ANTHONY Nang mabalitaan ni Sir Aldriq ang nangyari ay agad ako nitong inutusan na ipahanda ang plane para bumalik ng Manila. Nasa eroplano pa lang kami ay kita muna na kating- kati na itong bumababa ng eroplano. "Sir, relax lang po." sabi ko sa kanya. Dahil mukhang tense o constipated ang mukha nito. Ang sabi ni Rosalie ay okay naman na daw yung kalagayan nila malibsan kay Miss Kim na hanggang ngayon ay wala itong malay sa loob ng ICU ng ospital. "Pa-paano ako magre-relax wala pang malay yung sekretarya ko sa loob." naigting ang panga nito habang masama ang tingin sa akin. "Tss! Kung hindi mo kasi iniiwan hindi sana yun mapapahamak." sabi ko sa kanya. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Baka nakakalimutan mong ginawa mo sa kanya." Umiwas lang ako sa kanya. Nalaman nitong pinapunta ko si M

