International supermodel? Hindi pa niya iyan naiisip. Gusto muna niyang ituon ang kanyang pansin sa kasalukuyan…
...to make Han Yufan and Mo Yurou face their consequences.
12 pm. Bago ang meeting sa Starlight. Si Alexander, na matagal ng hindi nakakasama si Tazanna sa pananghalian, ay biglang nagpasya na dalhin siya sa isang magarbong restaurant sa groundfloor. Nagpa book pa siya ng mesa at naghanda ng candlelit lunch. Walang reaksyon si Tazanna habang nakatingin sa mga rosas. Umupo siya pagkahila ni Alexander ng upuan.
"I have ordered your favorite sirloin steak..."
Nasorpresa siya. Kahit na tatlong taon na silang magkasama, hindi pa rin nito alam kung ano ang kanyang gusto.
“Bakit? Hindi mo gusto ito?” Tanong nito sa kanya.
Bago siya makasagot, ay lumitaw sa kanyang tabi ang chef habang hawak ang isang tray. Lumingon ito sa kanya. “Miss Mendez, ngayong araw na ito ay mayroon kami ng paborito mong fillet steak. I would like to represent the Frederick's Restaurant in congratulating you on your wedding..."
Nagbago ang ekspresyon ni Alexander pagkarinig sa sinabi ng chef ngunit wala itong masabi dahil sa pagkapahiya. Tahimik nitong pinalitan ang kanyang plato, “Nagbago na ang panlasa mo.”
“Thank you pero hindi pa kami kasal.” Paliwanag niya sa chef habang binabalewala si Alexander. “You sure are attentive. Isang beses ko lang iyon nabanggit pero natandaan mo agad.”
Magalang na umalis ang chef at bumaling ulit siya kay Alexander.
“Sa susunod, I will definitely remember what my wife likes to eat!” pinaalalahan nito ang sarili.
“Kumain na tayo. Kailangan pa tayong bumalik at i-discuss ang script,” Sa kanyang kalooban, ay gusto niyang umismid pero nanatili siyang kalmado. Sa sandaling iyon ay may natanggap siyang SMS message.
Unread Message
From: Hubby
Subject: 0819
"The steak is from me. What the chef meant was...congratulations on OUR wedding."
Pagkabasa niya ay narealized niya na galing ito sa asawa niya. 0819, ay kahapon, araw ng kanilang kasal.
Hindi niya mapigilang tumawa ng mahina. Nagreply siya ng palihim “Paano mo nalaman kung nasaan ako?”
"I have a way of finding out what I want to know," kalmado nitong sagot sa kanya.
Sumulyap siya sa loob ng resto habang hawak ang kanyang cellphone. Gayunpaman ay hindi niya ito nakita. Bagaman hindi niya alam kung paano nito na-organize ang bagay na iyon, nararamdaman niyang nasa malapit lang ito…
…may presensya siya ng tulad ng sa hari na hindi maaaring balewalain o tanggihan.
“Babe, anong tinitingnan mo?” hindi mapigilang tanong ni Alexander. Puno ng katanungan ang mga tingin nito.
“Ahh, wala naman.” Umiling-iling siya bago kalmadong inilihis ang paksa, “Alexander, kalian natin itutuloy ang kasal?”
“Kapag ok na ang lahat. Alam mo naman na ang papalapit na Top Ten Model Awards ang magiging oportunidad ni Michelle para sumulong ang kanyang karera. Babe, napakaswerte niya kasi nandyan ka. Kung hindi ay baka sira na siya ngayon.” Nilagyan nito ng red wine ang kanyang baso.
“Tutulungan kitang ibalik kung ano ang nararapat sa iyo,” She smiled softly, her dimples made her appear even more beautiful.
Gayunpaman, hindito ito napapansin ni Alexander. Ang kanyang puso ay nabihag na ni Michelle sa ilang taon nitong pag-akit sa kanya. Hindi niya naisip na may hidden meaning ang mga sinabi Tazanna sa kanya.
"Babe, you have suffered..."
Alam ni Tazanna na isang maliit na pabuya ang candlelit lunch na ito para sa kanyang gagawin mamaya. Kaya lang, ang pabuya na ito ay plano ni Alexander ug takpan ang tunay nitong intensyon.
“Pagkaapos ng press conference, kontakin mo ang iyong manager. Kailangan nating gumamit ng legal approach.” Sabi pa nito.
“OK.” Ngumiti siya ng matamis.
Kaya lang, hindi niya hahayaan na mahawakan nila si Jie.
2 pm. Sa loob ng Starlight Entertainment main hall, ang mga reporters mula sa iba’t-ibang media stations ay nakahanda na. Lahat ay interasado sa sasabihin ni Tazanna.
Lahat sila ay may kanya-kanyang listahan ng mga gustong itanong sa kanya. Mula sa kung bakit siya nawala sa mata ng publiko, bakit siya nasa Starlight at kung bakit siya ang humalili kay Michelle sa jewelry show. Ever since she retreated, she had kept a low-profile. Sobrang hirap maghanap ng balita tungkol sa kanya.
Kaya naman ito ang pinakamagandang oportunidad para sa kanila…
3pm. Lumitaw si Tazanna sa main hall kasama ang mga bodyguards nito sa tabi. Simpleng damit lang ang suot nito ngayon. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa stage at hinarap ang maraming tao sa kanyang harapan kasama na ang media. Lahat ng reporters ay nag-uunahan sa pagtatanong sa kanya.
“Tazanna, nasa pinakaunang listahan ng search rankings ang iyong pangalan at patuloy na nananatili roon. May binayaran ka ba para doon?”
“Tazanna, ikaw at si Michelle ay parehong modelo ng Starlight, pero nitong nagdaang taon ay siya na lang na lamang ang nasa limelight. Have you been frozen by the company, kaya ay naiinggit ka sa kanyang kasikatan?
“Tazanna, ikaw ba ang may pakana ng lahat ng ito?”
Sobrang g**o ng eksena, hindi siya makapagsalita. Buti nalang ay may isang staff ng kompanya ang lumapit upang pigilan ang mga reporters at kinontrol ang lahat. Sa wakas ay may pagkakataong na siyang magsalita.
“Una sa lahat ay gusto kong humingi ng tawad sa lahat dahil sa nasira ang reputasyon ng kompanya dahil sa akin. Humihingi rin ako ng paumanhin dahil ako ang naging sanhi ng kung bakit kinukwestiyon ng media ang integridad ni Michelle.” Panimulang sabi niya ng makapagsalita na siya sa harap.
“Sa ginanap na HF Crown’s Star Show, sarili kong desisyon ang lumabas sa stage. Lahat ng nagyari ay walang kinalaman dito ang kompanya, ang Starlight Entertainment, o si Michelle.” Pagpapatuloy niya.
“I was… indeed trying to create a hype. Pero, walang kinalaman ang aking manager dito. She was merely being used by me. Napagdesisyonan kong akuin ang lahat ng responsibilidad tungkol dito. Maraming salamat sa inyong pasensya!”
Pagkatapos niyang magsalita, ay mas lalong naging maingay ang paligid.
Lahat ng reporters ay hindi mapalagay. Hindi sila kailanman nakakita ng isang celebrity na umamin sa kasalanan ng ganun-ganun na lamang. Sinubukan ng ibang mga tao na iwasan ang sitwasyon, ngunit inako niya ang lahat, at sinabing walang kinalaman ang kanyang manager, ang kumpanya o si Michelle.
Naisip ni Tazanna na tapos na ang lahat. Ngunit hindi niya inaasahan na may ibang plano pa pala si Axlexander. Upang makumpirma na siya ang siyang naghahanap ng atensyon, pinayagan niya ang direktor ng mga artista na lapitan siya at harapin ang media, "Hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa siya ng isang bagay na tulad nito. Ngunit ... ang kumpanya at ako ay bibigyan siya isang huling pagkakataon. Tazanna, Umaasa ako na may natutunan ka mula sa iyong pagkakamali at hindi na ito mauulit pa.”
Hindi ang kauna-unahang pagkakataon ... ang layunin ng mga salitang iyon ay malinaw na kontrahin ang mga sinabi ng kanyang manager. Ngayon ay tila, sa bawat pagkakataon na siya ay humalili kay Michelle sa nakaraan, ay upang lumikha ng ingay para sa kanyang sarili.
Walang hiya ka talaga Alexander! Sa isip niya.
Nanatili siyang tahimik sa harap ng medya. Sa proteksyon ng kanyang mga bodyguards at iba pang mga staff ng kompanya, ay lumabas siya ng main hall…
Sa isang iglap, ang mga netizens ay napuno ng galit sa kanya. Nakikita lamang ng publiko ang mga nais ipakita ng medya at hindi ang katatohonan kaya naman ng makita nila ito ay napuno sila ng galit. Maging ang mga staff sa Villareal Entertainment ay pinagtatawanan lamang ang isyung ito.
Kalalabas lang mula sa kanyang meeting si Drake ng marinig niya ang usap-usapan ng kanyang mga staff. Agad siyang bumaling sa kanyang assistant na si Andrei na agad namang sinabi ang buong nangyari sa press conference na naganap. “President, ano ang gusto mong gawin upang tulungan ang madam?” Pagkuway tanong nito.
"Not just yet, I want to see how she will deal with it herself," malumanay na sagot niya. Dati na niyang nabanggit na interesado siyang malaman kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang asawa tungkol rito. Dahil sa dalawang beses na niya itong tinulungan, gusto niyang malaman kung paano nito malulutas ang problema.
Bilang asawa ni Drake Villareal, papayagan ba talaga niya ang ganitong bagay ang hihila sa kanya pababa?
Dahil sa nangyari, dahil sa inako ni Tazanna ang lahat at inamin niya na siya ang may kasalanan ng lahat, ay nalinis ang buong reputasyon ng Starlight. Sa kabilang banda naman, ay naging matagumpay ang kanilang collaboration ng Starlight at ng HF. Tinanggap ni Alexander ang apology ng HF at ang pagiging spokesperson ay naibalik na kay Michelle na siyang orihinal na plano. Pagkatapos ng nangyari ay mas sumakit pa ito.
Habang si Tazanna naman ay tuluyang nawasak sa mata ng mga tao.
Sa isang iglap, ang “Queen of Hype”, “Scheming Model” at iba pang mga kaparehong termino ay nagsimulang lumabas mula sa search rankings at lahat ng diskusyon tungkol dito ay naglalaman ng mga masasakit na salita.
Nakaupo si Tazanna sa kanyang opisina sa Starlight habang nanonood ng balita. Pinilit niyang ikalma ang kanyang sarili dahil alam niya na lahat ng paghihirap na nararanasan niya ngayon ay babalik lahat sa may gawa nito…
…lahat ng ito ay babalik kay Alexander at Michelle. At magdudusa sila ng sampung beses kumpara sa kanyang dinaranas ngayon!
Kaya lang, sa kasalukuyan, sa mata ng mga tao, ang kanyang imahe ay sirang-sira na. Kahit ang tagapaglinis niya ay tinatarayan siya. “Miss, pwede bang alisin mo ang iyong mga binti? Hindi mo ba nakikita na naglilinis ako rito?” Pagtataray nito.
“Wala ka namang show na dadaluhan pero nagpupunta ka pa rin dito. Sumasakit ang kilod ko kakalinis kapag nandito ka.” Pagpapatuloy nito.
Naging malamig ang kanyang ekspresyon. Kahit alam niyang nasa pinakamababang punto na siya ng kanyang karera, hindi ibig sabahin ay hahayaan na lamang niya ang kahit na sino na apihin siya. Kinuha niya ang kanyang telepono at tiwanagan si Alexander. Nilagay niya ito sa loudspeaker upang siguraduhin na maririnig ng tagalinis ang kanilang pinag-uusapan. “Alexander, ganoon na ba talaga kababa ang posisyon ko sa kompanyang ito na kahit ang tagalinis ay tinatarayan at inaapi ako?” Panimulang sabi niya.
"Get her name and tell HR to dismiss her," Sagot ni Alexander ng walang pag-aalinlangan.
Ibinaba niya ang tawag at malamig na tiningnan ang tagalinis. “Hindi dahil sa madali akong kausap ay pwede mo na akong pagsalitaan ng ganyan. Hindi dahil hindi na ako modelo ay hindi na ako parte ng pamilyang Mendez. Kung gugustuhin ko, kaya kong gawin ang isang simpleng tagalinis na katulad mo, ang mawalan ng trabaho kahit kalian.”
Namulta at pinagpawisan ang tagalinis pagkarinig dito. Hindi nito alam na pwede pala siyang maging nakakatakot. Yumuko ito sa kanya bilang paumanhin “Pasensya na po Miss Tazanna, hindi ko na po iyong uulitin kahit kalian.”
“Kahit na nakakataas ka sa iba, kailangan mo pa rin tratuhin ng lahat ng tama. Paano nalang kung nasa ibaba ka?” Ayaw niyang pahirapan ang tagalinis pero kailangan niya itong turuan ng leksyon. Pagkatapos magsalita ay tumayo siya. May natanggap siyang SMS mula kay Alexander na pinapapunta siya sa opisina nito.
“Babe, sobrang nasira na ang iyong imahe sa mata ng publiko. Naghanda ako ng listahan ng mga activities na pwede mong daluhan. Inaasahan kong maibabalik mo ang iyong magandang imahe sa mata ng publiko. Hindi ba ay may injury si Michelle? Bakit hindi mo siya puntahan sa ospital at ipakita mo na nagsisisi ka sa inyong ginawa sa pamamagitan ng pag-alaga sa kanya. Marahil ay makakakuha ka ng simpatya.” Walang tigil na sabi nito.
Tiningnan niya ito ng maigi habang nagsasalita ito. Tinatanong niya ang kanyang sarili kung bakit hindi niya napansin ang magiging walang-hiya nito.
Alam niya na ginagamit itong oportunidad ni Michelle upang ipahiya siya. Ngunit, nagawa talagang imungkahi ni Alexander na alagaan niya si Michelle.
“Kailangan mo lang umarte sa harap ng mga kamera sa loob ng ilang minuto habang nagla-live broadcast…” patuloy nito.
Akala nito ay tatanggi siya. Ginamit ni Michelle ang kanilang anak upang hilingin nito kay Tazanna ang hindi makatwirang bagay na ito. Ngunit, di niya inaasahan na sasang-ayon ito.
"OK." Tango niya.
“Handa ka talagang gawin ito?” Paninigurado nito.
“Simula ng maaksidente si Michelle ay hindi pa ako nakakabisita sa kanya. Ito na yung tamang pagkakataon.” Sagot niya.
“Kung ganoon ay hahanap ako ng mga taong sasama sayo. Maraming mga reporters sa labas.” Agad na sabi nito.
Nanatiling siyang kalmado kahit na alam niyang ang plano ni Michelle ay para magdusa siya. She knew...the more high and mighty Michelle felt now...the harder she would fall.
Ang taong hahalakhak sa huli …
… ay hindi pa natutukoy.
Di nagtagal, sumakay siya sa sasakyan ng assistant ni Alexander at nagtungo sa ospital. Habang nasa biyahe, pinadalhan niya ng mensahe si Drake. “Hubby, wag kang mag-alala kapag may nakita kang balita tungkol sa akin, dahil may plano ako. Tsaka, nais kong umuwi sa bahay mamayang gabi, pwede bang magpadala ka ng susundo sa akin dito sa ospital? Hindi ko alam kung nasaan ang bagong tahanan natin..”
Nasa kalagitnaan ng isang meeting si Drake ng matanggap niya ang mensahe ng kanyang asawa. Sa kauna-unahang pagkakataon ay tumigil ito sandali sa ginagawa na naging dahilan ng pagkasurpresa ng mga matatas na tao sa kompanya. Anong uri ng tao ang kayang impluwesyahan siya ng ganito?
Hindi niya pinansin ang mga reaksyon sa kanyang paligid. Bagkus ay itinuon niya ang kanyang atensiyon sa nakaka-awang tono ng asawa. Mabilis siyang tumugon rito, “Good girl, I will pick you up later.”
Matapos matanggap ang mensahe ng asawa, hindi niya maiwasang isipin ang ekspresyon nito habang tinatawag siya nitong 'good girl'. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Sa sandaling ito, tiningnan siya ng assistant ni Alexander mula sa salamin nito. Maaari ka pa ring ngumiti ngayon, ngunit hindi mo na makikita iyan kapag nalaman mo kung ano ang darating sa iro, nasa isip nito.
Alam niya na ang buong mundo ay kasalukuyang galit sa kanya, ngunit pinilit niya ang kanyang sarili na balewalain ang iniisip ng iba. Matapos makipag-usap kay Drake ay nagpadala siya ng mensahe sa kanyang manager.
“Jie, gusto ni Alexander na alagaan ko si Michelle sa ospital. Papunta na ako doon, handa ka na ba?” Tanong niya rito.
“Kahit sino ay makakaintindi sa nangyayari. Ang kabit ay ginagamit itong oportunidad para ipahiya ka. Sa palagay ba niya ay magagawa niya ito? Matagal na akong handa. Sigurado ako na maa-aliw ang publiko kapag nakita nila ito. May mga larawan at video.” Sagot nito
“Pwede mong ilabas ang mga larawan… pero sa susunod na ang video. Gusto kong bigyan ng panahon si Michelle at Alexander na magtalo.” Utos niya rito.
“I understand. Dapat maghintay tayo ng tamang pagkakataon. Ilalabas ko ang video when they are at their worst, and seal the deal!” Sobrang nasasabik na pahayag nito. “I want her to fall when she is at her highest point. Taz, kahit na maraming tao ang ini-insulto ka, may napansin akong mga sumusuporta pa rin sayo. Sa palagay ko, ay may magandang maidudulot itong pangyayaring ito..”
“Jie, mag-iingat ka.” Nag-aalalang paalala niya rito.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ng kanyang manager, binura niya ang kanilang buong pag-uusap mula sa kanyang telepono. Bahagya siyang ngumiti.
...
Sa loob ng isa sa mga pribadong silid ng hospital, ay nakaupo sa kanyang higaan si Michelle. Iniisip pa lang niya ang pagpapahiyang gagawin kay Tazanna ay nagniningning na ang kanyang mga mata.
Hindi niya kailanman naisip na aakuin ni Tazanna ang lahat ng sisi. Hindi lang nito itinaas ang kanyang halaga, tinulungan rin siya nitong makuha ang spokesperson deal kasama ang HF.
“Michelle, malapit ng dumating si Tazanna. Kapag dumating siya, lahat ng mga kamera ay bubuksan at magbo-broadcat ng live sa loob ng tatlong minuto. May doktor na papasok at papalitan ang iyong bendahe. Kasabay nito ay kakausapin ko si Tazanna na hugasan ang iyong mga paa…” Pahayag nito.
“Sa wakay ay dumating na rin ang pinakahihintay ko..” Nasasabik na pahayag niya. Sa loob ng maraming taon ay parang anino lang siya nito. Ipinapangako niya na magmula sa sandaling ito, she will only keep climbing higher and higher. Tatapakan niya si Tazanna, magiging kanya si Alexander at magiging first lady siya ng Starlight!
“Simula ngayon, mas magiging maganda pa ang mangyayari sa iyo. Isa pa, malapit na ang pagpili ng Annual Top Ten Model Awards, sigurado akong isa ka sa mapipili. Sa panahong iyon, magiging isang hakbang ka na lang mula sa pagiging top model.” Pahayag ulit ng assistant.
Dahan-dahang ngumit si Michelle. Mas maganda ito kesa sa lahat ng mga bagay na ginusto niya. Dahil sa lahat ng bagay na akala niya ay naaayon sa kanyang kagustuhan, ang kanyang kayabangan ay nagsisimula ng tumubo…