Chapter 2- Outing

3342 Words
He was suddenly staring at me. Tayung-tayo pa u***g ko dahil sa pagka gulat. Nakakahiya! Ngunit nagpanggap nalang ako kunyari di ko napansin ang mga tingin nya. Kahit di ko alam kong saan nga ba sya nakatingin, sa mukha ko or sa suot. Ahh. . . I just get some snacks and drinks. Sige, akyat na ako bess. . . bye! Dali dali ko nalang dinampot ang drinks at snacks. “wait!”. . . narinig ko pang tawag nito pero tumakbo na ako paakyat ng room sabay sara. Lamunin nalang talaga ako ng lupa! Gosh! Napalingon naman sakin sina ate Eira at Ate Alliah. “Anong nangyari sayo bebe? Bat ka hapong hapo? Teka nga, tumakbo ka ba?” tanong ni ate Eira. Ahh eh, . . Baka kasi nag play na kayo ng movies kaya nagmadali ako. Palusot ko nalang sana maniwala. “Hindi ah, inantay ka talaga namin kasi alam naman namin na gusting-gusto mong panuorin tong Let’s fight ghost” Sagot naman ni Ate Alliah. “Wow! Beer! Baka naman makatulog tayo nyan bebe? Tig-isa lang?” Sabat naman ni Ate Eira. Ngayon ko lang napansin na beer pala yung nadala ko. Shemay! Napasapo nalang ako sa noo ko. Sa pagmamadali ko yung beer ni Jaz nadampot ko. Ahh eh. . pangpaantok lang talaga ate Eira. Tara na nood na tayo, aya ko para maiba naman ang usapan. Sana lang wag ng mag-abala pa si Jaz na katukin kami para sa beer. Di rin naman nagtagal at nagsipag handa na kami para matulog. Dahil siguro sa tama ng beer kaya medjo inantok na at di namin natapos ang 2 episode ng pinapanood namin. Samantalang si ate Eira nabitin daw sa isang beer. Gusto pang humirit buti nahikayat ni Ate Alliah na magpahinga nalang dahil may work at meetings pa ito kinabukasan. By the way mag pinsan si Ate Alliah at Ate Eira. Parehas na maganda ang status sa buhay. Bali si ate Eira ay bestfriend ni kuya Liam, hindi ko naman alam paano nangyari yun. They are exactly opposite. Ate Eira is very outgoing while kuya Liam is not. Subrang friendly din ni ate Eira pero maldita. Wag na wag mo syang uunahan kasi makikipag bardagulan yan. Hahaha Si ate Alliah naman I don’t know why pero sila ni Kuya Zin ang close dati. Di ko lang sure kung close ba talaga kasi bully si kuya Zin inuutusan nga nyang gumawa ng assignment nya dati si ate Alliah madalas. Medjo nerdy at conservative pero ang bright ni ate Alliah. Suma Com Laude nga sya ng grumaduate. Ngayon nagulat ako kasi si ate Alliah e iba na pumorma. Tapos hindi na sila nagkakasama ni kuya Zin after graduation parang naging awkward na sila pero di ko sigurado baka naging busy lang talaga sa kanya-kanyang mga work. “Bebe? Anong plan mo ngayong graduate ka na? “ untag naman ni ate Eira. Ahm. . di ko pa alam ate pero sabi ni Dad, since graduate naman ako ng culinary e take over ko daw yung pamamahala ng hotel sa New York kasi di na masyadong matutukan ni kuya Liam marami ding hinahawakan si Kuya Zin na negosyo since ayaw na daw nina mommy and daddy mag work next year gusto nila mag travel nalang daw. “That’s a good thing for tita and tito Zey kasi tumatanda na sila, dapat talaga sa edad nila nag eenjoy na sila kasi tapos na rin naman kayong tatlo diba? “ sagot naman ni ate Alliah. “Oo nga bebe girl, Kaya ako, kahit na nakakapagod saka kahit ganto ako na party goer talagang di ko piababayaan ang business naming. Ayaw ko na mag work sina mommy and daddy. Menopausal baby na nga ako e, tapos pag tatrabahuin ko pa sila. Diba? Parang rewards na talaga natin sa parents natin hayaan na silang mag enjoy”. Ani ate Eira. Wow, may natatago rin palang kaseryusuhan sa katawang lupa nya si ate Eira kahit