I

1746 Words
Carter Chen smirked as he poured the contents of his tequila shot glass on his perfectly sculpted body. The liquid trickled down his torso smoothly like the hyped beat of the music coming from the DJ’s booth. Red Angel was truly his perfect playground. He opened his arms and stared at the girl in front of her. “I’m all yours, darling.” Bago pa man makalapit ang babaeng kanina pa malagkit ang titig sa kanya ay nag-ring na naman ang kanyang smartphone na nasa bulsa niya. It was the ninth time it rang. Annoyed, he took it out, and answered it. Napa-ismid tuloy ang babae at tuluyang naglakad papalayo sa pagkadismaya niya. Tinakpan niya pa ang kabila niyang tainga upang hindi matabunan ng ingay ng club ang boses ng nasa kabilang linya. “Carter Chen speaking.” “Carter, you huge assh*le! Come home now, Baba is looking for you!” Dahil sa lakas ng tugtog sa paligid niya ay sandaling nagtungo si Carter sa may VIP area, sa kuwarto na inarkila niya upang marinig nang maayos ang kausap. “What? I didn’t heard-- Who’s this?” “Ge ge, Baba said to go home now.” Nang mapagtanto na ang kapatid ang kausap ay mahina siyang natawa. “Caleb, my man! Hinahanap ba ako ni Tanda?” Narinig niya ang pagpalatak nito sa kabilang linya. “Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob na tawaging ‘tanda’ si Baba. Umuwi ka na. May sasabihin daw sa’yo. You better not show up drenched in alcohol, Levi Carter Chen. Kung ayaw mong parusahan ka na naman ni ‘tanda’.” Caleb Chen ended the call as he sighed and picked up a clean paper towel and dried himself. Mukhang hindi na naman matutuwa ang kanyang ama kapag nalaman nito na nasa Red Angel siya at kung sino-sinong babae ang ikinakama. Levi Carter Chen. Thirty. The hottest actor and the most sought-for in the industry. Nag-umpisa siya sa larangan ng pag-arte noong anim na taong gulang pa lamang siya, dahil na rin sa kanyang ina. Kahit na tutol ang kanyang ama na si Christopher sa kanyang pagpasok sa industriya ng pag-arte ay wala itong nagawa dahil mahal na mahal nito ang kanyang Mama Cuifen. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit lumaking sunod sa luho si Carter at ang dalawa niya pang mga kapatid. Ganoon pa man, nadidisiplina pa rin naman sila ng kanilang ama na purong Intsik kaya naman ngayon ay nagkukumahog siyang umuwi dahil ayaw niyang paluhurin na naman siya ng matandang Chen sa bilao ng asin. Kaagad niyang isinuot ang polo shirt niya at inayos ang buhok na bahagyang nagulo. Inamoy ang sarili. He sprayed more perfume on his body to mask the scent of the tequila. Pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng VIP club at nagtungo sa parking lot. Humarurot ang kanyang asul na Chevrolet sa lansangan noong gabing iyon. Hindi pa naman siya lasing. Nasa tamang pag-iisip pa naman siya ngunit sadyang mabilis lang siya magpatakbo ng sasakyan. He has to come home immediately. Or else, his knees will weep again. He softly laughed to himself when his vision caught the sole picture he has been keeping inside his car. Nakapatong iyon sa may ibabaw ng manibela. Out of the hundreds of pictures that he has, that specific one was his favorite. Iyon lamang kasi ang namumukod-tanging litrato na hindi siya binabatukan ng kababatang si Soleil Alcantara. And it was taken on her debut, where he was her eighteenth rose. Yes, he was with a girl in that picture. Levi Carter Chen, the commitment-phobic A-list actor of X’s favorite photo, was the photo that he was with Soleil. Paborito niya ang litrato, pero ang tao? Hindi niya na sigurado. Soleil and him grew up together. Ilang araw pagkatapos siyang ipanganak ng kanyang Mama Cuifen, sumunod namang ipinanganak ni Mrs. Alcantara si Soleil. They learned their first words together, went to school together, and many other first things. And to be honest, si Soleil ang first crush niya. Hindi niya na nga lang malaman kung bakit ngayon ay daig pa nila ang aso at pusa kung mag-away. She started to be hostile towards him when they turned sixteen. She even hated staying inside one room with him. Kung noon ay magkatabi pa silang matulog, magkatabing kumain, at halos kulang na lamang ay pati na rin sa pagtae magkasama sila, ngayon ay halos ipabura na ni Soleil ang mukha niya sa buong siyudad ng X, ipagiba lahat ng billboard na may mukha niya, gagawin nito, para lang gumanda ang mood nitong nasisira sa kahit na isang segundong matapunan nito ng tingin ang kanyang guwapong mukha. She always calls him a ‘jerk’. And being a man with pride, he often calls her  a ‘witch’. Ayaw magpatalo ni Carter at masarap naman kasi talagang alaskahin si Soleil. Walang hangganan ang asaran nila, na siya namang ikinae-enjoy niya pa dahil iyon na lang ang tanging paraan para magkausap sila. Kung hindi niya ito aasarin, hindi naman siya tatapunan nito ng tingin. Saan siya lulugar? Isa pa, mukhang hindi ito aware na gusto niya ito. Noon. Kunsabagay, sa isip-isip ng aktor. Andami kayang babaeng nakapaligid sa’yo noon. S’yempre inisip no’n ino-ogag mo siya. Soleil was the reason why he never entered a serious relationship again. Pakiramdam niya kasi nasaktan ang pride niya nang tawanan siya nito noong sinabi niya sa kababata niya na gusto niya ito. Kaya naman paulit-ulit niya na lamang nililimot ang nasawing puppy love niya sa tulong ng iba’t ibang babae. Gabi-gabi. He sighed as he entered their home’s driveway. Kahit na kayang-kaya na niyang bumili ng sariling bahay ay nakatira pa rin siya sa kanyang mga magulang katulad ng dalawa niya pang mga kapatid. Ayaw niyang iwan ang Mama Cuifen niya na paniguradong iiyakan ang Baba nila kapag umalis siya. Mami-miss niya rin ang kanyang Baba na lagi siyang inaalaska sa pag-arte niya. There was still no other place like home. Napakunot ang kanyang noo nang makita ang sasakyan ni Soleil at ng mga magulang nito sa may parking area ng kanilang malawak na bakuran. Is she here? Ipinagkibit-balikat niya iyon at naglakad papalapit sa mansiyon kahit na ramdam niya ang pagririgodon ng kanyang dibdib. Siguro ay epekto na rin ng alak na kanyang nainom kani-kanina lamang. “Mangkukulam!” hiyaw niya nang makasalubong ang mukha ng kanyang kababata. He jokingly hid his face behind his palms. Kaagad na tumaas ang perpektong kilay nito nang makita ang ayos niya. “Oh, here’s the jerk,” yamot na turan nito. “Bilisan mo, hinihintay ka na ni Uncle Chris at Auntie Cuifen.” “Anong ginagawa mo rito? Hinahanap mo underwear ko para makulam mo ako, ‘no?” asar niya rito. “In your dreams, Carter Chen.” She crossed her arms. “Jesus, you stink! Ano bang iniinom mo kada umaga, tubig galing sa imburnal?” “For your information, you dimwitted witch, this perfume is the newest from your perfume line! Ano, amoy imburnal ang pabango na ginagawa mo? At saka, hindi ka ba kinikilig na ako ang unang-unang bumili ng perfume mo? Partida, palagi ko pang ginagamit.” "No." Her face was as serious as it could be. “Excuse me, you f*cktard. I’m not pertaining to the perfume. I’m pertaining to your breath! Alam mo, Carter, mura lang ang toothbrush at toothpaste. Gusto mo regaluhan kita?” He smirked. “Oh, baby girl. I never thought you’d be that forward. Ikaw na pala ang nanliligaw sa lalaki ngayon.” “Oh, no, I’m not courting you. Naaawa lang ako sa susunod na babaeng makakaamoy ng hininga mo.” Tinalikuran siya nito. He had no other choice but to follow Soleil. She was wearing her office clothes but he never thought that she’ll look goddamned hot in those coordinates. Not that he was attracted anymore, though. Dumiretso ito sa dining area bago naupo sa tabi ng ama nito na wiling-wili sa pakikipag-usap sa kanyang Baba. Pasimple sana siyang uupo sa tabi ni Caleb ngunit kaagad naman siyang niyakap ng kanyang Mama Cuifen na halatang nag-aalala sa kanya. “Bǎobèi! Saan ka ba nanggaling? Alalang-alala ako sa’yo,” panglalambing ng kanyang ina habang pinupupog siya ng halik sa pisngi. Nagpipigil naman ng tawa ang kanyang mga kapatid na sina Caleb at Candice. Pati na rin si Soleil na kasundong-kasundo ng mga ito kapag inaasar siya. Sa kanila kasing magkakapatid, siya ang madalas na tratuhin nang ganoon ng kanyang Mama Cuifen. “A e, Mama, galing ako sa--” “Sa Red Angel!” bulalas nito bago mariing piningot ang kanyang tainga. “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na magtino ka na? Pa’no ka magugustuhan ni Sol kung palagi kang lumalaklak ng alak at nambababae, aber? Hindi ka ba mahihiya sa mapapangasawa mo, huh?” “Aray! Mama, sorry na e!” Mayamaya ay natigilan siya nang mag-sink in sa utak niya ang itinuran ng kanyang ina. “Anong... mapapangasawa?” Tumikhim ang kanyang ama. “I guess it’s time for us to announce a very important news tonight.” Tiningnan siya nito. “Carter, treinta ka na. Treinta na rin si Sol. And both of you had never had a serious relationship, pareho kayong tutok sa trabaho at ikaw naman, suma-sideline ka pa sa pambababae at pagsusunog ng baga. So your Uncle and I decided to... arrange you and Sol to be husband and wife.” “What?” halos sabay na protesta nila ni Soleil. “No, hell no! Baka mamaya, kulamin pa ako n’yan!” saad niya. “Excuse me? Mas ayoko namang makasal sa mukhang imburnal at amoy imburnal na katulad mo!” patutsada ni Soleil. “Please, Dad, Uncle, please reconsider--” “At kung hindi kayo susunod sa kagustuhan namin, tatanggalan namin kayo ng mana.” “Absolutely not!” protesta pa nito ulit. “You know how much I had worked hard for the company--” “And the decision is final and irrevocable,” pagbibigay ng ultimatum ni Christoper Chen. “You can’t be f*cking serious,” he muttered under his breath.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD