ZYPHIRE
"Tandaan mong... No one can change a person but someone can be a reason to change... Tulad ngayon... Nagbago ang estilo mo sa totoo lang... Tsaka hindi ka nagbago noon... Nakatakdang maging ganun ka kaya wala silang magagawa..." saad ni Zyre sakin.
'...No one can change a person but someone can be a reason to change'
'...No one can change a person but someone can be a reason to change'
'...No one can change a person but someone can be a reason to change'
Paulit ulit na nagecho sa tenga ko ang sinabi nyang yun at mas dumami ang tanong sa utak ko na mas nagpagulo.
'Nakatakda...'
"Nakatakdang maging ganun ako?? Paanong ganun?? Mas pinagulo nang sinabi mo ang utak ko, Kuya Zyre tch" saad ko dito at natawa naman ito.
"Sorry about that... I mean you are meant to be hurt... Coz God wanna know how strong is her princess is..." saad ni Kuya Zyre sakin at tumango tango na lamang ako.
Binaling ko ang tingin ko sa dalawang lalaki na halatang gigil na sa isa't isa kahit si Cleo ay lumapit na sa kanila."Nagkakainitan na yung dalawa oh... Hindi moba lalapitan tulad nila Cleo??" saad sakin ni Zyre at umiling lang ako habang pinapanood silang panggigilan ang isa't isa.
"Hindi... Gusto kong manood muna hehe" saad ko at ginulo nanaman ni Zyre ang buhok ko.
"Dyan ka magaling... Manood sa mga nag aaway tsk tsk..." saad ni Kuya Zyre at binalingan na nang tingin yung dalawa. Tiningnan ko nang mabuti yung dalawa at mainit talaga ang ulo nila.
"Naghahamon na si Shu nang suntukan oh... Hindi mo ba talaga pipigilan??" saad ni Kuya Zyre at naghahamon na nga si Kyan dito. Sa mga galaw naman ni Walt ay umoo toh at yun na nga nag init yung ulo nang dalawa kaya lumayo sina Vinnie dito.
"Zyphire oh!! Magsusuntukan sila pigilan mo nga ayaw pagpigil!!" sigaw ni Vinnie pero hindi ko toh pinansin. Nagsimula nang magsuntukan ang dalawa at napatayo na si Kuya Zyre.
Tumayo narin ako at naglakad papunta sa dereksyon nila. Halatang hindi nila nararamdaman ang presensya ko dahil sa focus nila sa isa't isa.
"Sumuntok ka!! Ano kala ko ba magaling ka!!" saad ni Shu kay Walt.
"Eh ikaw!! Hindi ka bagay para dun! Hindi ka magugustuhan nun!!" saad ni Walt dito at halatang nanggigil si Shu.
"Anong pinagaawayan nyo aber?? Kung magkakalat kayo nang dugo wag dito... Dun kayo sa kuta nang peligro.." saad ko at tumigil naman sila.
"Young Master!! Young master!! Ang chairman po gusto kayong kausapin..." saad ni Ryle kay Kuya Zyre na iniabot yung phone nya.
Kinuha naman yun ni Kuya Zyre sa kanya at tumingin sakin si Ryle, nginitian ko lamang ito. "Yes Chairman?? Sino po?? Si Fire..." saad nya sa pangalan ko at napatingin naman ako dito.
"Nandito po sya... Ah sige po... Kakausapin nyo po??" saad ni Kuya Zyre at pinalapit ako sa kanya. Lumapit ako dito at iniabot nya sakin ang phone.
"Yes Chairman??" saad ko nang itapat ko sa tenga ko.
"Fire... Mapapaaga ang uwi namin nang Mom at Dad mo... Just to inform you..." saad nya sa kabilang linya.
'War is coming, bitcheeessss'
"When will you guys be back then?? So I can be inform when will I leave.." saad ko na may pagkasarkastiko. Narinig ko ang pag sigh nya sa kabilang linya sa sinabi ko.
'Tsk suuussss ayos lang naman sayo na wala ako eh...'
"We will be there tomorrow... Tomorrow midnight... So you have so much time para magimpake" saad nya sa kabilang linya na kinagulat ko.
*TUG*
*DUG*
Bumagal ang pagtibok nang puso ko sa sinabi ni Chairman na yun, biglang may kumirot na kung ano sa dibdib ko sa sakit pero tiniis ko nalamang iyon. "Okay then... See you... If magkikita tayo... But I'm sure iiwasan moko tch" saad ko dito pabalik at iniabot na ang phone kay Ryle.
'Ganun padin si Tanda walang pinagbago na kala mo kung sino'
Tiningnan ko si Ryle na itinago na ang phone sa bulsa nya at aalis na. "Wait lang... The chairman inform me na babalik daw sila tomorrow midnight... Gusto kong salubungin mo sila and order some foods... Yung gusto din nila..." saad ko kay Ryle at tumango naman ito't tuluyan nang umalis.
'Ang sakit sa bangs nung kirot teh kahit wala akong bangs huhu...'
Lumapit agad ako kay Zyre at tumingin naman sakin toh."Dadating pala sila... Are you okay??" saad ni Kuya Zyre nang mapahawak ako sa dibdib ko.
"Nah... Nothing... I think kailangan na nating pumasok tirik ang araw..." saad ko habang hinihimas yung masakit na part sa may bandang puso ko.
Naglakad nako papasok nang mansion at deretsong umupo sa sala. "Woooaaahhh!!" sigaw ko kasabay nang paglabas nang hinga.
Inirelax ko na lamang ang sarili ko sa couch at pinakiramdaman ang sarili ko. "Ano bang sinabi nang Chairman??" saad ni Sadie sakin at tumabi ito.
"Oo nga... At nagkaganyan ka..." saad naman ni Vinnie sakin.
"Tsk... Mukhang bad mood si Zyphire... Tubig kailangan nyan..."saad naman ni Cleo at tumango naman ako. Umupo bigla sa harapan ko si Kuya Zyre at tiningnan ako mabuti.
'Binabasa nanaman nya ako... Parang inaalam ang nangyari sakin..'
Hinawi nya yung mga buhok na nakaharang sa mukha ko at tingingnan uli ako nang mabuti. "What happened?? Anong sinabi nya??" saad nito na nakaupong panglalaki sa sahig.
"Uuwi daw sila tapos tinanong ko kung kailan para makaimpake nako... Sabi nya tomorrow midnight nalang para makapagimpake pa nga daw ako tch..." saad ko sa kanya at nasapo naman nya ang noo nya at tumayo. Sinundan ko na lamang sya nang tingin.
"Eh bakit mopa pinahandaan bukas nang gabi..." saad nya sakin.
"Tsk... Welcome back?? Sila padin naman yun tsaka wala namang masama if magcelebrate sila dito..." saad ko sa kanya at natawa naman silang lahat.
Habang natawa kami ay biglang may umabot nang daalwang tubig nang baso. Napatingin ako sa may hawak nang dalawang basong iyon.
'Walt at Shu'
"Water..." sabay na saad nila sakin. Tinaasan ko lang nang kilay ang dalawang ito sa ginagawa nila. Nang biglang nag abot nang tubig si Kuya Zyre na nasa bottle nya.
'Yun yung kanina nya pa dala na inaabot nya sakin pero diko pinansin'
Kinuha ko yung tubig na abot ni Kuya Zyre at ininom yun. "Ahhh... Lamig pa... Inumin nyo nalang yan sayang... Tsaka nga pala... Yung sa sayaw natin??" saad ko at tumingin kay Walt.
"Ah yun... Kaya na natin yun... Gawin nalang natin yung ginawa natin.." saad nya sakin at tinarayan ko lang sya.
"Tama si Walt... Kaya nyo na yun..." saad ni Vinnie sakin at binigyan ko sya nang pekeng ngiti.
"Papawis tayo?? May court kami dyan..." saad naman ni Kuya Zyre sa mga ito.
"Bulok na kaya yun... Tagal nang di nagagalaw yun eh..." saad ko at tumayo na. Ginalaw galaw kopa ang paa ko baka mangalay eh.
"Hindi kayaa... Bagong bago padin... Ano laro tayo??" saad ni Kuya Zyre sa iba.
"Game!! Game!!" saad ni Cleo kay Kuya Zyre at nag agree nadin yung dalawa.
"Hoy, mga anak nang tipaklong... Ganyan suot nyo??" saad ni Sadie na itinuro pa ang suot nung boys.
"Kaya nga magpapalit diba?? Echusera... Tara na ngaaa" saad ni Vinnie at naglakad na kami papuntang elevator.
Nakita kong pupunta si Kuya Zyre sa elevator kung saan deretso sa kwarto nya kaya sumunod ako sa kanya. Humarap ito sakin nang nakapamewang.
'Bilis makaramdam tch'
"Bakit ka naman nasunod, lil sis??" saad nya sakin na nakapamewang pa na nakamake face. Natawa naman ako kahit sila Cleo sa ginagawa ni Kuya Zyre.