papano. “Wow Eira! Is that you?” Sabay tawa ni ate Alliah. “Ay! Grabe ka naman sakin insan! Ganto ganto lang ako pasaway pero loving daughter naman ako no!” sabay irap nito. Nagtawanan nalang din kami sa turan ni ate Eira nagkwentuhan nalang kami konte at nagsitulog na silang dalawa. Actually while ate Alliah and ate Eira are sleeping, ako hindi talaga nakatulog. Parang di umipekto sa akin ang beer na ininum namin. Hindi naman talaga ako yung umiinom. Just occasional at honestly kagabi lang din ako uminom ng beer. That’s my first time. Hindi ko parin makalimutan ang nangyari kagabi. Sabihin ng mababaw lang pero that’s my first time na super lapit naming ni Jaz ngayong mga dalaga’t binate na kami. Noong mga bata kasi kami normal naman sa amin ang maligo sa ulan ng nakahubad. Jaz is so caring. Kaya din siguro nahulog ang loob ko sa kanya dahil napakabait nya at caring sa akin. Dahil hindi ako nakatulog, feeling ko bangag na bangag ako ngayon. Alas 7 na pala. Ginising ko nalang ate Eira kasi uuwi pa sya sa condo nya dahil may pasok pa siya. Bumaba na rin ako sa kusina para mag almusal. I use to eat breakfast every day. Nagulat ako dahil nandoon na ang mga boys sa kusina at nakikigulo sa tila nag cocooking show na si Kuya Bryan. Mom also was there at tuwang-tuwa sa mga tricks ni kuya Bryan sa pagbabaliktad ng scrambled egg. I stay a little bit from a distance at pinapanood lang sila napatingin din ako sa side ni Jaz na mukhang enjoy na enjoy din sa pinapanood at nakikipag aperan pa kina kuya kambal. Nasa ganon akong lagay when suddenly mom stares at my directions. “Oh my bunso is up! Kamusta ang gising mo anak?”. Tanong nito sabay giya sa akin papunta sa table at kiss sa cheek ko nag adjust naman ang mga boys ng upuan bali magkatawid ang upuan namin ni Jaz nagbaba nalang ako ng tingin dahil I’m still embarrassed of what happen last night. “Hay naku tita! Muntikan na yang mahulog si Zey kagabi buti nalang bumaba ako para kumuha ng maiinom namin kagabi.” Sabat naman ni Jaz kay mommy. “Huh? Why Jaz? What happen?” tanong naman ng kanyang mommy. “Well umakyat lang naman po sya jan sa island counter table to get some snacks on the hanging cabinet tita”. Naku nakakaasar naman tong si Jaz! Mahal ko n asana napaka sumbongero naman! “Hay naku! Sabi ko naman sa inyo Liam, pag kayo ang mag groceries don’t put all the snacks up there”. Sabi ng kanyang mommy at list may kakampi sya. “Mom! Hindi na naming kasalanan kung noong panahong nagpasabog ng katangkaran ang langit ay tulog na tulog si Zia kaya di sya nakasambot ng tangkad”. Sabay tawanan ng mga boys si Jaz din tawa ng tawa. Sinamaan ko nga ng tingin! Hmmpp! “Hmmp! Mom! Si kuya oh! Pinakialaman naman ang height ko! Mana lang naman ako sayo e! “ protesta niya. “Kayo talaga! Pinagkatuwaan nyo na naman ang kapatid nyo!” saway naman ng kanyang mommy. “Anong bes, beer pa nga nadampot mo kagabi gulat ako namumutla ka tapos nagging mukha kang si sadako pag lingon ko!” Sabay tawa naman ni Jaz at nakitawa narin ang mga boys. Mabuti pa sya tinatawanan lang ang moment na yun at naikekwento pa. Samantalang ako, mukhang tanga na kinikilig pa dahil sa nangyari kagabi. Napaka unfair talaga ng buhay! Pero salamat na rin at yung itsura ko pala ang napansin ni Jaz last night hindi yung suot kong damit laking pasalamat ko nalang talaga. Makakatulog na ako ng mahimbing mamaya. “Nga pala, asan si Eira at Alliah? Tulog pa ba? “ Tanong naman ni Kuya Liam. “Bakit mo hinahanap?” Sabay smirk naman ni Kuya Bryan kay Kuya Liam. I think something is going on with the boys kasi pag naguusap sila parang sila lang nakakarelate. “I’m here! And I’m going, I still have meetings to attend at 10 o’clock. Bye tita! Bye Bebe Z see you! Bye everyone.” Sabi nito sabay beso-beso samin ni mommy. “Teka lang Hija, hindi ka ba muna mag bebreakfast?” tanong naman ni mommy. “Sa labas nalang tita after the meeting. Uuwi pa po ako sa Condo ko e”. sagot naman nito. “Matagal pa yung meeting mo mamaya pa yun matatapos Eira. Take this!” Sabay abot naman ni kuya Liam ng sandwich kay ate Eira. “Oo nga Eira hija, masama ang nagpapagutom. You take that. You can eat that on the way”. Hindi na rin ito tumanggi at kinuha na rin ang sandwich na ibinalot ni kuya Liam sa paper towel. “Thank you! Bye everyone! “ sabay kaway ni ate Eira habang palabras ng bahay namin. “Tawagin mo na si Alliah anak, para mag breakfast na rin kayo, Whatever your plan today dapat lagging may laman ang sikmura”. Sabi naman ni mommy. I was about to stand to go to the room ng biglang tumayo si Kuya Zin. “Ako nalang tatawag sa kanya, kukunin ko rin ang phone ko sa taas”. Sambit nito tapos nagkindatan naman yung mga boys. “Oi bro! Hinayhinay lang ha? Katirikan ng araw. Maliwanag pa” sabi naman ni Kuya Liam sabay aperan naman nilang tatlo. “Oi! Kayo boys ha, may nakikinig sa inyo o” bero naman ng mommy niya. Bakit wala akong ma gets? Parang may mores code sila kung magusap tapos si mommy? Nakaka relate. Ako, walang ma gets. Mom? What was that for? Curious kung tanong. “Naku Zey, wag mo ng alamin. Boys talk lang yon” sabi ni kuya Bryan sabay kindat sakin. Then why mom can relate? Share naman jan kuya B! pangungulit ko. “Naku bess, curiosity kills” Sabay tawanan naman ng mga ito. Ang dadaya nyo naman e. “Sya sige tama na yan, kumain na kayo mga anak at ipaghahain ko na kayo ng newly baked mac and cheese ko” saad naman ng kanyang mommy. Hindi na rin naman ako nagtanong at nangulit pa tungkol sa pinaguusapan nila kanina. Sa totoo lang wala akong maisip na plano ngayong araw dahil bangag pa ako. I just wanna sleep today. Bukas nalang siguro ako mag-iisip kung ano ang gagawin ko since tapos na rin naman ako sa studies ko. I am thinking na mag relax before I go on with my plans. Honestly, I don’t wanna go to New York like my dad’s proposal. Hindi ko kasi nakikita ang sarili kong sa ibang bansa since andito naman sina kuya at mga friends ko sa pinas specially Jaz. Ayaw kong malayo sa kanila. Tho, kaya ko namang umuwi if ever may mga activities ako dito sa pinas. Yes to travel but working outside the Philippines is surely not my thing. Gusto kong kausapin si dad. Gusto kong na gusto ko munang pag-isipan saka isa pa may excuse naman ako dahil kaka graduate ko lang and I need more experienced because NYC is NYC, kahit pa sabihing nakapag OJT na ako sa ibang bansa, iba parin yung ikaw na mismo ang magmamanage. But that was just a minor reason. My major reason is of course di pa ako ready na mapalayo kina mommy at specially kay Jaz. “By the way, why don’t we celebrate out of town since malapit na rin naman ang birthday mo Zey?” ani kuya Brian. “Oo nga no bess? Like double celebrations diba tita?” sabay baling nito kay mommy na abala sa paghahain ng breakfast naming. “Why not? Malalaki na kayo saka may mga work. You have to have time for yourself to relax.” Supportive mom yan. “Ayon! Mommy namin yan! Over the weekends outing tayo guys! “sabi naman ni kuya Zin. For the past few days after ng graduation nagrelax at naggala lang talaga ako while they are working. Today we are going to Batangas for our outing kuyas and ates. Supportive din naman mga parents namin. They even contacted our family friend who own’s a resort in Anilao, Batangas para sa outing namin. I am very happy. Masasabi ko na best birthday gift ever ito sa akin. “Wow! Pak na pak! Ang ganda guys! “ bulalas ni ate Eira na game na game nang mag swimming dahil nakauot na ito ng swim suit sa ilalim ng damit nya. “Ang ganda nga! Tara Eira swimming na tayo, tapos nagtatanggal na ng tshirt si ate Alliah. Sinong magaakalang yung dating nerdy at conservative e ngayon nagwawalwal. May pa swim suit pa. Pero ako mag wawalking shorts lang talaga ako saka sando. Di ko carry e bandera yung aking katawa. Hindi talaga ako confident sa mga ganitong eksena. Wait lang mga ateng! Magbibihis lang ako ng pang swimming. Saglit akong nagpaalam para kunin ang baon kong walking shorts at sando sa aking bag sa loob ng cottage. Super excited na talaga akong mag But to my surprised, wala doon ang dalawang pares ng sando at walking shorts na dinala ko. I keep on looking but I never saw it. Sure talaga ako na nadala ko yun nag double check pa nga ako kanina. Haysss! Saan ba yun! Lumabas ako ng cottage para hanapin si kuya Liam. Hihiramin ko ang susi ng kotse baka nahulog or whatever sa compartment kanina nung binuhat ng mga boys ang mga gamit naming papasok ng cottage. Nagpalinga-linga ako para hanapin sina kuya Liam. Asan na kaya sila? Naglakad lakad pa ako at nakita ko sa di kalayuan ay may nag-uumpukang mga babae nakita ko silang apat na napapalibutan ng mga girls. Si kuya Liam, Kuya Zin, Kuya Bryan at si Jaz. Nainis naman ako sa nakikita ko, parang nag eenjoy pa si Jaz na hinihimas-himas sya sa abs ng isang babae na mukhang tuko. Sorry po! Pero totoo. Di ako maganda pero, Ayaw ko nalang mag talk. Parang u***g nalang saka kepay ang tinatabunan ng two piece. Tapos ang magaling kong bestfriend, hayon! Nagpapahimas! Nawalan na tuloy ako ng gana maligo. Instead na puntahan ko si Kuya Liam para humiram ng susi ay bumalik nalang ulit ako sa cottage. Parang nag-iibang tao si Jaz kapag hindi ako ang kasama nya. Bakit ganon? Parang kinukurot naman yung puso ko. I know wala akong karapatang bakuran sya dahil ang label naming ay BESTFRIEND. Hindi naman siguro Gawain ng bestfriend na bakuran ang bestfriend niya. Kahit sa mga nababasa kong kwento di naman ganon I just tend to be like this kasi nga iba yung feelings ko towards Jaz which is maling-mali. Habang nagmumuni-muni ay bigla naman sumulpot si Ate Eira at Ate Alliah from somewhere. “Zey! Kanina ka pa naming hinahanap, kala ko ba magbibihis ka?” tanong naman ni ate Alliah. “Oo nga Zey! Hay naku! Nakarami na ng chicks ang boys tayo di pa nakakapag simula. Excited na ako! Tara na Zey! Magbihis ka na”. Maktol naman ni ate Eira. Napakamot nalang ako sa noo. Actually ate, hinahanap ko nga yung pang swimming ko kaso di ko Makita. Hindi ko alam kung nasaan na. Saka parang ayaw ko na muna mag swimming ate parang napagod ako sa byahe. Mamaya nalang siguro. Sabi ko naman, pero ang totoo talaga nainis ako sa nakita ko kanina o mas tamang sabihin na mas naiinis ako sa sarili ko kasi nararamdaman ko to. “Hay naku! Zey! Tara kaming bahala sayo. Marami akong baong swim suit jan. Tara lets!” sabay hila sa akin papasok ng cottage. Hindi na rin ako nag protesta pa dahil kapag si ate Eira na talaga ang hirap tanggihan. Ngunit dismayado naman ako sa pinakita ni ate Eira na mga swim suit. Ayaw kong magmukhang cover girl ng Tanduay! Ehhh. . . ate Eira! Ayaw ko magsuot nyan! Wala na halos tinatakpan yan e. reklamo ko naman. “Ano k aba Zey, ganyan din suot namin. Huhubarin nalang manin yung mga tshirts namin mamaya saka shorts kasi naka two piece kami sa loob.” Sabi naman ni ate Alliah. Ehh. . mga ateng di talaga ako sanay ng ganyan ka liit na tela. Baka naman may sando saka short nalang kayo jan mga ateng. Pakiusap ko. “Ay! Hindi pwede Zey! Hindi tayo magpapadaig sa boys kasi marami na silang nakulektang chicks kaya dapat galingan natin. Dapat marami din tayong makuhang boylets!” Sabi naman ni ate Eira. Mukhang masisiraan ako ng bait kapag ito si ate Eira ang lagi kong kasama. Nang maalala ko ulit ang eksenang nakita ko kanina with Jaz ay parang kayang kaya ko ng mag swim suit. Bahala na kung hindi maganda ang katawan ko. Alam ko namang di mapapansin ni Jaz ang mga gantong bagay. Sa huli napapayag nila akong magsuot ng Navy blue swim suit na may ukab sa magkabilaang gilid tapos low cut ang likod. Nagsi basa na kami ng katawan at naglalakad na kami papunta sa tubig ng biglang humarang si kuya Zin at kuya Liam sa amin. “Hep! Hep! Ano yang mga suot nyo ha?!” madilim ang mukha na tanong ni kuya Liam. “Hay naku Liamot! Wag ka ngang paharang-harang jan! chupe! Layas sa harap namin!” Sabi naman ni ate Eira na pilit lumulusot sa pagkakaharang ni kuya Liam. “Lets go na guys! Para makarami tayo” sabi naman ni ate Alliah na naglalakad na pauna sa tubig. Sumunod na rin ako ako kay ate Alliah pero si si kuya Zim mukhang kakainin na ang mga lalaking nakatingin kay ate Alliah. “There’s no way you will wear that Ali!” Madiin ngunit may babalang turan ni kuya Zin. Ngunit parang walang pakialam si ate Alliah na naglakad at nilagpasan lang si kuya Zin. “There’s no way you will wear that Ali” panggagaya naman ni ate Alliah kay kuya. Muntik na akong mapatawa buti napigilan ko. Malapit na si ate Alliah sa tubig ng walang ano anoy binuhat siya ni kuya Zin na parang isang sakong bigas. “Ano! Zin! Ibaba mo ko! G*go ka! Wala akong paki sayo! Di kita boyfriend! Put me down!” Hiyaw ni ate Alliah ngunit parang wala lang sa kanya ang bigat nito. “You better shut up Ali! Or I’ll kiss you and locked you up in my cottage!” babala naman ni kuya Zin. Malayo na sila ngunit naririnig ko parin ang hiyaw ni ate Alliah. Hay naku! Wala na finish na. Si ate Eira at kuya Liam naman ay nagkakaratihan na! Hirap talaga pagparehas na black belter sa Karate yung tipong pag nag-away kayo, sapakan agad. “Alam mo Eira! Tumigil ka na! You will not win against me! You know that! Saka tingnan mo ng sarili mo o, kita na yang kuyukot mo! Hindi ako natutuwa na sinisipulan ka ng mga kung sino sinong lalaki!” Galit na sabi naman ni kuya Liam kay ate Eira. “Alam mo Liam, napaka kj mo! Bakit ba! Ano bang problema sa suot naming?! Malamang dagat to Liam! Dagat! Anong gusto mo mag gown kami o kaya mag barot saya?!” giit naman pabalik ate Eira. “It’s final and it’s a no Eira! Di mo magugustuhan ang gagawin ko sayo kung di ka pa mananahimik jan!” saad naman ni kuya. “Hoy! Liam! Kapal ng mukz mo ha! Kanina nong hinihipo-hipuan kayo ng mga babae normal na normal lang sa inyo e noh! Nagreklamo ba kami? Ha! Kaya wag kang bida bida Jollibee ka! Tigilan mo ko! Tara na Zey! Hayaan mo yang kuya mo impakto!” sabi naman ni ate Eira. “What did you say Eira? Huh? Impakto ako?! Sabay siniil ni kuya Liam ng halik si ate Eira! Super shocks ako at si ate Eira parang nagging tuod! My gosh! whats going on here! Samantalang ako, wala manlang ganon. Taga tingin nalang ako sa kanila taga sana all!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD