Malamig ang gabi. Mabini ang hangin na dumadampi sa kanyang balat ngunit hindi iyon alintana ni Carter. Ang tanging alam niya lamang ay matindi ang paghihirap na kanyang nararamdaman kanina pa simula noong makarating sila sa ecopark. Kanina niya pa pinipigilan na hilahin at hagkan ang kanyang asawa at angkinin sa gitna ng damuhan ngunit alam niya naman na pagod ito sa trabaho kaya pinigilan niya talaga ang kanyang sarili. Ngunit ngayon, hindi niya na alam kung kaya niya pang pigilan ang tawag ng kanyang kalamnan. Mag-isa lamang sila sa gitna ng napakalaking parke na iyon, dahil ang mga staff ay sinabihan niya na huwag munang magagawi sa bahaging kanilang pinuntahan. Sarado na iyon sa publiko noong gabing iyon. Walang makakakita. Walang makakarinig. “Your thing’s poking me, Carter,” natat