"Eh gusto kong makasama ang kuya kong pinaka... PinakaPANGET sa buong universe Hehe" saad ko na tinigasan ang pagsabi nang 'Panget' na kinatawa nila pero sinimangutan nya ako. Ginulo naman nya ang buhok at inakbayan nya.
"Kala ko pinakapogi tch... Eh ikaw pinakamaganda para sakin pano yun??" saad nya at nginusuan pako.
"Cute ka sana, Kuya kaya lang mukha kang Koala hehe" saad ko na kinatawa nanaman nila nang malakas.
"Ang cute nyo tignan... Sana ol may ganyan ka sweet na Kuya" saad ni Vinnie sakin.
"Naninira ka talaga nang moment... Tara na nga..." saad ni Sadie na kinatawa namin.
"Kita kita nalang tayo sa last na level dyan sa elevator... Yung Level 4 dyan..."saad ni Kuya Zyre sa kanila at sumakay na kami sa elevator.
Tahimik kaming pumasok sa kwarto nito at ganun padin ang kwarto nya magulo pero mas magulo ngayon. Tiningnan ko si Kuya Zyre at yung mukha nya ay hindi makapaniwala.
"Gento ba talaga ka g**o na ang kwarto mo, Kuya Zyre??" saad ko dito at umupo sa couch nya dun.
Lumapit ito sa closet nya at tiningnan nang mabuti. Tumayo ako at lumapit sa kanya mukhang hindi sya ang may sala nito kundi may gumulo sa kwarto nya. "Hindi na magulo ang gamit ko, Fire... Inayos ko toh nung umalis ka... Hindi gento toh nang iwan ko..." saad nya sakin na parang hindi makapaniwala.
"Si Ryle..." bulong ko nang hindi makapaniwala. Hindi talaga ako makapaniwala na pati kwarto ni Kuya Zyre hinalungkat nya.
"S-sya... Pati ba naman kwarto ko ginulo niya... Ano ba kasing hinahanap nun??" saad ni Kuya Zyre sakin.
"Ang... Ang singsing... Ang singsing na ibinigay sakin ni Care Bear..." saad ko sa kanya at kita ang gulat sa mukha nya.
"B-bakit?? Para saan??" saad nya sakin at pinulot ko na lamang ang mga damit na nakakalat.
"Yun ang dahilan kung bakit hindi ako naniniwalang inatake sa puso si Care Bear..." saad ko sa kanya at inilagay ang mga damit sa closet nya pero kumuha ako nang jersey short at sando nya.
"Kaya pala simula't sapul sinasabi mong hindi ka naniniwala... Hayaan mokong tulungan ka..." saad nya sakin.
"Sana ganun lang yun kadali... Hahayaan kitang tumulong pero pag ikaw ay dinamay nila... Hindi ko alam... Hindi ko alam ang gagawin ko" saad ko sa kanya at tumingin sa bathroom. Nakarinig ako nang kaluskos galing dun.
Napatingin ako kay Zyre at mukhang hindi nya narinig yun. "Bakit?? May problema ba??" saad nya sakin at itinuro ko ang bathroom nya.
"Wala naman... Natutuwa lang ako..." saad ko sa kanya na nagtago malapit sa pinto nang Bathroom.
"Bakit naman?? Anong nakakatuwa sa nangyari sa kwarto ko??" saad nua na ginagawang galing sa malayo ang boses nya.
"Hindi... Nakakatuwang... Nakakatuwang may buysita pala ikaw dito... Nahihiya syang magpakita kaya nagtago sa bathroom mo..." saad ko at kumaluskos nanaman ito.
Napangisi na lamang ako nang hindi parin ito lumabas. "Alam mo kasi, peligro... Kung kakaluskos ka lang din siguraduhin mong mukhang multo ang may gawa..." saad ko at hindi parin ito lumabas.
'Nagpapapilit ka ghorl??'
"Oo nga naman... Mukha ka namang multo kaya kinareer mo na ganun?? Tsk labas!" sigaw ko at dahan dahan itong sumilip at lumabas.
"Kumusta, Zyphire?? Kanina lang ay kausap kita..." saad nito sakin at tuluyan nang lumabas. Napangisi ako mas lalo nang tuluyan na itong lumabas.
*BOOGGSSHHH*
Pinukpok ni Kuya Zyre ang ulo nito kaya yun tumba na tulog pa. "Ryle?? Si Ryle parin... Saan natin dadalhin toh??" saad sakin ni Kuya Zyre at ikinandong sa likod nito.
"Sa Basement... Walang pumupunta dun kundi si Care Bear lang... Dun nalang..." saad ko at itinali na muna namin ang kamay at paa nito.
Idinala namin ito sa basement at kumuha nang upuan para itali sya doon sa loob nang isang maliit na kwarto sa basement. Nang matapos kami ay inilock namin nang tatlong beses ang pinto tsaka isang padlock para sure ball.
"Whoo... Bigat ni Ryle... Pano yan pagpumunta si Chairman dito..." saad nya na habang inabot sakin ang phone ni Ryle.
Kinuha ko yun at hinagis sa pader. "Hindi sya makakapunta dito sa basement... Dahil ayaw nun sa alikabok... Sure ball yan kaya tara na..." aya ko dito at ako naman ang umakbay sa kanya papunta sa elevator.
Pagdating namin sa kwarto nya ay nagbihis agad kami at dumeretso sa court. Pagdating namin ay nandun na sila Sadie na mukhang naiinip na kase nakaupo na sila sa mga upuan dun at nakuha nang pansin ko yung palakad lakad na lalaki.
'Kuya Zyrille yun ah'
"Andyan na sya... Mukhang kanina pa sya at nakita na ang kwarto nya..." saad ni Kuya Zyre sakin.
"Ieexplain natin sa kanya nang may misteryo..." saad ko at lumapit na kami sa kanila.
"Zyphire!! Yung kwarto mo ang gulo... Nagkalat ang damit mo sa paligid kaya inayos narin namin nina Cleo..." saad ni Sadie sakin.
'Lintek na buti nalang talaga di nya nakita ang closet ko na bahay baka pati yun nagulo Tsk'
"Grabe talaga yung g**o na parang hinalungkat yung maliit na closet mo..." saad naman ni Vinnie sakin at nabaling ang tingin ko kila Cleo na nakaupo din.
"Kinwento nila samin yan ngayon lang din... Pano nangyari yun??" saad naman ni Ate Kyllie at lumapit na samin si Kuya Zyrille.
"Yung kwarto ko..." saad nya sakin at hindi binigyan pansin si Kuya Zyre.
"Kahit yung kwarto ko ay nagulo pagdating namin ni Fire dun..." saad ni Zyre dito at kita ang gulat sa mukha ni Kuya Zyrille.
"Bakit naman nagkaganun yun?? May nangyari ba nang mawala kami??" saad nya sakin pero umiling ako.
"Hindi ko maipapaliwanag ang nangyare pero ang masasabi kolang... May rabbit tayo sa mansion... Mabait sa labas peligro sa loob..." saad ko sa kanya at tiningnan nya naman ako na parang nagtatanong pero nginitian kolang ito.
Yumuko ito at lumapit sa tenga ko."I saw what happened and I want you to explain everything..." bulong nya at lumayo na sakin. Itinaas ko ang kamay at pinakita ang kamay ko na 'OK'.
"Tara na... Laro na tayo..." saad ni Kuya Zyrille at pumunta na sa kabilang side.
Lumapit sakin si Kuya Zyre at inakbayan ako. "Magbabasketball ka din, Zyphire???" saad ni Vinnie kaya napatingin ako dito at tumango.
"Anong sabi nya??" saad sakin ni Kuya Zyre habang sinusundan si Zyrille.
"Nakita daw nya ang ginawa natin and he want me to explain what is happening tch..." saad ko na kinagisi nya.
Lumapit na kami sa apat dun sa gitna na mukhang nagkakampihan. "Sasali ka??" tanong sakin ni Cleo na prang gulat na gulat.
"Bakit hindi?? Hindi ba pwede?? Kayo nalang tatlo tapos kaming magkakapatid... Ano game??" saad ko sa kanila at inagaw ang bola na hawak ni Cleo.
"Game!!" sigaw nila at pumwesto na kami sa jump ball.
Ang jump ball namin ay si Kuya Zyrille kese matangkad sya at ang kalaban nya ay si Shu. Hawak ni Vinnie ang bola na nakataas palang. Nakaabang kami ni kuya Zyre dun. "One... Two... Three!!" sigaw ni Vinnie at hinagis ang bola.
Naitulak yun ni Kuya Zyrille kay Zyre mismo at itinakbo yun ni Kuya Zyre kaya humabol ako dun. Walang humaharang sakin dahil nakabantay si Cleo kay Zyrille habang si Walt at Shu ay nakay Kuya Zyre.
"Zyrille!! Sure ball!!" sigaw ni Kuya Zyre at akmang ipapasa kay Kuya Zyrille pero napunta ito sakin at inanggulo ito at...
"THREE POINTS!!" sigaw ni Kuya Zyre at lumapit sakin na nakipag apir pa.
"Nice one, Captain..." saad sakin ni Kuya Zyrille at sinaluduhan pako na kinatawa namin.
Napatingin ako kay Stickman na hawak ang bola. Gulat parin eh di pa pinapasa ang bola. Tumakbo na kaming lahat sa court nina Cleo. Ang bantay kay Walt ay si Kuya Zyre, kay Stickman ay si Zyrille at ako ay kay Cleo.
"Pasa, Shu!!" sigaw ni Cleo na binabantayan ko. Ipinasa ni Stickman ito kaya naalarman ako at ako ang sumalo dun.
Mabilis akong pumunta sa court namin at nakita ko si Kuya Zyrille na nakapwesto sa three points. Ang nakabantay sakin ay si Stickman.
"Hindi kana makakatira ngayon, Nerdy..." saad nya sakin pero nginisian ko lang ito.
Mabilis kong ipinasa kay Kuya Zyrille at shinoot nya ito. "THREE POINTS!!" sabay na sigaw namin ni Kuya Zyre na kinatawa namin sa isa't isa kahit si Kuya Zyrille.
"Kalokohan nyong dalawa tsk.." saad nya samin at hawak ni Walt ang bola hindi pa ipinapasa.
"Sumabay ka nalang kasi sa trip namin, Mr. Thunder" saad ni Kuya Zyre na kinatawa naming tatlo.
Ipinasa na ni Walt kay Stickman ito at tumakbo kaming lahat sa court nila. Ang binabantayan ko ngayon ay si Walt na. "Kaya paba nyang paa mo?? Kung hindi na umupo ka nalang..." pang aasar nya sakin pero binelatan ko ito.
"Ulul di moko mauuto, Grisson..." saad ko dito at tumingin kay Kuya Zyrille na binabantayan si Cleo na may hawak na bola.
'Kung ako si cleo... Ipapasa ko toh kay Shu kese hindi magaling magbantay si Kuya Zyre... Ayaw nyang nagbabantay eh...'
"IPASA MO NA!!" sigaw ni Walt at akmang ipapasa na ito ni Cleo ay napatingin ako kay Zyre na walang pake kay Shu.
Ipinasa na ni Cleo kay Shu at shinoot nya iyon. "GOO SHUUUU!!" sabay sabay na sigaw nila Vinnie kasama si Ate Kyllie.
Si Kuya Zyre ang magpapasa nang bola pero binabantayan sya ni Stickman. "FIVE SECONDS!!" sigaw ni Vinnie at napatingin ako kay Zyrille na itinuturo ako.
Tumingin ako kay Kuya Zyre at itinaas ang kamay ko. Hinagis nya na may maraming lakas ang bola papunta sakin na nasa half court. Tiningnan ko ang ring naman at hinagis ang bola nang may buong lakas ko.
"TWO AND ONEEEEEE TAPOS NA ANG GAME ONE!!" sigaw ni Vinnie at napaupo na lamang ako pagkashoot ko.
"HALF COURT!!" sigaw nila Kuya Zyrille at Zyre nang mapaupo ako.
'Tsk budol budol hindi ko kaya yung half court tsk.... Si care bear lang may kaya nun eh haha'
*HUK*
Nagulat ako sa akbay na yun, napatingin ako sa umakbay at si Kuya Zyre yun. Tumabi naman si Kuya Zyrille. "Magaling ka parin walang pinagbago..." saad ni Kuya Zyrille sakin at napahiga na lamang ako sa pagod.
*TUG*
*DUG*
*TUG*
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kirot na naramdaman ko ang sakit. Nakahiga lang ako habang hawak ang bandang puso ko sa sakit. Pinilit kong hindi ipahalata sa kanila ang nangyayari sakin.
"Tsk... W-wala daw na pinagbago pero nung umalis ako ang sinasabi.... Nagbago ka na, Fire... H-hindi na ikaw yan..." saad ko sa kanya at napapikit nalamang habang nakahiga. Nakaupo ang dalawa kong kapatid sa gilid ko na ramdam kong nakatingin sakin.
Iminulat ko ang mata ko at nakatingin nga sila sakin."I'm sorry... Sorry sa inasta ko dati..." ssad ni Kuya Zyrille sakin. Binangon ko ang sarili ko nang sabihin nya yun at wala nadin namang kirot akong nararamdaman.
Tumingin ako sa kanya at sinsero ang mga mata nito. Tumingin ako kay Zyre at nginitian lang ako nito. Tumabi ako kay Kuya Zyre at inakbayan ito. Humarap ako kay Zyrille at nginitian ito.
"Don't be sorry... Nangyari na ang nangyari... Ayos lang naman sakin eh nandyan naman si Zyre nung mga panahon na wala ka... Kaya it's okay" saad ko sa kanya at bumitaw na sa akbay ko kay Zyre.
Pinilit kong tumayo at bigla akong inalalayan ni Kuya Zyrille. "Thank you..." saad ko dito at inalalayan nya ako papunta dun sa bench nila Sadie.
Pagkaupo ko sa bench ay tinabihan bigla ako ni Stickman at inabutan nang tubig. "T-thank you..." saad ko at aabutin na sana ang lalagyanan nang tubig nang maramdaman ko ang panginginig nang kamay ko.
Tiningnan ko ang kamay ko at nanginginig talaga sya hindi ko mapigilan. Naramdaman ko ang pagtabi ni Kuya Zyrille sakin at napatingin ako sa pagluhod ni Kuya Zyre sa harap ko. Tiningnan nya ang kamay ko na mas bumilis ang panginginig nito.
"Stay still... Relax yourself please..." saad ni Kuya Zyre sakin at hinawakan ang kamay ko na mabilis ang panginginig.
Ang kamay ko lang nanginginig na napagkabilis ang tinitingnan ko. Ramdam ko ang paghaplos sa arms ko na nagparelax sakin konti. Tiningnan ko iyon at si Stickman iyon.
"Relax... Water??" saad nya sakin at tumango na lamang ako. Binuksan nya ang lalagyanan at pinainom sakin ang tubig.
Nang matapos yun ay dumating si Ate Kyllie na lumuhod sa harapan ko. "Anong nangyayari?? Bakit nagpapanic si Zyre??" saad ni Sadie galing sa likuran at katabi nani Kyllie si Zyrille at katabi ko na ngayon si Zyre.
"Ngayon ko lang nakitang nangyari sa kanya yan... Normal lang si Zyphire walang sakit nang ipanganak hanggang ngayon..." saad ni Kuya Zyrille. Tiningnan ko ang kamay ko at nanginginig padin ito.
"Zyphire... Tell us anong nararamdaman mo??" saad ni Ate Kyllie sakin at umiling lang ako.
Isinandal ko ang ulo ko kay Kuya Zyre at tiningnan ito. Kita sa mata nya ang gustong pagbagsak nang luha pero pinipigilan nya. "Kuya Zyre... Nanginginig yung kamay ko..." saad ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang pagtulo nang luha ko.
Tumingin ito sakin at hinawakan ang kamay ko. "Kaya mo pa naman diba?? I want you to be strong now..." saad nya sakin at pinunasan ang luha ko.
'Masakit sobra... Hanggang kailan ba toh titira sa katawan ko...'
"Malakas ako... Alam yun nina Kyllie at Zyrille..." saad ko at binalingan nang tingin sina Kyllie at Zyrille na kita mo ang lungkot.
"Alam namin yun... Nakita kona yun lagi sayo... Sobra sobra ang pagiging matapang nang isang Zyphire..." saad ni Vinnie na umupo na din sa harap ko at nginitian ko ito.
"Nagawa mo na samin yun ilang beses... Ang tapang mo na kahit buhay mo isusugal mo para samin... Na kaibigan molang naman" saad ni Sadie sakin.
"Tingnan mo... Kahit sila sinasabing malakas ka... Matapang ka sobra... Humahanga ako sa pagiging matapang mo sa kahit na ano..." saad ni Stickman at nginitian ko ito.
"I am not... Hindi ako matapang... Hindi lang ako natatakot... I am not strong enough..." saad ko at tumingin kay Kuya Zyre na ngayon ay tumutulo na ang luha.
Pinunasan ko ang luha nya gamit ang hintuturo ko at nginitian toh."No...no... You are strong, Zyphire... And we are here to be with you..." saad ni Kuya Zyre sakin pero pinilit kong ngitian sya.
"I am not strong... But I can be strong to protect my teritory... I have two hands... The right one is for my family and the right one is for my teritory... And I can put my life in danger just to protect my happiness..."