pinunasan ang luha nya. Tumabi ako sa kanya at hinimas ang likod nya.
"Hindi ko nilagyan nang kahit na ano ang mga sugat ko nun.. Hinayaan kong mahanginan dahil sa pinagbawalan daw ang guro namin na bigyan ako nang gamot... Ayos lang sakin yun ang sinagot ko... At dun nagsimula ang pagpili ko sa taong dapat respetuhin ko..." saad nya sakin at napatingin sakin ito. Ang lungkot at puro pagsubok ang narinig ko walang ni isang saya dun sa sinabi nya saki.
Pinahirapan sya nang lubos at ngayon ay pinahihirapan sya muli na isugal pa ang buhay ang kailangan."Wala akong masabi... Kaya pala ganun ang turing mo sa kanila..." saad ko sa kanya at napatango naman ito sakin.
Kinuha nya ang mga damit sa pinaglagyan ko. "Ah ma'am... Nandun na po sipang lahat sa dining room..." napatingin ako sa biglanh pumasok at tinanguhan lamang yun ni Fire.
"Kung ganun... Mauna ka na muna, Shu at maliligo na ako... Tutulungan ka ni Ate sa mga toh..." saad ni Fire na humarap sakin at nginitian ko naman ito.
Tumayo ako at nilapitan ito. Ginulo ko muli ang buhok nya. "Okay... Bilisan mo atbaka ubusan ka namin..." saad ko sa kanya at natawa naman ito.
Nagpaalam naman na sya kaya tinanggal ko na lamang ang apron ko at tumulong sa kanila na dalhin ang mga ulam. Nang makalabas kami sa kitchen ay lumapit agad ako dun sa table namin na nandun na pala silang lahat.
"Wooowww ang dami nanaman at may mga italian foods pa..." saad ni Sadie na mukhang napalakas.
Umupo naman na ako sa tabi ni Mom. May upuan dun sa gitna nang lamesa kung saan qalang nakaupo dun. "Waitress... Nandyan naman na siguro ang chef na nagluluto nito...." napatingin ako sa nagsabi na yun at si Tita Zanra yun.
"Eh Hijo... Kasama ka sa paghatid... Sino ba ang chef na ito??"baling sakin ni Tito Zyre at napalunok na lamang ako.
" S-si ano po... Si F-"
"Excuse me po... May nagpupumilit po kasing kausapin kayo... Tungkol daw po sa bibilhing bahay..." napatingin kaming lahat sa wauter na yun na may kasama nang apat na body guards.
Umalis naman na ang waiter at napatayo naman bigla si Toli na katabi si Zyre sa upuan."Why are you here, mister??" saad ni Toli dito at nakangiti padin ang lalaki.
"Sini ba ang lalaking toh, Toli??" takang tanong ni Zyre dito.
"The boy who wants to buy the house, Tito Ninong..." sagot naman ni Toli dito at napatango na lamang si Zyre dun.
Naguguluhan naman kaming iba na nasa lamesa ngayon. "Can you please introduce yourself and tell us what is the reason why you interrupt our beautiful lunch??" maawtowridad na saad ni Chairman Schaefer dito.
"Sino ba yan, anak??" bulong sakin ni Mom ngunit napakibit balikat na lamang ako. Baka sya yung lalaki na gustong bilhin yung bahay nung great grandfather ni Fire.
"Good afternoo-"
"Walang good sa afternoon, Yniego Samaria..."