“Sol? I’m home,” tawag ni Carter sa kabahayan nila habang tinitingnan ang kanyang mga pinamili. Bumili siya ng mga tahong, clams, hipon, at alimango na alam niyang tanging kinakain ng kanyang asawa sa tuwing gusto nitong makatikim ng mga lamang-dagat. Nang hindi pa ito sumagot ay kaagad niyang tinungo ang kusina ngunit napukaw ang kanyang tingin ng mga ilaw na nanggagaling sa may dining area. Malamlam iyon at may kadiliman na rin sa loob ng kabahayan dahil malapit nang sumapit ang gabi. Sa kuryosidad ay tinungo niya ang lugar at bahagyang napanganga sa nakita. Nakatayo si Soleil sa gitna ng silid, nakasuot ng isang pulang satin wrap dress. Nakaayos ang lamesa at may mga nakasinding scented candles sa paligid. Napangiti siya nang maamoy iyon. Lavender. SInalubong siya nito isang masuyong h

