Chapter 36

3078 Words
ZYRE RAIN Kasunod nang kotse ko sila Shu,Cleo,Walt,Sadie,Vinnie,at Felicity papunta dun sa resto kung saan iniwan namin si Fire. Bumagsak ang malakas na ulan at eksaktong nasa tapat agad kami. Tumawag bigla si Shu. "Bro... Pano tayo makakalabas nang sasakyan..." saad nito sa kabilang linya. "Hindi ko din alam... Wala tayong dalang payong eh..." saad ko at napatingin sa bintana. "Meron kami dito... Tatlo nga lang..." saad ni Felicity. "Kayo nalang gumamit... Pupuntahan ko na si Fire..." saad ko at binuksan yung pinto nang kotse. Pagkalabas ko at nakita ko agad si Clover na nasa tapat nang resto na yun. Nakatayo at kausap yung Ysha. Nilusob ko ang ulan at lumapit sa kanila. "Hindi po talaga pwede, Ser... Sarado na kami at hindi po nya kayo kilala... Ni hindi mo nga po sinasabi ang pangalan nyo..." saad nung Ysha. "Kilala nya ako... Hindi ko lanh pwedeng sabihin abg pangalan ko... Please kakausapin ko lang sya..." saad ni Clover at lumapit na ako nang tuluyan. "At anong hindi mo maintindihan sa salitang 'She is having a rest' clover..." saad ko at naramdaman kong umalis si Ysha. 'Basang basa tuloy ako lintek' Nakita ko sila Shu na nasa likod na din ni Clover. "Ano bang ginagawa mo dito, Clover?? Hinahanap ka ni Tita..." saad ni Felicity. "I just need to talk to her..." saad ni Clover. Nagpapantig ang tenga ko sa sinabi nya. "Talk to her?? Nagusap na kayo diba?? Gumising ka clover!!"sigaw ni Sadie dito na kita ang pagpipigil. "Talk talk and talk... About what?? Sa inyo?? Eh wala na ngang kayo diba?? Kese meron ka nang felicity at matuto kang makontento..." saad ni Vinnie dito. Napayuko si Clover. "I-i just want to clear everything... Pakiusap, Vinnie at Sadie... Please call her..." saad ni Clover na lumapit sa dalawa at lumuhod pa sa mga yun. 'What is he doing??' "Tumayo ka dyan... Sige gagawin namin... Pero sinasabi ko sayo Clover... Wag na wag mong paiiyakin si Fire..." saad ni Vinnie at pumasok sa resto. "Don't play a game, Clover... Hindi nakakatuwa ang pagdating mo uli..." saad ko dito na tumayo uli. Nakatingin lang sya sa pinto nang resto hanggang sa lumabas dun si Vinnie. "Sino ba kasi ang gustong kumausap sakin??" saad ni Zyphire na nakangiting nakatingin kay Vinnie. Napatingin ito sa gawi namin at kita ang dahan dahang pagkawala nang ngiti nito. Napatingin ito sakin na parang nagtatanong. Lumapit na uli si Vinnie kay Walt habang si Zyphire ay nandun padin sa lilom. Lumapit ito samin nang walang payong. Dahan dahang nababasa ito at lumapit kay Clover. Blanko ang nakikita ko. Katabi ko sya at kita ko ang halo halong nararamdaman. "Ikaw pala ang nageeskandalo sa resto ko kahapon... Give me an acceptable reason..." saad ni Zyphire na blanko padin. "I want to talk to you... About us..." saad bigla ni Clover. "Walang 'us', Clover... Pero merong 'Kayo'..." saad ni Zyphire dito na may pagdidiin. "Pero... Ano yung ginawa mo tska sinabi mo sakin the last time??" saad ni Clover. "Don't tell me binigyan mo yun nang malisya?? Wala lang yun!! Payong kapatid ang tawag dun!! At tsaka nandyan ang girlfriend mo... She MUST be your strength..." saad ni Fire dito at kita ang pangingilid nang luha nito. "Pero... Mahal mo pa ako... Nararamdaman ko yun, Fire.... Please tell me na mahal mo pa ako... Susugal na ako ngayon promise pleaseee... Tell me tell me..." saad ni Clover dito na pilit hinahawakan ang kamay ni Fire pero tinabig yun ni Fire. "Wag mo ngang gawin yan, Clover... Andito ako... Ako ang mahal mo..." saad ni Felicity. "ANO BA?! Minahal kita dati, oo... Pero ngayon... Wala akong nararamdaman... Wala akong maramdaman kapag nakikita ko kayong dalawa... Nigalit nga wala ako eh... Kahit paulit ulit na umiikot yung mga masasakit na salitang sinabi nyo wala... Blanko ako... Kaya sana... Layuan mo na ako... "saad ni Fire at tumulo na nga ang luha nito. "Fire... Hindi mo kasi alam yung dahilan eh... Kung alam mo ang dahilan siguradong magbabago ang isip mo..." saad ni Clover dito. "Then tell me... Tingnan natin kung mawala tong pagkamanhid ko, Clover!!" sigaw ni Fire dito. "Clover..." bulong ni Felicity at tinabig sya ni Clover. "Ano ba Felicity!? Ikaw ang punot dulo netoh!? Kung hindi moko blinack mail edi sana kami pa ni Fire!?" sigaw ni Clover kay Felicity. "I didn't black mail you!! Nakita ko kayo nang kaklase mong babae na naghahalikan... Sabi ko makakarating toh kay Fire!! Hindi pambablack mail yun!!" saad ni Felicity dito pabalik. Napatingin ako kay Fire na bigla napaluhod. Napalapit ahad ako dun kahit si Shu."Hindi totoo yan... Sya ang humalik sakin... Nagbago na ako, Fire... Dahil yun sayo..." saad ni Clover dito. "Babaero!!" sigaw ni Felicity dito. "K-kala ko nabago na kita, Clover... You cheated on me bago pa mangyari yung kay Felicity... At ikaw!! Sinabi mo ba?? Hindi diba?? Eh putangina pala eh... Kung lokohan ang ginagawa natin edi sana hindi na ako sumali!! f**k the both of you!!" saad ni Fire na humahagulgol na but clear padin ang boses nya. "Kung ikaw nasasaktan ano pa kaya ako, Fire?? Sabihin mo sakin... Masama bang magmahal?? Masakit kasi minahal ko yung boyfriend nang kaibigan ko eh... Masakit kasi nasa kanya na ang lahat... Naingit ako!! Dahil na sayo nalang lagi ang atensyon... Pati nga si Shu na sayo na ang atensyon... Perfect ka while ako?? Ordinaryo lang... "saad ni Felicity dito at natawa naman si Fire nang peke. Pinilit tumayong nito at hinarap si Felicity. "Perpekto?? Ako?? Perpekto pala yung tinatrato ka nang pamilya mo na parang ibang tao... Perpekto pala yung lagi nalang nag-e-emotional breakdown... Perpekto pala yung depress tapos may anxiety pa... Perpekto pala yung lagi kang sinasaktan... Perpekto pala ang pagiging mahina... Tang inang yan!! Sagutin moko!! Perpekto ba talaga ang ganun ha?! "sigaw ni Fire dito at tinulak ito. Agad naman inalalayan ni Clover si Felicity na nahulog."Sobra kana Fire... Nakakapanakit kana... Yan ba sa tingin mo ang nakamove on??" saad ni Clover dito. "Oo... Hindi mo lang naman sya nobya hindi ba?? TRAYDOR na kaibigan ko yan... Tsaka wala kang karapatan na pigilan ako... Sinaktan nyo kong dalawa!! Pinaglaruan nyo ko!! Tapos ngayong ayos na ako... Babalik kayo na parang wala lang!! f**k the both of you!! "sigaw ni Fire dito at tumayo nang padaboh si Felicity. Akmang sasampalin nya si Fire pero hindi nya matuloy."Go on!! Isampal mo, Felicity!! Tatanggapin ko... Ako ang may mali eh... Hindi nyo kasi ako naiintindihan... Kese hindi kayo ang nasa posisyon ko... Hindi kayo yung nasasaktan nang gento... Feeling ko tinatraydor na ako nang buong mundo eh..." saad ni Fire. Nababa ni Felicity ang kamay nya."Hindi mo alam na nung iniwan kita... Galit na galit si Dad... Hindi nya ako pinansin nang malaman nya yun... Gusto nyang mag apologize sayo... Dahil sa nagawa ko... Hinanap kita after a month... Pero wala ka daw.... I want to apologize..." saad bigla ni Clover. "Bago mo pa magawa ang mga yun... Napatawad ko na kayong dalawa pero... Hindi nyo mababago ang sakit... The word sorry is not acceptable para mabura yung sakit... Wake up, Clover!! This is reality not fantasy... Kung sa fantasy perpekto ako... Then look at me sa reality... "saad ni Fire dito at kita ang pagyuko nang Dalawa. "J-just... Just leave... Leave my place... Hangga't may pasensya pa ako... Hangga't may respeto pa ako... Hangga't anghel pa ako... Leave my area now... Hindi nyo magugustuhang makilala ang demonyo..." saad ni Fire dito at tumalikod na lamang ang dalawa at naglakad. Tiningnan ko si Fire at sobra sobra ang lungkot na meron sya ngayon. Tumabi ako dito at hinawakan ang dalawang balikat nito."S-sorry, Fire... Mapilit kasi si Clover eh..." saad ni Vinnie na pinayungan si Fire. Bagsak ang balikat ni Fire at lumuluha ang mga mata. Hindi man humahagulgol pero lumuluha. "Ayos lang, Vinnie... Ayos lang ako... P-puntahan nyo na lang muna sila Kuya Zyrille... Maghahanda pa tayo para bukas nang madaling araw..." saad ni Fire na may pagka sobrang tamlay na boses. "Kung hindi mo na kaya... Nandito lang kami... Pwede kang umiyak samin..." saad ni Walt dito. "Ayos lang ako, Walt... Salamat nalang... Umuwi na lamang tayo..." saad ni Fire at matamlay na naglakad. Tumigil na ang ulan at sumunod agad ako kay Fire. "Ayos ka lang??" saad ko sa kanya nang tumapat kami sa kotse ko. "Ayos lang ako, Kuya... Umuwi na lamang tayo..." saad nya sakin at pumasok agad sa kotse. "Ahmmm... Pwede ko ba syang makausap saglit..." saad ni Shu sakin at tinanguhan ko ito. Binuksan ko ang pinto. "Shu..." saad ni Fire dito. "Tatawagan kita mamaya... Are you really okay??" saad ni Shu dito at tumango si Fire. "Then... I'll call you mamaya... Answer the phone... You can tell me anything and anytime, Nerdy... Nandito lang ako..." saad ni Shu dito at hinalikan ang noo ni Fire. Isinarado na muli ni Shu yun at pumasok na sa kotse nya. Pumasok nadin ako sa kotse ko at tiningnan si Fire na katabi ko."Zyphire... Kuya moko... Besprend mo ko... You can tell me anything..." saad ko at napatingin sya sakin. 'Naaawa ako sa kanya... Wala man lang syang hapiness... Mas nasasaktan ako na makita syang gento... Bigo' "I need some rest... Just go to the mansion..." saad nya sakin na kinabuntong hininga ko. Pinaandar ko na lamang ang kotse papunta sa mansion. Sinabihan ko na din sila Sadie na dumeretso nalang sa bahay ko. Nagpark lang ako at pumasok na kami sa mansion nang basang basa. "Zyre!! Zyphire!! Bakit kayo basang basa??" bungad samin ni Dad. Tumigil kami ni Fire at tumingin ako kila Da ngunit hindi ito nilingon ni Fire. "Ano ba naman yan, Fire!! Basang basa ka!! Diba ang sabi namin sayo ay magpahinga na lamang!!" sigaw ni Mom dito ngunit hindi iti binigyan nang pansin ni Fire. "Fire!! Ganyan ba ang natutunan mo sa paglipat lipat!! Hindi kana nagbago!! Kala ko nagbago ka na!!" sigaw naman ni Chairman dito. "Wala kayong alam... Wala kayong alam sa pinagdaanan  ko..." mahinahon pero ramdam mo ang pagod sa boses ni Fire na hinarap na sila. "Fire..." saad ko dito ngunit hindi nya pinansin yon. "Totoo naman eh... Wala silang alam, Kuya Zyre... Hindi nila alam kung ano ang mga pinagdaanan ko... Pagod na pagod na ako kada uuwi pero ang sasalubong... Mga sigaw tsaka galit... Nakakapagod na..." saad ni Fire na nakaharap na sakin. Ramdam ko ang pagod at sakit sa boses na yun lalo na ang pagpatak nang luha nya."Bakit, Fire!? Sabihin mo samin!? Anong maganda sa umuuwi nang late tapos may bangas pa!? Sa pakikipagsuntukan mo!?" sigaw ni Chairman dito. "Kung nagrerebelde ka, Fire... Tigilan mo na!! Nahihirapan kami oh!! Pinalaki ka naman naminnang ayos!!" sigaw din ni Mom. "Tama ang Mom at Chairman... Tigilan mo nalang toh kung nagrerebelde ka, Anak..." saad ni Dad dito. "Wala talaga kayong alam... Kese ang lagi nyong napapansin... Si Kuya Zyrille... Na laging valedictorian... Si Kuya Zyre... Na laging top sa klase... Ako?? Lagi naman din akong valedictorian pero... Kahit kailan.... Hindi nyo ko sinabihan nang proud kayo... Puro yan lang ba ang kaya mo... Haha sorry ah... Eto lang kasi ako eh..."saad ni Fire na lumuluha nanaman. *PAK* Nagulat ako sa sampal ni Mom na yun kay Fire. Agad kong tiningnan si Fire na ang dereksyon nang ulo ay sa kanan. Hinarap nya ito kay Mom."Mom... Tama na..." saad ko dito. "Wala kang karapatan na kuwestyonin ang pagpapalaki namin sayo!! Anak ka lang!! Ang ginawa mo lang naman ay makipagsuntukan at umuwi nang late!!" sigaw ni Mom dito na kinapuno ko. "Wala naman talaga kayong alam, Mom!! Hindi basta bastang pag-uwi nang late ang ginagawa nang kapatid ko... Oo, late syang umuwi dahil nagtatrabaho sya... Para sa sarili nyang allowance..." saad ko dito at kita ang gulat nito. "Kung ganun hindi paba sapat ang perang binibigay namin ha!?" sigaw ni Chairman dito. "Hindi ako tumatanggap nang perang galing sa inyo... Sa perang hindi dugot pawis ko... Malaki ang naipon ko kasabay nang pagtulong ko sa kapwa ko... Masamang umuwi nang late pero masama parin ba kung ang dahilan nun ay ang pagtulong ko ha!?" sigaw ni Fire dito. "Umuuwi ako nang late at may bangas... Dahil yung perang nakukuha ko sa trabaho ko ay iniipon ko... Para makatulong sa mga tao... Yung bangas na yun?? Sa underground fight yun... Dahil dun nakapagpagaling ako nang mga taong may cancer... Ngayon sabihin nyo saking wala akong kwentang anak!?"sigaw ni Fire at walang nakasagot. Gulat ang makikita mo sa mukha nila. "Dahil sa pagtatrabaho ko... Nakapagpatayo ako nang sarili kong resto... Dalawang sikat na resto na ngayon... Restaurant kung saan ang mga nagtatrabaho dun ay ang mga taong tulad ko... Napasaya ko sila sa trabahong yun... At sa nagawa kong yun?? Nakatulong ako... "saad muli ni Fure sa mga ito. Naaawa ako sa kapatid ko. "Pero sa kabila nang nakikita nang mga natutulungan ko... Nakikita nilang masaya at matulungin ako... Naaappreciate nila kung ano at sino ako kahit sa maliit na bagay lang... Pero kayo?? Lagi nalang hindi sapat... Matagal nadin nang hindi ko pinapansin kese... Baka naman totoo... Pero ngayon... Pagod!! Pagod na pagod na ako!! Gusto kong mawala na parang bula!! "sigaw ni Fire sa mga toh at biglang humagulgol si Mom. Si Fire naman ay tuloy tuloy ang pagbagsak nang luha."Madami... Sobrang dami kong pinagdaanan... Nagsimula nang ilayo nyo sakin ang kaibigan ko... Si Walt diba?? Sumunod yung mga salitang nakakasakit... Tapos yung si Clover?? Ayun matagal na akong niloloko... Si Felicity... Ayun tinraydor ako... Lalo na nang mawala si Care Bear... I am just seventeen years old... But ang bigat naman yata nang binigay na problema sakin... "saad ni Fire at nangibabaw ang iyak ni Mom lalo na si Dad. "Pero alam nyo... Naiintindihan ko kayo kese... May dahilan eh... May dahilan kung bakit sakin lang kayo gento... Dahilan na hindi nyo kayang sabihin sakin... Wala akong magawa kung hindi intindihin nang intindihin kasi... May dahilan eh... Ang hirap... Yung ibang anak kasama yung magulang sa laban... Habang ako... Mag isa... Mag isang tinatahak at hinaharap ang laban... Ngayon sabihin nyo sakin... Wala ba talaga akong kwenta?? "tanong ni Fire sa mga ito ngunit nanatiling hagulgol ni Mom at pag-iyak ni Dad ang umalingawngaw. 'Kahit ako ay walang nagawa...' "I need to go to my room... I need some rest for tomorrow..." saad ni Fire at umakyat na. 'She is tired... Sobrang tired but.. She didn't give up...' ZYPHIRE K anina pa ako dito sa kwartong toh. Nakatulog na nga ako at hindi na nakapag dinner. Pinapakiramdaman ang sarili ko. Nakapagpalit nadin nang ayos. Mastado yata akong napagod at hindi ko kayang matulog uli. Nagulat ako sa dalawang katok nayun. *KNOCK* *KNOCK* Bumukas ang pinto at bumungad si Kuya Zyre at Zyrille. Tumabi agad sila sakin at kita ang pag-aalala."Nalaman ko ang nangyari... Nag-aalala kami sayo kaya pinuntahan ka nalang namin..." saad ni Kuya Zyrille. "At alam mo na din siguro ang lahat... Napagod ako at hindi ko na kayang pakalmahin pa ang sarili ko... Sumabog ako na parang bulkan..." saad ko dito at tinapik lang ni Kuya Zyrille ang likod ko. "Ayos lang yun... Nalabas mo naman ang saloobin mo sa paraang hindi mo inakala... Naiintindihan kita..." saad ni Kuya Zyrille sakin. "Tsaka... Alam naming masyadong patong pato at marami rami ang mga dala dala mo... Isa isahin mo lang at wag na pagsabayin..." saad naman ni Kuya Zyre sakin na nagpagaan konti nang loob ko. Nayakap ko sila sa di malamang rason."Salamat dahil naiintindihan nyo ko..." saad ko sa kanila at bumitaw agad. "Ala tres palang at gising pa kayo..." pag-iiba ko nang usapan. "Nakapaghanda na kami... Bihis na nga eh... Hinihintay nalang mag alas cinco para makaalis na..." saad ni Kuya Zyre. Napatingin ako sa kanila at bihis na nga ang mga ito. "Tsaka... Pinagdala ka namin nang almusal mo... Alam naming wala kang apetite pero... Magugustuhan mo yan..." saad ni Kuya Zyrille na inilapag ang pagkain ko sakin. 'Breakfast in bed' "Champorado... Sabayan nyo na ako, mga kuya..." aya ko pero umiling ang mga ito. "Para sayo lang yan... Ubusin mo... Tsaka pinilian kana din namin nang isusuot..." saad ni Kuya Zyre na inilapag ang mga damit na nakatupi. "Sakto yan sa estilo mo... At magugustuhan mo din..." saad naman ni Kuya Zyrille. "Salamat talaga... Uubusin ko na lamang ito tapos liligo ako at magbibihis..." saad ko at binilisan ang pagkain sa Champorado. Saglit lang din akong natapos at pyro tawanan ang dalawa. Kinuha yun ni Kuya Zyrille at inilagay sa mesa. Tiningnan ko naman ang mga damit na inihanda nila. 'WOOOOOWWWW!!' Yung short na pang lalaki na maong mga below the knee eksakto talaga na kulay white tapos isang oversized na shirt na kulay black and white. "Kakaiba... Ngayon lang ako magmamaong... Exciting..." saad ko sa kanila at kinuha ang mga yun. "Maliligo lang ako... Saglit lang naman..." saad ko sa kanila. Dali dalk naman akong naligo at isinuot ang mga un. Bagay naman sakin dahil eksakto lang talaga. Lumabas naman na ako at pinakita sa kanila. "Bagay??" tanong ko at tumango yung dalawa na nakangiti. "Bagay na bagay... May kulang pa nga lang..." saad ni Kuya Zyrille na kinataka ko. 'Wala naman nang kulanh' May iniabot naman si kuya Zyre sakin na box nang sapatos sya. "Alam naming madami kanang sapatos... At sana idagdag mo toh... Buksan mo!!" excited na saad ni Kuya Zyre. Umupo ako dun sa single couch habang hawak hawak ang box. 'Sapatos na ano naman kaya toh??' Binuksan ko naman iyun at inilabas sa box. Inilagay ko lang sa kung saan ang box."Ginawa namin yan ni Zyre..." saad ni Kuya Zyrille. 's**t!! Nike air force one mid na... Sariling paint toh ah??' Pininturahan ito nang may black at red tapos may mukha ko pa. Walang pinagkaiba sa mukha ko yung naka draw na maliit na yun. "Ang gandaaaaaa!! Wala akong masabi kundi thank you!!" saad ko at nagsuot nung socks tapos yung sapatos nayun. "Awiiitt!! Ang gandaaa.... Salamat mga kuya kong pangit!!" saad ko na ni wide yung kanay kong yayakap. Tumakbo ang dalawa. "Nakuuuu... Bawal ang yakap kapatid... Bawalna bawal mag aasawa pa ako... Baka umatras ako dyan..." saad ni Kuya Zyrille na hinahabol ko. 'Loko!!' "Tama ang Kuya!! Baka tumandang binata ako nakuuu!! Layo layo!!" sigaw din ni Kuya Zyre na kinatawa ko. "Mga ugok?! Kalokohan nyo!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD