ZYPHIRE
"Oo teh... Sige sige ganyan nalang ayos ko..." rinig kong saad ni Vinnie.
'Ang aga nila magsigising tsk'
Tinry ko imulat ang mata ko at tinggal ang mga muta. Hindi muna ako bumangon dahil sa ayaw nang katawan ko syempre.Ipinikit ko muli ang mata ko. "Eto yung sakin bagay sya dun sa suot ko..." rinig kong saad ni Sadie at napamulat na talaga ako.
"Anak ka nang stcikman..." napabalikwas ako nang pagmulat ko ay si Stickman ang nakita ko.
Napatayo agad ako nang ayos dahil sa bungad nayun. "Good morning... Mukhang naistorbo kita..." saad nya sakin na ginulo yung buhok ko.
Inayos ko ang buhok ko at umupo sa kama ko. "H-hindi naman... Nagulat lang... Ang aga nyo naman magising..." saad ko sa kanya at napatingin ito sakin.
"Kase... Tanghali na... Alas once na nga eh..." saad nya at napabalikwas nanaman ako.
"Hindi man lang ako ginising tsk" bulong ko at tumingin sa paligid.
"Oh gising na pala si Fire... Good morning, lil sis..." saad nya sakin at yinakap ako.
Hinalikan nya ang noo ko at ginulo ang buhok ko. "Kuya Zyre naman eh... Hindi nyo manlang ako ginising... Alas once na daw..." saad ko sa kanya.
"Eh sa ayokong gisingin ka... Tsaka pinaghanda ka naman ni Shu nang breakfast in bed... Kumain kana..." saad ni Zyre at inilahad ang lamesa ko na may pagkain nga.
Naupo na lamang ako dun at tiningnan ang nakahandang pagkain. "Ako naghanda nyan... Tinikman ko yan bako ko ihanda sayo..." saad ni Stickman at naupo sa harapan ko.
Tiningnan ko muna ito. "Salamat... Masyadong marami toh..." saad ko sa kanya at ngumisi naman ito.
"Hindi noh... Hindi nagtanghalian ang girls kaya kaming boys ay kumain nang inihanda ko... Hiniwalay ko yung sayo na eto ngayon..." saad nya sakin at nginitian ko ito.
Tinikman ko ang kaldereta kung tama lang ang sarap. "Hmmm~" nasarapan ako sa lasa nito.
Ang sunod na tinikman ko ay ang sisig na katabi nito. "Masarap ba?? Ginaya ko lang ang gawa nang Dad ko..." saad nya at napatingin ako dito. Binigyan ko sya nang thumbs up.
"Masharap sya..." saad ko sa kanya habang nayuya. Natawa naman ito sa inasta ko.
"Hoy anong nangyayare dito?!" saad bigla ni Kyllie na biglang dumating.
"Ang daming foods... Nakakataba lahat... Sino kakain nyan??" saad ni Sadie at napatingin naman silang tatlo sakin.
"Ako kakain nyan lahat... May pa dessert pa nga eh... Mabubusog ako sa breakfast ko ngayon hehe" saad ko sa kanila at inabot yung rice.
"Hoy baka hindi magkasya ang dress mo nyan... Masyadong slim yun hindi kasya saming tatlo!!" saad ni Vinnie sakin at sinimangutan ko lang ito.
'Ngayon na nga lang ulit makakakain netoh eh'
"Hayaan nyo muna sya girls... Mukhang nagutom si Nerdy..." saad naman ni stickman sa tatlo at bumalik na sila sa mga ginagawa nila.
"Oh sige na kumain kana..." saad nya sakin at nginitian ko lang ito pabalik.
Kumuha ako nang maraming rice, kaldereta, sisig at inilagay sa plato ko yun. Napuno ang plato ko dahil dun. Kinain ko lahat nang yun na medyo napabilis dahil sa pagisa ko pang subo ay wala na akong nakuha.
"Ubos na~" bulong ko at tumingin kay Stickman na abot tenga ang ngiti. Tinaasan ko ito nang kilay.
"Ayan nanaman ang abot tenga mong ngiti, Stickman" saad ko sa kanya at nakita ko ang pagngisi nito.
"Tch eto na ang Caffe Affogato, Nerdy..." saad nya at iniabot ang isang cup nun.
Ininom ko agad yun at tumayo. "Thamk you sa breakfast... Masarap..." saad ko sa kanya at nginitian naman ako nito.
Nilapitan ko yung dress na isusuot sa sayaw mamaya. Tama si Vinnie kinda slim yun at sexy tingnan at mas lalong sumexy sa kulay red ito.
"Maganda sya... Mukhang bagay sayo..." saad nang nasa gilid ko at napatingin ako dun.
'Si Walt..'
"Thank you... Narinig kong hindi kumain ang girls... Bakit daw??" saad ko dito at natawa sya bigla.
"Mukhang ikaw lang ang kumain sa kanila... Naamoy kopa..." saad nya at napatakip ako sa bibig ko.
'Hindi naman maamoy eh... Baka dahil sa espresso nung Caffe Affogato'
"Hmmm napadami ang kain ko dahil dun sa sarap nung luto ni Stickman..." saad ko sa kanya.
"Ang sabi nila baka daw hindi na kumasya ang mga isusuot nila..." saad nya sakin at natawa naman ako dun.
"Mas magandang kumain kese magutom para maging fit lang tch..." saad ko na kinatawa naming dalawa.
"Excuse me... Hihiramin sana namin si Zyphire..." singit samin ni Kuya Zyrille na kasama si kuya Zyre.
Hinila nila ako palabas nang kwarto at dinala sa elevator. "Bakit?? Anong meron??" saad ko sa kanila na balisa.
"Si Ryle..." panimula ni Kuya Zyrille.
"Hmm anong meron??" saad ko sa kanila.
"Hawak nya ang singsing... Pinakita nya samin nang dalhan sya nang pagkain..." saad ni Kuya Zyre sakin at nandito na kami sa basement.
"Paano nangyari yun, Zyphire?? Hindi natin makukuha sa kanya yun... Agresibo sya ngayon..." saad ni Kuya Zyrille at lumapit ako sa bintana nang kwarto kung nasan si Ryle.
"Naisahan kita dito, Fire!! Ano kukuhain mo sakin?! Hinding hindi mo yun magagawa!?" sigaw ni Ryle na tumawa bigla na parang baliw.
'Tuleg ikaw ang naisahan ko.'
"Ano bang pwede naming gawin para ibigay mo yang singsing?!" sigaw ni Kuya Zyrille dito.
"Pano bayan fire may kondisyon?? Gusto kong pakawalan nyo ko dito at mapapa sainyo tong singsing..."saad nya samin na nakatingin sakin.
Natawa na lamang ako sa sinabi nyang yun."Hindi ako baliw para ganun mo nalang mahanap ang singsing, Ryle!!" saad ko dito.
"Nahanap ko na, Fire!! Sa kwarto mo!! Sa closet mong maliit dun nandun ang singsing eto nga eh hawak hawak ko!!" saad nya na isinuot pa ang singsing na kamukhang kamukha nang akin.
"Ulul!! Hindi ayan ang singsing, Ryle!! Sayong sayo na yang plastik na singsing na yan!! Wala kang mapapala dyan!!" saad ko dito na kinagulat nito.
Lumapit ito sa bintana na parang hindi makapaniwala. Mukhang natanggal na nya ang tali nya. "Anong ibig mong sabihin??" saad nya sakin.
"Dahil alam kong hinahalungkat mo ang kwarto ko... Gumawa ako nang pekeng singsing at inilagay sa pinakailalim nang closet ko... Now you find it at ang saya saya mo sa ganyang singsing tsk tsk tsk" saad ko dito at kita ang gulat sa mga mata nito.
"Hindi ako bobo para ilagay sa kung saan saan ang singsing, Ryle... Matalino ang kinalaban nyo... Pano bayan?? Isa para sa demonyo at... Itlog para sa peligro??" saad ko at tinalikuran ko na ito at umupo sa lamesa.
"Muntik na yun... Kala ko un na ang singsing..." saad ni Kuya Zyre sakin.
"Tch walang makakahanap nang singsing..." saad ko dito at tumango tango naman ito.
"Pano na yan hawak na natin si Ryle?? Baka hanapin ni Chairman??" saad ni Zyrille sakin.
"Hindi yan.. Yun ang phone nya... Hindi rin matatrack yan... Ang kailangan lang ngayon ay mag-ingat... Gumagalaw sila sa kung saan saan..." saad ko sa dalawa at tumango naman ito.
Tiningnan ko ang board ko na may mga mukha nang lahata at may mga ekis yung iba. Pinalitan ko ang may pin ko at inilagay kay Chairman Riordan.
"K-kilala mo sya?? Sya ang Chairman nang mga Riordan..." utal na saad ni Kuya Zyrille sa board ko.
"Matagal na batong board mo?? Ang daming naka lagay na picture pati narin saming dalawa..." saad ni Kuya Zyre sakin.
"Si Care Bear ang nagibigay sakin nito... Sya ang nagsabi tungkol dito sa basement... Walang pumupunta dito ni isang tao... Sya din ang gumawa nyang board ko na puro pictures..."saad ko sa kanila at lumapit dito si Kuya Zyrille at inihaplos ang kamay sa picture ni Chairman Riordan.
"Ibigsabihin kilala mo silang lahat... Nang nandito sa board?? " saad nya sakin at inangat ko lang ang balikat ko.
"Lagi naman akong nakatambay dito..." saad ko sa kanila.
"Kilala mo ba ang isang toh??" saad ni Zyre at itinuro si Chairman Riordan.
'Next victim nila Ryle tch'
"Chairman Riordan... Or si Alberto Riordan na lolo nina ate Kyllie sa father side... Kapatid ni Dean Riordan...Nagmamatapang sya... Isang makapangyarihang matanda pero..." napatigil ako nang maalala ang sinabi ni Care Bear.
'Makapangyarihan sya pero... Pagmay mangyayari sa kanya ay hindi nya alam ang gagawin nya... Natutuliro kumbaga...' saad ni Care Bear noon.
"Pero ano??"saad ni Kuya Zyrille at napatingin ako dito.
"Pero... Duwag" saad ko sa kanila at napatingin silang dalawa sakin.
"D-duwag?? Bakit sya ang nakapin mo??" saad ni Kuya Zyre sakin.
Napatingin ako sa kwarto ni Ryle at hindi ito nakasilip. Soundproof din ang kwarto kaya wala syang narinig. "Hindi pa ako sigurado... Pero nararamdaman kong sya..." saad ko at naglakad papunta sa elevator.
"We need to leave him now..." saad ko at pumasok na sa elevator. Sumunod naman sila sakin at pinindot ang level nang kwarto ko.
"Sasabihin ko sa tatlong eggnog... Kung pwede??" saad ko sa kanila.
"Sige baka sakaling si Chairman Riordan talaga... Makakatulong sila... Kaya lang si Cleo..." saad ni Kuya Zyrille.
"Magaling ang isang yun... Magaling sa espada at sa suntukan... Nachambahan lang talaga sya..." saad ko sa kanila.
"Pano mo nasabi kung ganun, lil sis??" saad nya sakin.
"Dahil lahat nang nasa teritoryo ko ay kilala ko??" saad ko sa kanya.
Pagdating namin sa loob ay nandun silang lahat yung girls nag-aayos at yung boys parang mga natutuliro. Sinarado ko ang door at nilock ito."What happened?? Ang bagal nyo naman yata..." saad ni Ate Kyllie samin.
Binuksan ko yung malaki kong closet at itinuro sa kanila iyon. "Dun na kayo magayos oh... Gamitin nyo na lamang kung anong gusto nyo... Sabihan nyo nalang ako kung may kulang..." saad ko at nginitian ang mga ito.
"Eh?? Sige sige thank yooouuuu" saad ni Sadie at niyakap ako.
"Waahhhhhh yung mga make up na yun gagamitin natin... Thank youuuu!!" sigaw ni Vinnie at yumakap din ito sakin.
"Sige na... Dalhin nyo narin yung dresses... Just push it may wheels yan..." saad ko at pumasok na sila dun.
Nang makita kong pumasok na sila dun sa parang bilog na make up-an dapat ay tiningnan ko sila Kuya. "We need to talk to you..." saad ko sa kanila at nagsilapitan ang tatlong eggnog.
"Bakit?? May nangyari??" saad bigla ni Cleo.
'Mukhang lumalabas ang tunay na sya sa likod nabg pagiging engot nya minsan'
"We need the three of you... Tara sa rooftop..." saad ni Kuya Zyre at tumango naman sila.
Tahimik ang pag-akyat namin sa rooftop. Pagdating namin dun ay simoy nang hangin ang sumalubong samin. Dumeretso ako sa lamesa dun at umupo kaya nagsiupuan din sila."Anong meron??" tanong ni Walt.
"Cinco puzzle..." maikli kong sagot at kita ang gulat sa dalawa except kay Cleo.
*TOOT*
'Narinig ko ang tunog nayon... Mukhang isang recorder yun ah'
Napatingin ako isa sa kanila pero mga nasa lamesa ang kamay kaya siguradong nasa ilalim nang mesa ito.
"What Cinco Puzzle?? Yung pagbabanta nya na paghihigantihan nya kaming tatlo at pamilya namin??" saad ni Cleo.
'Ganyan nga Cleo... Ilabas molang'
"Oo.. Yun nga... Hindi pa kami sigurado pero ang masasabi lang namin... Ay nagsimula na sila..." saad ni Kuya Zyre at kita ang pagkakalmado nang tatlo.
"Kanino nila sinimulan kung ganun??" saad ni Kyan.
"Sa Demonyo..." maikli kong sagot at napatingin naman sila sakin.
"And that is you, right??" saad ni Walt sakin at tumango naman ako.
"Then what do you want us to do then??" saad ni Shu.
"Kailangan nyong maging maalarma... Sa tatlong babae na nasa baba... We want you to protect them..." saad ni Kuya Zyrille.
"Eh girlfriend mo si Ate Kyllie then why don't you do that???" saad ni Stickman dito.
"Wait... You misunderstood it... I want you to cooperate with my brothers..." saad ko sa kanila at napatingin silang lahat sakin na parang gulat.
"What do you mean?? Iba ang sinabi mo kanina..." saad sakin ni Kuya Zyre.
"But this is my responsibility... And cooperation is what I needed..." saad ko at tumingin sa tatlo.
"Walt... Gusto kong alam mo ang nangyayari sa paligid mo... Use your brain to solve puzzles..." saad ko at tumango naman ito.
"Shu... I want you to use your detective skills at yung sa mga martial arts mo kung kailangan..." saad ko sa kanya at napatingin ito sakin.
"How did you know na marunong ako??" tanong nya sakin.
"I know everything and known you as well... Cleo, gusto kong gamitin mo yang malakas na pakiramdam mo at yung pageespada at sa suntukan... I need you the most..." saad ko dito at napatingin din ito sakin.
"Then I will... So may plano na tayo??" saad ni Cleo at napatingin ako kila Zyrille.
"May plano ka na nga ba, Fire??" saad ni Kuya Zyrille.
"Ang alam ko lang ay... Hayaan silang gumalawa sa ngayon... Let them be free hangga't palihim silang gumagalaw..." saad ko sa kanila at tumayo na.
Tumingin ako sa oras at alas tres na nga. "But what if... Nagsimula na ang peligro??" saad ni Kuya Zyre sakin at tumayo nadin. Kinuha ko ang nakadikit na recorder sa ilalim nang mesa at tiningnan mabuti ito. May sign na I sa recorder na maliit na yun.
'Imperial tsk si Cinco toh pinadikit kay Ryle tsk alam na alam ang mangyayari...'
"Pag nagsimula na ang peligro edi gagalaw na ang demonyo... Tama ba ako, Ryle at Cinco??" saad ko sa mismong recorder na yun at hinagis.
"Ano yung hinagis mo??" saad ni Walt sakin na nagsilapitan na pala sila.
"Recorder yun... Isang maliit na recorder..." saad ni Cleo dito.
"Then who is at the other line??" saad ni Shu sakin.
"The rat who mess up my closet and peligro who miss the demonyo... Tara na baka makahalata yung tatlo..." saad ko at sumakay na kami sa elevator.
Pagdating nang kwarto ay nakita namin sila na nandun pari nag-aayos may mga nasa mukha silang mukha mask ba yun. "Sure ball na tayo sa planong yun??" saad ni Stickman sakin.
"Sure ball na..." sagot ko kahit hindi pa.
Lumapit ako sa tatlong yun na nakamask. "Yoowwww kailangan mo toh Zyphire... Pero mukhang wala kang pimples..." saad ni Vinnie sakin.
"Tsk haggard kana dapat, Fire pero bakit fresh ang ate mo ghorl??" saad sakin ni Sadie na kinatawa namin.
"Baliw... Basta gamitin nyo ang gusto nyo wag lang uubusin naku..." saad ko sa kanila at tumango naman ang mga ito.
"Makakaasa ka... Hindi kaba sasama samin?? Alas tres na may apat na oras kapa..." saad sakin ni Ate Kyllie.
"Nah... Ayoko nang madidikit na yan... Kung kailangan lang... Magbibihis lang ako...." saad ko sa kanila at pumunta na closet ko.
Nagbihis na ako at pumunta ako dun sa tabi kung saan nagmemak up na bilog sila Vinnie. Sa tabi kese nun ay yung punching bag ko. Lumapit na ako dun at matigas padin ito walang pinagbago
"WWOOOAAHHHH!!" sigaw ko at shinake yung kamay at yung paa ko.
*SIGH*
Tiningnan ko ang kabuuan nang punching bag at inikutan ko pa ito. "Hindi iniikutan ang punching bag, Miss..." saad nung boses na yun.
'Si Stickman yun'
Hindi ko ito pinansin at inikutan ko lang ang punching bag. "Suntok kailangan nyan... Hindi yan gagalaw..." saad pa nang isang boses;Si Walt yun.
Hindi ko ulit pinansin ito at tiningnan ang kabuuan nang punching bag. "Zyphire... Suntok na naghihintay kami..." saad naman ni Cleo at hindi ko ulit ito pinansin.
'Ano namang ginagawa nang tatlong eggnog dito??'
Ipinikit ko na ang mata ko at tinry na ilabas ang punching bag sa blanko na paligid. Dahan dahan lumabas ang imahe nito na kinangisi ko. Naghanda na ako atsinimulang suntukin iyon.
*AFTER 2 HOURS*
Pabilis at palakas nang palakas ang suntok ko ramdam ko ang pagbagsak nang mga pawis ko.Hindi ako huminto simula kanina dahil gusto kong bawiin yung mga araw na pag upo ko lang. "HIYAAAA!! YAAHHH!!!" sigaw ko para maibsan ang pagod ko.
*TUG*
*DUG*
*TUG*
Naramdaman ko nanaman ang pagkirot nito kaya napatigil ako. Nakapikit padin ako at dahan dahang lumabas ang imahe nang tatlong eggnog. Huminga muna ako nang malalim at tinapat sila.
Sinimulan ko nang sumuntok kay Walt at gumanti din ito. Mabilis ang pagkakagalaw ko na kinabagal nang tingin ko dito. Sinugod naman ako nang dalawa at pinagsabay ko sila.
"Potek ikaw naman, Cleo!!" saad ni Walt nang tumalsik ito.
Natatawa ako na nakapikit sa narinig kong iyon. Sumugod si Cleo at mabilis akong gumalaw kaya tumalsik din ito kung saan tumalsik si Walt. "Agik!! Ang sakit lintek!! Galingan mo naman shu!!" sigaw ni Cleo na narinig ko.
Biglang nawala ang imahe ni Stickman sa pagpikit ko. Naging blanko ito kaya tinry kong makipagkooperasyon sa hangin tulad nang sabi ni Care Bear. Ginawa ko ang mga natatandaan kong turo sakin nito.
*SWISH*
Napatalikod ako sa narinig kong iyon. Mabilis na gumalaw si Stickman na naramdaman ko. Gumalaw agad ako at sinuntok ang part kung saan ang tyan nito kung tyan nga ba iyon.
"Shit.." bulong ni Stickman na kinangisi ko agad akong gumalaw at binalibag ito sa kung saan.
Iminulat ko ang mata ko at napatingin sa kanila. "Woaah!! Ngayon lang uli ako nag ganun..." saad ko at iniabot ang kamay ko kay Stickman na hirap tumayo.
"Salamat..." saad nito nang abutin ang kamay ko at tumayo.
"Lupet!! Mas magaling kapa sakin dun ah..." saad ni Cleo sakin.
"Tuleg mas magaling kanoh..." saad ko dito na kinatawa naming dalawa.
"Nice one... Mas magaling ka na pala sakin..." saad nya sakin.
"Tsk... Abno... Malabo ang mata mo kung ganun..." saad ko dito at kinuha na ang tubig ko.
Pagtapps kong uminom ay napatingin ako kay Stickman na nakatitig sakin. "What are you looking at??" tanong ko dito.
"Tsk... Nagalingan lang eh... Eto oh..." saad nya na inabot yung tuwalya.
"Hmmm Thank you... Sige maliligo nako mukhang isang oras nalang ang meron ako sa pag-aayos... Mag-ayos nadin kayo..." saad ko sa tatlong toh at tinalikuran na sila.
Papasok na sana ako sa bathroom nang may biglang humawak sa arms ko na nakapagpapigil sakin na pumasok."I want to talk to you..." saad sakin nito.
'Si Shu'
"Ano yun??" saad ko dito at kita ang kaba sa mata nito.
"May kilala kabang... Impe??" saad nya sakin na kinaisip ko.
'Impe... Imperno haha... Imperyo potek na yan... Imperial'
"Anong meron sa Impe nayun??" saad ko sa kanya at inabot nya ang phone nya sakin.
Tiningnan ko iyon at may text ito pero hindi ko muna binasa at tiningnan si Shu. "Pano na save ang number nya dito??" saad ko sa kanya.
"I don't know... Nagulat nalang ako nagpop sya tapos Impe nakalagay..." saad nya sakin.
"I think isa sya sa peligro... Yun ang napansin ko sa text..." tiningnan ko ang numero nun dahil sa sabi nyang peligro.
Kinuha ko ang phone ko at chineck ang number na iyon. "Tama ka dyan... Si Peligro ang isang toh..." saad ko at perehas ang numero ni Cinco at ni Impe.
"Anong ibig nyang sabihin kung ganun sa text na iyan??" saad ni Shu at binasa ko ang text na iyon.
'5:48p.m
EMPI☠️(+639**********)
6/8 - 3/6 - 1/5 - 4/5 - 3/7 - 2/5 - 1/5 - 1/3 - 1/5 - 4/5 - 5/5 - 2/3 - 3/6'
"Fraction sya tama??" saad sakin ni Shu.
"We need to decode thi-"
"FIRE!! FIRE!! CHECK THIS OUT!!" sigaw nang kung saan at napabalikwas naman kaming dalawa dun.
"I think you are the one who can decode this..." saad ni Kuya Zyre na pinakita ang text.
"Pere perehas kami, Zyphire..." saad naman ni Vinnie.
"Kahit ako..." saad ni Kyan dito.
"Si Cinco yan.. Imperial ang Impe na iyan... Wala sa akin... ibigsabihin the message is for all of you..." saad ko at chineck yung text na yun sa phone ni Shu.
Umupo ako dun sa upuan at iniisip ko ang pang decode at yung text. Kinuha ko ung papel ko sa study table at isinulat dun ang pang decode at yung text.
'A=3/7 F=2/4 K=3/5 P=3/9 U=5/6 Z=5/8
B=1/3 G=4/5 L=2/7 Q=2/6 V=4/6
C=4/10 H=3/6 M=2/5 R=1/4 W=2/6
D=7/9 I=5/5 N=2/3 S=3/6 X=3/3
E=1/5 J=1/7 O=1/2 T=6/8 Y=1/10
6/8 - 3/6 - 1/5 - 4/5 - 3/7 - 2/5 - 1/5 - 1/3 - 1/5 - 4/5 - 5/5 - 2/3 - 3/6
T H E G A M E B E G I N S'
"The Game Begins??" sabay sabay na basa nila at napunit ko ito sa nabasa ko.
"What does he means??" saad ni Stickman at inabot ko sa kanya ang phone nya.Naiyukom ko na lamang ang inis na nararamdaman ko.
"They will start what they must do... Take revenge as he says... Tsk I don't know what he wants... What is his reason but... They are telling me that play the game that they made for me... Then let's see how will this go on..." saad ko sa kanila at kita sa tingin nila ang gulat.
"Then we will play the game... If they play physical then we will play emotional..." saad naman ni Vinnie na galit nadin.
"Is this what they call as an welcome back gift?? Tsk... We must be careful they can play dirty... Rudy... Mistery... With an fantasy... But if they play dirty with my teritory...and Family... They will regret it if I get madly..."