KYAN SHU *TOOT TOOT TOOT* Na imulat ko agad ang mata ko nang marinig ang malakas kong alarm clock. Kakauwi lang din namin kaninang madaling araw and now kailangan naming pumasok at yun ang sabi ni Dean samin nung bago kami magsiuwian sa kanya kanya naming tirahan. Agad akong kumilos at naligo. Nagpaiwan kagabi si Snow dahil kailangan daw nyang i check ang buong kaharian kung ano ba ang nangyayari dun sa isang buong araw lang. Napagdesisyunan nadin ni Kyle o Kuya Kyle na dito tumira samin na kinasaya nang lubos ni Mom at Dad. Hindi ko parin lubos maisip kung pano nakalabas sa Devis si Snow este Fire kese nasa mundo na pala kami nang normal na tao. Ang sabi nila mababangis na hayop ang nandun tapos nakalabas sya nang nakasakay sa Dragon pa talaga. It is my first time to see a true dragon

