Chapter 11

3034 Words
ZYRE RAIN "Puzzle Solved..."saad ni Zyphire at nag-apir kami nito. "Hindi ko inakalang ganun kana kabilis mag solve... Impressive" saad ko dito at pumunta na kami kay Zyrille na nakabantay sa Van. "Tara na mga bata! Dinamay mo lang ang sarili mo, Fire!!" sigaw ni Cinco dito at umalis na kasama yung mga bata nya. "Lupet ah... Pano mo nalamang si Felicity yun??" saad ni Zyrille dito. 'Pano nga ba?? Eh hindi na sila close nun...' "Lagi syang nasa plot ko... Kaya naisip kong sya ang natulong at tumatraydor tsk" saad nito at diko mapigilang akbayan ito. "Iba talaga ang kapatid kooo!!" saad ko dito at sinimangutan lang ako nito. "Eh yung motor?? San galing yun" saad naman ni Zyrille dito. "Kay JM... Puro tanong tara na..." saad ni Zyphire at binuksan na ang van. Napababa naman agad silang lahat at masayang bumaba. "What happened?? Wala na ba??" tanong ni Kyllie samin at nginitian lang namin ito. "Waaahhhh!! Fiirrreee!! Safe na tayooooo!!" sigaw nang galing sa likod namin. 'Fellixious' "Safe na nga tch" sagot ko dito, masyadong malakas ang boses. "Thank you... Very much..." saad ni Kyllie kay Zyphire. "Hindi pa tayo tapos... May bagong puzzle pa tayong bubuuin..." saad ni Walt na nakaagaw nang pansin namin. "What do you mean?? Thank you nga pala, Nerdy" saad ni Kyan kay Zyphire. "Oo nga, Walt... Anong puzzle pa??" saad ni Cleo dito. "Nakalimutan nyo na agad ang Cinco puzzle..." saad naman ni Sadie at napatingin kaming lahat dito. "Nahh... Wag na yun pag nagfirst step sya tsaka tayo mag first step din... Umuwi nalang tayo baka nandun na ang designer..." saad ni Zyphire at tinanguan na lamang namin. Nagsisakayan na kami sa Van at si Walt at Zyphire ay sa kotse naman nila. 'Ano namang Cinco Puzzle yun??' ZYPHIRE Nakadating din kami sa bahay nang safe at hindi kasunod si Peligro. Pumasok agad kami nang Mansion nang malaman na nandyan na daw ang designer. "Fire!! Alam kong alas dose na... Pasensya na at late kong napadala ang mga damit nyo... Idinala na ito sa kwarto mo..." saad ni Fe na kinagulat ko. "Ayos lang... May dinaanan din kase kami... Sige na mauna kana..." saad ni Zyre dito. "Sinong inutusan mong magdala sa kwarto ko??" tanong ko kay Fe na akmang aalis na dapat.  "S-si Ryle... Sige una na ako..." saad nito at umalis na. Napatakbo ako papunta sa kwarto ko at nakita ko si Ryle na may hinahalungkat dun sa closet ko hindi yung bahay na closet kundi yung maliit na closet ko sa tabi nang kama. Naramdaman kong may kasunod akong isang tao, si Kuya Zyre toh. 'Look who's here..' "Ryle Ryle Ryle... May hinahanap kaba??" saad ko dito at tumigil ito sa paghahanap na parang na freeze sya. "Ano nga bang ginagawa mo dito sa kwarto ni Zyphire?? Nagrerelax..." saad naman ni Kuya Zyre. Dahan dahang itong humarap samin at ngumiti nang pilit. Napuno nang pawis ang noo nya, kinakabahan siguro baka dumating kami. "H-hinatid ko lang po yung mga damit nyo galing sa designer, young master..." saad ni Ryle kay Kuya Zyre. "May hinahanap kaba kamo??" pag-uulit ko sa tanong ko at umiling lang ito. "Eh bakit ginugulo mo ang closet nang kapatid ko kung ang usapan ay ihahatid LANG ang mga damit namin..." saad ni Kuya Zyre dito. Linapitan ko ito at itinapat ko ang bibig ko sa tenga nya. "Hinding hindi mo makikita ang singsing, Ryle..." bulong ko dito at alam kong rinig yun ni Kuya Zyre. Kita mo ang gulat sa mukha ni Kuya Zyre nang sabihin ko yun. Tumabi ako dito at tiningnan si Ryle na ngayon ay kuyom ang kamao. "Bakit mo hinahanap ang singsing kung ganun??" saad ni Kuya Zyre dito. "Hindi kopo hinahanap ang singsing, young master... Nahulog po kasi yun... B-ballpen ko kaya kinuha ko lang po..." saad nito. 'Putek gusto kong matawa sa palusot mo boy... Walang kwenta.' "Sige mauna kana sa baba at walang papasok ni isa na guard sa loob nang mansion... Naiintindihan??" saad ni Kuya Zyre dito. "Masusunod young master... P-pasensya napo ulit, Prinsesa... Mauna napo ako" saad nito sakin at akmang aalis na. "Wait lang... Nahulog kasi yung ballpen mo at pumasok sa closet ko... Ganun ba yun?? Ha ha ha... Ayaw ko nga palang may napasok sa kwarto ko, to inform you... Bye" saad ko dito at ramdam ko ang pagtuloy nya sa paglalakad. Napatingin ako kay Kuya Zyre na nakatingin din sakin. "Anong gusto nya sa singsing??" bulong ni Kuya Zyre sakin at nagkibit balikat na lamang ako. Dumeretso ako sa hagdan at pumunta sa sala. Madaming tanong si Kuya Zyre nung pababa kami pero hindi ko muna sinagot iyon. Pagdating namin sa sala ay nandun silang lahat at tawa nang tawa."Oh Zyphire at Zyre... Nakita namin si Ryle mukhang gigil na gigil..." saad ni Kuya Zyrille samin. "Wala yun... Baka napahiya lang... Anong meron dito??" saad ko at tumabi kay Walt at si Zyre naman kay Vinnie. "Etong si Sadie kasi puro kwento tungkol sa kung ano ano... Parang timang" saad ni Vinnie na kinatawa namin. "Eh bakit ba?? Kung kaya ikwento ko yung mga pagkapahiya mo" hamon ni Sadie dito. "Ayoko nga... Nandito si Zyre baka maturn off sakin... Tsaka may pa kamay kamay kapa sa kwento mo" saad ni Vinnie kay Sadie. "Para nga kasi maexpress ko mabuti tsaka mafeel nyo na nandun din kayo diba??" saas ni Sadie na kinatawa namin. "Tumigil na nga kayong dalawa... Ang sakit nyo sa tyan..." saad ni Kyllie sa dalawa. "Uy maganda yung view sa labas... May bonfire ba kayo dito??" saad ni Vinnie at tinanguhan ko lang ito. "Gusto mo labas tayo?? Arat" saad ni Zyre at yun kinilig naman si Vinnie nang sobra. "Aysus... Wag kang umasa that much, Fellixious" saad naman ni Sadie habang papunta kami sa gilid nang mansion. "Inggit kalang kase... Tche!" saad ni Vinnie dito na kinatawa nanaman namin. Nakarating din kami dun at may hagdan para bumaba dun. "Wow ang ganda pala mag camping dito..." saad naman ni Cleo at nagsiupuan na kami. Tinanggal ko yung medyas ko at inilagay dun sa upuan. Pebbles kasi yung mga nasa sahig kaya maganda sa pakiramdam yun. Inapuyan na nina Kuya yung bonfire namin kaya feel na feel namin na nasa forest kami. Madilim padin naman kasi ang paligid. "So anong gagawin natin dito? Magtititigan nalang ganun..." saad ni Sadie na kinatawa namin. So un ang pwesto namin to inform you guys ay gento. H   CLEO   SADIE      VINNIE A                                               WALT G                   BON                    AKO D                   FIRE               AKO PADIN A                                                KYAN N  KYLLIE ZYRILLE  ZYRE Ganyan yung pwesto namin, medyo malamig sa labas pero kayang kaya. "Truth or Truth tayo!! Kung gusto nyo..." saad ni Kyllie samin. "Ngek edi truth lang yun... Truth or dare nalang diba??" saad naman ni Vinnie. "Game ako sa Truth or Dare..." saad ni Sadie. "Game nadin ako... Para hindi tayo mabored..." saad naman ni Cleo. "Game din ako..." saad naman ni Walt. "Sige game na tayo sa truth or dare hihi" saad naman ni Kyllie. "Pero panong truth or dare??" tanong naman ni Kyan dito. "What if... Paikot tayo... Simula tayo kay Sadie tapos huli si Kyllie... Then lahat tayo magtatanong nang Truth or Dare... Pero it depends kung gustong magtanong or magdare... Ganun" saad naman ni Zyre at nag agree naman lahat sila. "Edi ako muna hihi... Sino magaano sakin??" energetic na saad ni Sadie na kinatawa namin. 'Magtatanong nga ba ako?? Hmmm sadie sadie sadie tsk tsk' "Ako... Truth or Dare??" saad naman ni Cleo dito. "Truth sa lahat nang magaano hehe" saad naman ni Sadie. "Do you love me, Allyssa??" saad ni Cleo dito. "Aysuuuussss alam na namin ang sagot jusme" saad ko dito na kinatawa nila. 'Totoo naman eh' "Inggit nanaman ang Zyphire huhu" pangaasar ni Vinnie sakin. "Ulul... Sige na tuloy mo na yan..." saad ko na kinatawa nanaman nila. "Oo... Next na next na..." saad ni Sadie na kinatawa namin. "Ako ako... Pagwala si Cleo sino ang second choice mo hihi" saad ni Kyllie dito. "Second choice... Siguro si ano yan haha si Shu HAHAHAHAH" saad ni Vinnie na kinatawa naming dalawa lang nang malakas. "Magsi tigil nga kayo... Wag kang maniwala shu" saad ni Sadie dito. "Si kyan pala ang second choice bro nakuu" saad naman ni Kuya Zyrille kay Cleo. "Okay lang... Second choice naman sya eh... Habang ako yung choice hmp" saad ni Cleo samin. "Kay Cleo naman oh" saad ni Zyre sa mga ito at nagtaas naman nang kamay si Walt. "Naniniwala kaba na sasagutin ka ni Sadie??" tanong ni Walt na kinatawa naming lahat. "Ulul ka talaga, Walt... Syempre oo gunggong" saad ni Cleo na kinatawa namin. "Ako naman... Sino magtatanong??" saad naman ni Vinnie at nagtaas nang kamay si Kuya Zyre. "Ako ako... May nagsabi saking may gusto ka sakin... T-totoo ba yun??" saad ni Kuya Zyre at namagitan ang katahimikan samin. "Sana oiill puro gusto potek" bulong ko at nagtawanan sila. 'Napalakas yata bulong ko hihi' "K-kinda... Oo hehe" saad ni Vinnie na kinatawa naman namin ni Sadie. "Sobra kamo!?" sigaw ni Sadie na kinatawa nanaman namin. "Oh si Walt na sino magtatanong... Dapat seryoso naman..." saad ni Kuya Zyrille at nagtaas nang kamay si Zyre. "Ako ako nanaman... Namiss mo ba si Zyphire nung nandun ka sa... Malayo??" saad ni Kuya Zyre dito at nasapo ko na lamaang ung noo ko. 'Lintek na tanong yan, Kuya Zyre' "Oo ngaa... Sagot sagot sagot naku walt sagot kailangan namin" saad ni Vinnie dito at inangat ko ang tingin ko kay Walt na nakangiti. "Sagot na Walt Grisson!!" saad naman ni Cleo dito. "Namiss syempre... Sino ba namang hindi... Kahit sino ay makakamiss..." saad ni Walt at tumango tango naman sila. "May tanong paba sakin??" saad ni Walt at wala nang nagtaas nang kamay. "Awwiiieee sure ball madaming tanong para kay Zyphire huhu... Guys magsilabasan na tayooo" saad ni Sadie na kinatawa namin. "Ako muna... Pag nagkita ulit kayo... Ni C-clover... At sinabi nyang mahal ka pa nya... Tapos tinanong kanya kung mahal mo padin ba daw sya?? Anong isasagot mo??" saad ni Sadie at napayuko na lamang ako. 'Ano nga ba?? Haha' "Mahal ko padin sya?? Hindi na... Pagkatapos nung nangyari hindi na noh.." saad ko at inangat na ang tingin ko. "Pagnagkita kayo... May gusto ka pabang sabihin sa kanya??" saad naman ni Vinnie sakin. "Magkita kami... Wala na... Bakit kailangan ko pa syang kausapin kung tapso na diba?? Wala..." saad ko dito at tumango tango ito. "Ako... Nagkagusto ka naba sa iba before dun sa Clover??" saad naman ni Cleo at umiling ako. "Ako... Do you want to stay with us... Forever?? I mean to live..." saad ni Ate Kyllie sakin. 'Sana..' "Sana... We don't even know..." saad ko at nginitian ako nito. "Hindi ka parin ba naniniwalang inatake sa puso si Care Bear sa ospital??" seryosong tanong nito sakin. 'Mismo' "Hinding hindi ako naniniwala..." deretso kong sagot dito. "Dare ang akin... I want you to live..." saad ni Kuya Zyre sakin. "Tama si Zyre... We want you to live..." saad naman ni Sadie. "If I can then I will... But If I can't then I won't... Sorry..." saad ko sa kanila at ramdam ko ang lungkot nila. "Magmamahal ka paba after nung nangyari sayo last time??" saad naman ni Kyan at na patingin ako dito. 'Pwede rin...' "Oo... Wala namang masama kung magmahal ulit..." saad ko dito at nginitia  ito. "Ikaw may tanong ka??" saad ni Vinnie kay Walt. "Ikaw nalang wala... Bilis inaantok na kami" saad ni Cleo dito. "Kung hindi ako nawala... Hindi ka kaya masasaktan nang ganyan??" saad ni Walt na halatang kinagulat nang lahat. 'Hindi ko alam ang sasabihin ko putek' "Mukhang may ibang depinisyon ang iyong tanong nakuuu pooo" saad ni Zyre na kinatawa nila, naging seryoso ang mood ko. Nag iisip kung hindi sya umalis. "Oh sagot na... Mag aalas tres na oh..." saad ni Ate Kyllie sakin. "She believes destiny... But she is Destiny... Own rules..." saad ni Kuya Zyrille na nakaagaw nang pansin. 'I am destiny... Yun ang paniniwala ko hanggang ngayon' "If you stayed... Nothing will changed... Kese nakatakdang mahalin ko noon ang isang Clover Zachary Saison... Wala nang magbabago dun... Tsaka hindi ko din pinagsisisihan... Ayos na din yun natutunan kong sumaya sa panandalian lang" saad ko dito at tumango naman na ito. "Oh tapos na sige na... Sige na magsi akyatan na tayo... Alas tres na oh...." aya ni Zyre at nagsitayuan naman na kami. Tahimik kaming nagsiakyatan. Lahat kami ay sa kwarto ko matutulog nilock din ni Kuya Zyrille ang mga pinto. Nang makarating kami sa kwarto ko ay nagkalat ang mga damit ko sa maliit kong closet."Oh bakit magulo dito?? May ginawa ba kayo bago bumaba??" saad ni Kuya Zyrille. 'Bumalik pala talaga sya tsk tsk' "May hinahanap kasi ang dagang mahalagang bagay... Kaya yun..." saad ko at pinulat na ang mga damit at inilagay na lamang dun. "Thank you..." saad ko nang iabot ni Kyan yung pants ko sakin at inilagay ko na dun. Kumuha na lamang ako nang Long T shirt na black na may print na 'Sleepy head' at nagcycling ako yung pang volley ko. Itinali ko yung buhok ko nang messy bun. Pumunta na ako sa banyo para magbihis. Pagkalabas ko ay tulog na silang lahat napagod siguro. Humiga na lamang ako sa kama ko at tinry na matulog. *AFTER AN HOUR* 'Ayts... Napadami siguro ang tulog ko kahapon tsk...' Bumangon na lamang ako at tiningnan ang orasan. Alas quatro na mahigit ayts hindi na lamang ako tutulog. Bumaba ako sa kama ko at dahan dahang naglakad. 'Mukha akong nagsa-spy potek...' Tiptoe tiptoe huhu. "G-Good morning... San ka pupunta??" saad ni Walt na kinagulat ko. "Shhhhh... Bababa ako sasama ka??" bulong ko dito at bumangon na ito. Bumaba kami nang magkasama, iniwang bukas yung mga ilaw buti nalang talaga. WALT GRISSON "Anong gagawin natin dito nang gento ka aga??" saad ko sa kanya at nagkibit balikat lang ito. Umupo sya dun sa couch sa may sala at mukhang namomroblema sya, not sure syempre. "Ayos ka lang??" tanong ko dito at tinabihan ito. Tumingin ito sakin at pinakitaan nang pekeng ngiti. "Ayos lang ako... Gusto ko yung gento..." saad nya sakin at tumango naman ako. "Feel free to tell me anything... Kakampi moko..." saad ko dito at nginitian ito. *LUNOOOKKKK* Humarap naman ito sakin at tumingin sa mga mata ko. "Magsheshare ako sayo tapos magsheshare ka sakin... Kung ganun nalang para malibang tayo.... Ano??" saad nya sakin. "Sige ba... Ikaw muna... Bakit parating ayos lang ako ang sagot mo kahit sa nakikita ko ay hindi?? Pagkinakamusta kadin sagot mo okay lang... " tanong ko dito at magkatapat na nga kami. "Kamusta ako?? Gusto mo talagang malaman ang totoo... Eto sobrang hina... Okay lang ako?? Okay ba yung laging malungkot?? Yung laging iniiwan?? Yung dapat sya yung masaktan imbes na ibang tao?? Yung sinusugal yung buhay nya para sa pamilya nya?? At higit sa lahat yung hindi pinahahalagahan?? Lagi kong sinasabi sa sarili ko kapag may mga tanong na ganyan na..."tumigil ito at nagpunas nang luha. "Here I am again... Pretending that everything is fine.. Everything is okay... Tapos minsan dimo maiiwasan yung ikumpara yung sarili mo kese feeling mo may kulang sayo ganun... Damn it hurts that much.." saad nya at pilit na ngumingiti. Hinimas ko ang likod nya para kumalma konti ito. "Akala ko nga okay nako eh... Yun pala kunyari lang lahat... Kunyari hindi ka affected... Kunyari strong ka... Kunyare malakas ka... Diba kahit kunyari lang malakas ako kahit hinang hina na ako..." saad nya sakin. Nadadala ako sa emosyon nya at tumulo na rin ang luha ko. "I'm tired... Tired of acting stronger than I feel... Tired of trying so hard to make people stay... Tired of putting a fake smile as if everything is fine and okay... Tired of trying so hard to be everybody's expectation... I'm very very tired of everything... No one can even fix it..."saad nito at huminga nang malamin. 'Wala akong masabi...' "Minsan nga napapasorry nalang ako for being myself... Kasi eto lang ako... Eto lang yung kaya ko... Sorry kase I can't be the person they wanted..." saad nya sakin at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin si Zyphire. Tinugunan naman nito ang yakap ko nang mas mahigpit at nakaupo parin kami. "Ang sakit lang sa part na... Wala akong makausap pag hindi ako okay... I'm strong... Yes I'm strong... But it doesn't mean that I can have all the pain... That I can solved all the puzzle... That I can risk my life to everyone... Because the truth is... I can't but... I have to... " saad nya sakin at bumitaw na sa yakap ko. Hinawakan ko ang dalawang pisngi nya at pinunasan ang mga luha nito. "Alam mo... Ayos lang umiyak... Ayos lang masaktan... Ayos lang malungkot... Ayos lang ang gawin ang gusto nang iba... It's okay, Zyphire... Cry to your heart's content until you feel somehow good enough to make you a little stronger... Atleast you lessen the pain... Atleast you can stand still... Your strong at my eyes and I'm proud to be your friend... I'm proud of you... "saad ko dito at ngumiti ito sakin. "Thank you... Thank you for listening to my story... For being here listening... Salamat malaki kang tulong..." sasd nya sakin at nginitian ko lang ito pabalik. "Maligo na kaya tayo?? Tapos tsaka tayo gagawa nang frosty..." saad nya sakin at tinanguan ko ito. Tumayo na kami at umakyat sa kwarto nya. "Frosty?? Alam mo ba gumawa nang frosty??" saad ko dito at binuksan na nya ang pinto. Tulog padin silang lahat. "Marunong... Tapos mag laro narin tayo nang guns sa baba.." saad nito sakin at tinanguhan ko ito. Kumuha na ako nang mga damit ko tulad ni Zyphire. "Ahm... Sorry about dun sa... Sa sinabi ko naguguilt kasi ako eh... Yung sa truth or dare..." saad nya sakin at napatingin ako dito. Kita mo sa mata nya ang pagkaguilt. "Sa totoo lang nagulat ako sa sagot mo but... I'm proud of you... You are your own destiny and you will do what is destined for you to do..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD