X

1372 Words
Soleil stormed inside Carter’s room. Nang matapos kasi ito sa ginagawa nito sa kanya kanina sa French restaurant na kinainan nila ay bigla na lamang itong umalis nang walang pasabi. Hindi man lang siya nito nilingon nang sinubukan niyang tawagin ito. He quickly went away because her knees were wobbling. Para siyang tinakasan ng lakas kanina at napuwersa tuloy siya na maglakad pabalik sa Alcantara Corporation sa kabila ng panginginig ng buo niyang katawan. Hindi niya na tinapos pa ang kanyang mga trabaho. She was so distracted to do so, anyway. Sandali itong nag-angat ng tingin sa kanya. Nakahiga ito sa kama nito at natatakpan ng kumot ang mga binti nito. Hubad-baro. May binabasa yata itong script dahil nakasuot pa ito ng reading glasses. Napakunot ang noo ni Carter nang makita ang ayos niya. “Oh, home early? Akala ko mago-overtime ka.” “What the hell is your deal, Levi Carter Chen?” galit na bulyaw niya rito. Dinuro niya ito at naglakad papalapit. “You really are a jerk!” Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito. Hinubad ng lalaki ang reading glasses na suot nito at umalis sa kama. He was only wearing boxers underneath the blanket, and she could see his bulge. Mabilis niyang inilipat ang kanyang tingin sa mukha nitong nanatiling puno ng pagtataka. “Umuwi ka lang ba para bulyawan ako?” She sarcastically laughed. “Oh, hun. I got all the right reasons why I should nag you right now. You almost made me lose the deal with the Garniers! Alam mo ba kung gaano ka-impotante sa ‘kin ang bagay na ‘yon, ha?” He shrugged. “But you didn’t, right? Isa pa, may hidden agenda ‘yong Mr. Garnier na ‘yon sa ‘yo kanina. He was about to reach your hand and he was staring and ogling at you—” “He was a freaking client, you dumbass jerk!” inis na saad ni Soleil. “And besides, hindi ba’t may hidden agenda ka rin kanina? You fingered me right under the freaking table! And it wasn’t just once, but f*cking thrice, Carter! Akala ko ba naiintindihan mo nang maayos ang kasunduan natin, ha?” He scoffed. “Look who’s talking. Ako ba ang nakikipagkita sa ibang lalaki, ha?” Nasabunutan ni Soleil ang sarili niyang buhok sa inis. “Kliyente nga ‘yon! Ilang beses ka bang inire, ha?” Humakbang ito papalapit sa kanya. “At asawa mo ako. Don’t I got a say on the people you’re working with? Isa pa, matutulungan pa nga kita sa promotion ng produkto niyo. I just saved your ass again. Anong gagawin mo kung bigla na lang ‘yong lumapit sa ‘yo at inumpisahan kang pormahan, ha?” “Ano pa bang ikinatatakot mo, Carter? Kasal na tayo, a!” inis na bulalas niya. “Isa pa, marriage for convenience lang ang lahat—” “’Yon na nga, Soleil, e! This is just a marriage for convenience for you!” Natigilan ang babae. Carter was downright flushed. He was letting out deep breaths as if he had just ran for miles. The world felt like it came to a stop. Walang ibang naririnig si Soleil noong mga oras na iyon kung hindi ang malalim na paghinga ng lalaki. At ang pintig ng kanyang puso. Strange, it was. Those were just a few words from Carter but it made her heart beating like drum. “Carter—” Nag-iwas ito ng tingin bago bumalik sa kama nito. “Oo na, kasalanan ko na. I barged right into your lunch meeting, I finger-f*cked you under the table while you were talking to a client and eating, and I became jealous though I have no right to be. There, I admit my mistakes, I’m sorry. Happy?” Kinuha nito ang bungkos ng papel na iskrip yata para sa isang pelikula. “Please close the door after you leave. May kinakabisa ako.” “You...” hindi makapaniwalang umpisa niya. “You’re jealous?” He glared at her before wearing his glasses again. She scoffed in disbelief. Nilapitan niya ang lalaki at tumayo sa harapan nito. Gusto man nitong umiwas ay hindi niya ito hinayaan. Hindi siya umaalis sa dadaanan nito hangga’t hindi ito napapatingin sa kanya at napapapalatak. “Soleil, stop it. I apologized already. Ano pa bang gusto mo?” “Tell me, Carter. Pinakasalan mo lang ba ako dahil gusto mong maisalba ang mana natin pareho, o dahil... may nararamdaman ka pa rin sa ‘kin?” He smirked. “Sa halos lahat naman ng babae, attracted ako. Sabi mo nga, playboy ako, ‘di ba? Ikaw na nga rin ang may sabi, lahat ng babaeng nakikita ko, gusto kong ikama.” “Carter, answer my damn question!” Hindi pa rin siya nito tinatapunan ng tingin. “Kung nagustuhan man kita, Soleil, noon ‘yon. I was young and dumb back then. Time already flew between the two of us. Hindi naman na tayo kagaya ng dati.” “Then tell that to me while looking at my face,” panghahamon niya. Nabahiran ng pagkairita ang mukha ng kanyang asawa. “Alam mo, nakakaabala ka na masyado. I didn’t do anything to ruin your meeting earlier aside from that thing, didn’t I?” She has known Carter for all of her life. They grew together, after all. Alam niya kapag nagsasabi ito ng totoo o nagsisinungaling. Alam niya kung seryoso ba ito o may itinatago. At noong mga oras na iyon, napagtanto ni Soleil, na may ayaw ipaalam si Carter sa kanya. Na baka tama nga ang hinala niya. “Kaya ba palagi kang nand’yan kapag masama ang araw ko, Carter? Kaya ba kapag alam mong malungkot ako, palagi kang to-the-rescue? Kaya ba pinagkasundo ka sa ‘kin nina Auntie Cuifen? Kaya ba nagseselos ka kanina at binabara mo si Mr. Garnier dahil... dahil may nararamdaman ka pa rin sa ‘kin?” Mahina lang itong tumawa at umiling-iling. “Paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan. Bahala ka d’yan.” “That’s the thing I hate most about you!” she snapped. “We grew up together, Carter Chen! Tingin mo ba, hindi ko mahahalata kung may itinatago ka--” “E ano ngayon sa ‘yo kung may nararamdaman pa ako?” galit na bulyaw nito pabalik. “Iba ang noon sa ngayon, Soleil! You rejected me once and I’m not a lovesick fool to lick your ass like a good dog! Pero asawa kita ngayon, at sa ‘kin ka. Sabi mo nga, kinasal tayo para sa kapakanan nating dalawa. I’m not asking that much. At least give me some respect if you’re not going to reciprocate my damn feelings!” Namayani ang katahimikan sa loob ng kanilang silid pagkatapos niyon. He sighed before massaging his neck. Hinubad nito ang reading glasses nito at ibinato iyon sa kama kasama ang script na hawak-hawak nito. Kaagad itong nagsuot ng sweatshirt at pantalon bago kinuha ang smartphone nitong nasa bedside table. She was left speechless. Shocked, in fact. She never imagined that Carter would even tell her that, let alone bringing up their past. Sanay siya na palagi itong nagbibiro ngunit kakaiba ang emosyon na nabakas niya sa mga mata nito noong mga oras na iyon. Tila ba hinanakit. “I’m going to drink at Red Angel with the boys. I’ll just ask Vlad to drive me home,” he calmly said. “Call Caleb or Candice if you want some company. I’ll be late.” He slammed the door shut, leaving her more confused than before. Nalilito siya sa estado ng puso ng lalaki. At sa estado ng sa kanya. Pilit niya nang ibinaon sa limot ang kanyang paghanga sa kanyang kababata, ngunit bakit hindi niya mapigilan ang kanyang puso noong mga oras na iyon na makaramdam ng kaunting ligaya nang mapagtanto niyang may nararamdaman pa rin si Carter para sa kanya? Ugh, this is dangerous, she muttered to herself. Mutual or not, you should still guard your heart, Sol... Kagaya nga ng sabi ni Carter, nagbago na ang lahat... At ‘yang nararamdaman mo para sa lalaking ‘yon, walang maidudulot na maganda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD