Ito ang bumungad na tanong niya sa akin. Biglang nanlamig kamay ko at nakatitig lang siya sa akin. "A-aldriq... h-huwag ka naman magbiro ng ganyan. Kinakabahan ako sa'yo." nangangatog kong sabi sa kanya. Nanggigilid na yung luha ko sa mata. "Do I know you miss?" tanong niya ulit sa akin. Ngayon ay nakakunot yung noo niya. This can't be... happening... May biglang pumasok doon sa kanyang kwarto. Dahilan iyon para yumuko ako para hindi makita yung luha ko na nagbabadyang tumulo. "Good morning.... Sir Aldriq. Huy, good morning Madison." Alam kong si Anthony iyon, pero hindi ko magawang tumingin sa kanya. "Uhh.. Miss Kim? Okay ka lang ba?" tanong niya habang sinubukan niyang tignan yung mukha ko. "Umiiyak ka ba? Hala, sinong nagpaiyak sa'yo?" Hindi ako kumibo, naramdaman ko na bumagsak

