Minsan sa pag-iwas natin sa kasalukuyang buhay na hindi natin gusto ang kalakaran, gumagawa tayo ng mga bagay at sariling mundo kung saan ang lahat ay naaayon sa ating mga naisin. Ako si Bryan. Mayaman ang pamilya namin. Malaki ang negosyo ng Mommy at Daddy ko. Sunod ako sa luho kaya naman malaki rin ang expectations nila sa akin. Gusto nilang kunin ko ay abogasya. Pero alam kong ang hilig ko ay interior decoration. Pero hindi ko sila pwedeng suwayin. Medyo mahigpit si Daddy kaya may nadarama akong takot kapag sya na ang nagdedesisyon sa bahay. Si Mommy naman ay sunud-sunuran lang sa kanya at halos pareho kong walang boses para sabihin ang sariling gusto. Sa bahay lumaki akong halos si Boyet lang ang naging barkada. Siya ay anak ng aming stay-in na labandera. Halos magkasing-edad kami at

