XVI

1569 Words
Pasimpleng napasulyap si Soleil kay Carter. Abala ang kanyang asawa sa pag-aayos sa harapan ng salamin kahit na alam niya naman na wala itong pupuntahan. ‘Ni ayaw siya nitong tapunan ng tingin, at para bang hindi siya nito nakikita. Hindi mawari ng babae kung bakit ngunit nakakaramdam siya ng kaunting kirot sa kanyang dibdib sa tuwing napapansin niya na para bang dumidistansiya si Carter sa kanya. Simula noong umuwi sina Caleb at Candice sa bahay ng mga Chen ay napansin niya ang unti-unting pagdistansiya ni Carter sa kanya. Bumalik na ito sa silid nito bagaman sinabihan niya na ito na makitulog na lang din sa master’s bedroom. Hindi na ito sumasabay ng agahan sa kanya. Hindi na rin siya tinatawagan kapag nasa trabaho siya. Hindi na nagpapadala ng egg pie sa opisina. At mas lalong hindi na siya nito sinusundo para makasabay na mag-lunch. At iniwasan nito na masanggi man lang siya o matapunan siya ng tingin nang higit pa sa limang segundo. Hindi niya man aminin ay nasanay na siya na ganoon si Carter sa kanya. Nasanay na siya na palagi itong sweet at maalaga sa kanya kahit na palagi siyang nagtataray. At isa pa, nami-miss niya na rin ang mga pasimpleng hawak at nakaw na halik nito sa kanya. She could deny it all she wants but she has gotten used to Carter being caring and understanding that now he was acting cold and distant, it breaks her heart. They were almost there. He was almost there on reaching her heart and then he suddenly changed. “May pupuntahan ka ba, Mr. Chen?” usisa niya upang mabasag ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nasa loob kasi siya ng silid nito dahil may ipapakita siya sana sa kanyang asawa na mga disenyo ngunit hindi naman siya nito pinapansin kanina pa. Kahit na ang totoo ay gusto niya lang itong makita at wala nang iba pa. “Yeah, I’m going to drink with the boys,” kalmadong sagot nito. “Want to come?” Umiling siya. “Huwag na, ayoko namang makaabala sa night out mo kasama mga kaibigan mo. Besides, may mga trabaho pa akong dapat tapusin.” He tsked. “Workaholic. Don’t stay up too late. Gagabihin na rin ako kaya matulog ka na.” Nang lampasan siya nito ay hindi na napigilan ni Soleil na hawakan ang manggas ng suot nitong turtleneck. Napalingon sa kanya si Carter ngunit hindi ito umimik. Nakagat niya tuloy ang kanyang labi. Ano bang nangyayari sa kanya? Was she seriously going to beg Carter’s time? Hindi ba at ayaw niya rin naman na nakakasama ito sa bahay nila? What’s gotten into you, Soleil? “What is it, Soleil? May kailangan ka ba?” Bahagya siyang napanguso. “Aren’t you going to call me baby? You always call me your baby and now you’re ignoring me...” Mahinang natawa si Carter. “You hated that nickname so what’s the point?” sarkastikong saad nito. “Anyway, I really got to go now. Baka hinihintay na ako nina Warren sa Red Angel. They got curfew, you know. Ayoko naman na mabunganga sila ng mga asawa nila dahil lang late na silang nakauwi dahil hindi ako nakarating nang maaga.” “Carter...” Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga bago muli siyang hinarap. “Ano bang problema, Soleil? If it’s not that important then puwede bang bukas mo na lang sabihin sa ‘kin? They might be pissed off now. Besides, you don’t need help with your work, there’s a food in the fridge and there are no other chores you needed help with. Wala na akong ibang makitang dahilan kung bakit pinipigilan mo akong umalis, gano’ng ikaw ‘tong numero unong masaya kapag wala ako sa bahay.” Napatungo siya nang maramdaman ang pagbalong ng luha sa kanyang mga mata. When did she become so sensitive like this? Kaunting pagtataas lang ni Carter ng tinig e parang gusto niya nang maiyak. Samantalang noon e siya pa nga itong matindi mambunganga lalo na pagdating sa trabaho. Ramdam niya ang pagsundot ng konsensiya sa bawat salitang binibitawan nito at hindi niya maikakaila na naging malamig din naman ang pakikitungo niya sa kanyang asawa noon. Pero bakit? Bakit? She fumbled with the hem of her blouse as she stared at the floor, biting her lip. “Gusto ko lang namang malaman kung may problema ba tayo, e...” Nag-iwas ito ng tingin. “Wala naman tayong problema. What made you think that?” Tiningala niya ito. “You keep on avoiding me...” “I’m not avoiding you,” gagap nito. “I’m busy, that’s all.” “Tinanong ko si Caleb, sabi niya wala ka naman daw shooting. Next month pa raw,” naghihinala na sabi niya. “It’s clear that you’re avoiding me since your siblings went home. May nagawa ba akong mali, huh? Are you freaking tired of being married to a woman like me? Did you find someone new--” He drew a sharp breath. “Jeez, girl. Stop being dramatic.” Sa inis niya ay hinampas niya ito sa dibdib. “You’re such a jerk! You keep on touching me and kissing me like I meant the whole world to you, and now you’re telling me that I’m dramatic? Carter, you always tease me, you always show me these sweet gestures, and you keep on making love to me only to stop midway, it’s frustrating! Hindi ko malaman kung ano ba talagang gusto mo! And this relationship has gotten even more confusing now that you keep on avoiding me!” He chuckled. “PMS lang ‘yan, Sol. I gotta go now, girl.” Sinulyapan siya nito at bahagya itong natigilan nang mapansin ang mga luhang nag-uunahan na kumawala sa kanyang mga mata. He sighed before taking out a handkerchief and brushing her tears away. “Hey, don’t cry... Look, I’m sorry for shouting, okay? I’m--” “Kasi naman, e... Para kang sira,” humihikbi na saad niya. “Ang sweet mo sa ‘kin ta’s bigla ka na lang magbabago. Alagang-alaga mo ako ta’s bigla ka na lang manlalamig. Hindi kita maintindihan, Carter Chen... Palagi mo sa ‘king sinasabi na hindi mo ako mahal pero bakit palagi mo akong inaalagaan nang todo?” Tatawa-tawa lang ito habang hinihila siya papalapit at ikinulong sa mga bisig nito ngunit kaagad niya itong tinulak. “Don’t touch me!” Nagsalubong ang mga kilay ni Carter. “Kanina nagrereklamo ka na cold ako at dumidistansiya. Ngayon naman na sinusubukan ko na makipaglapit, nagrereklamo ka! Ikaw ang hindi ko maintindihan, Soleil! Palagi na lang tayong gan’to! Buong buhay ko na lang, kinakapa kita at kung papaano ako makakapasok d’yan sa puso mo at nakakasawa na, na... na...” Hindi siya nakapiyok nang hawakan nito ang likod ng kanyang ulo at idiin ang mga labi nito sa kanya. Her palms rested on his broad chest, his other hand landed on her waist. His kisses were not gentle. They were wild and passionate and she could not even think straight. She felt like an ice cream melting under his caress, under his firm and strong hold. Sinibasib nito ang kanyang mga labi na parang walang bukas. Na para bang mamamatay ito kung hindi nito matitikman ang kanyang mga labi. Na para bang sinasabi sa kanya na tumugon siya. At walang pag-aalinlangan, ginawa niya nga. Naramdaman niya ang paglilibot ng kamay nito. Ang paghawak nito sa kanyang dibdib at pang-upo na para bang maaagawan, ang higpit ng pisil nito sa kanyang balat na tila ba sabik na sabik. Ngunit bago pa man mapunta sa kung saan ang kanilang ginagawa ay inihiwalay na nito ang mga labi nito sa kanya. Kapwa silang hingal-kabayo. At hindi niya maitago ang kanyang pagkadismaya nang tuluyan itong kumawala sa pagkakahawak sa kanya. “Why did you stop?” usisa niya habang pilit na pinapatingin si Carter sa kanyang mga mata. “Carter...” “You’re just lonely, Soleil. And I’m not going to take advantage of this marriage, nor you...” he murmured before fixing himself. “I’m not lonely,” protesta niya. “I’m completely fine and I did want that... I just don’t understand why you were distancing yourself from me, Carter...” She gulped. “I--” “Dinidistansiya ko sarili ko sa ‘yo Soleil... hindi dahil sa hindi kita mahal, o dahil may iba akong gusto. Dinidistansiya ko ang sarili ko kasi hindi ko maintindihan ‘tong mga nararamdaman ko kapag nasa malapit ka at hindi ko mapigilan na... na halikan ka, na angkinin ka... And I’m afraid, Soleil. I’m afraid that you’ll hate me... That you’ll hate me if I end up failing to hold back...” “What if I don’t want you to hold back, Carter?” she professed. “What if I actually... wanted us? What if I actually wanted you and I in this sham marriage--” Pagak na lamang itong tumawa at napakamot ng batok. “Let’s not talk about this tonight. Matulog ka na, Soleil... Hangga’t kaya ko pang pigilan ang sarili ko.” He gave her a meaningful look. “You’re confused and so am I. I don’t want to make love to you out of pure lust. You’re not like the other girls that I have been with and...” He sighed before turning his back on her. “Go to sleep now, Soleil.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD