Chapter 12.1

1624 Words
Kumpara sa kasiyahan ni Tazanna, ang araw ni Alexander ay hindi maganda at lalong hindi maayos. Nahaharap siya sa isang mabigat na suliranin dahil sa hiling ni Tazanna na umalis si Michelle sa Starlight Entertainment. Higit lang buntis si Michelle sa kanyang anak ngunit nasa kamay rin nito ang mga ebidensya ng kanyang mga masasamang ginawa – hindi niya kayang galitin ang dalawang babae.   Kahit puno siya ng pag-aalinlangan ay ipinasya niyang umuwi ng bahay. Pagkakit kay Michelle na nakaupo sa sofa, ay lumubog ang kanyang puso.   “Babe…” Umiiyak si Michelle habang naglalakad patungo sa kanya. Pagkalapit ay niyakap siya nito ng mahigpit. “Anong gagawin ko? Ibig sabihin ba nito ay hindi na ako magiging model kahit kalian?”   “Michelle, paano kung pumunta ka muna pansamantala ng ibang bansa para sa iyong pagbubuntis? Pagkatapos mong manganak, ay pwede ka nang bumalik. Kapag dumating ang panahong iyon, gagawin ako ginawa ko dati – papasikatin ulit kita.” Kumbinsi niya rito.   Pagkarinig sa kanyang mga sinabi ay biglang natulala si Michelle. “You’re asking me to go overseas? Alexander, may plano ka bang isakripisyo ako? Para sabihin ko sa iyo, hindi ako kasing tanga ni Tazanna para maniwala sa mga sinasabi mo, kaya hindi ako pupunta! Isa pa, huwag mong kakalimutan na anak mo ang nasa sinapupunan ko. I’ve been your lover for so many years, do you really think you can just kick me aside like this?”   “Hindi iyon ang ibig kong sabihin…” mahinang sabi niya rito.   “Alexander, mag isip ka ng mabuti. Sino ang gusto mong makasama habambuhay? Mahal mo ba si Tazanna?” Sunod-sunod na tanong nito sa kanya.   “Siyempre mahal kita. Ikaw lang!”sagot niya. “Ngunit nagbigay ng mga kondisyon si Tazanna. Kung hindi ka aalis ng Starlight, hindi siya magpapakasal sa akin!”   “Kahit na magpakasal ka sa kanyan, hindi pa rin iyong garantiya na mapupunta na rin sa iyo ang ari-arian ng mga Mendez.” Katwiran nito. “Wala nang pakialam ang mga Mendez kay Tazanna. Kahit na bumalik siya sa kanila, ano lang ang kanyang mamanahin? Babe, gusto mo ba talagang itaya ang lahat at sa huli ay maubos lahat? Manatili ka sa akin. Kahit papaano ay narito ako at ang anak mo. The three of us can build a future together, isn’t that what you want?”   “Babe pag-isipan mo nang mabuti. Do you want me or do you need Tazanna. Isang salita lang ang kailangan ko mula sayo at pupunta ako ng diretso sa hospital para ipalaglag ang bata. Aalis ako ng Starlight at hindi na magpapakita sa iyo kahit kailan.” Pagpapatuloy nito   Hindi siya sumagot. He just stood blankly in place.   Nang makitang wal siyang sagot ay agad na kinuha ni Michelle ang kanyang telepono at tinawagan ang kanyang assistant. “Tulungan mo akong magpa appointment sa ospital. Gusto kong ipalaglag ang bata…”   “Anong ginagawa mo?” Inagaw niya ang telepono muna rito. “Huwag kang magpadalos-dalos. Sinabi ko bang hindi kita pipiliin?”   Pagkarinig rito ay sumaya siya. “Ibig sabihin ay ako ang pinipili mo?”   “Sobra kitang mahal pero ikaw gusto mong ipalaglag ang anak natin. Paano ko mahahayaan na gawin mo ang bagay na iyan? Sa loob ng tatlong taon ay pinrotektahan kita, hindi mo na napagtanto?” Sa huli ay nakabuo siya ng isang desisyon – ang tapusin ang lahat sa kanila ni Tazanna. Nanghihinayang lamang siya na kailangan niyang isuko ang pag-asang maging parte ng pamilyang Mendez. Ngunit kagaya ng katwiran ni Michelle, walang kasiguraduhan sa hinaharap. Hindi niya kayang isuko si Michelle at ang kanilang anak para lang sa isang ilusyon.   "I knew it, you've always treated me the best." Tumulo ang luha ni Michelle habang binigyan niya ng yakap si Alexander. “Tiyak na ipapanganak ko ang iyong anak at papasayahin ko ang iyong kapatid pati na rin ang iyong ina.”     “As long as you don’t stir up any trouble, I will be very thankful. Huwag ka munang mag online at huwag kang makikinig sa mga sinasabi nila sa iyo. Ang mga ganitong balita, lilipas din yan. Bagaman tiyak na makakaapekto sa iyong imahe ang scandal na iyo para manalo ka sa Top Ten Model Award, ngunit ang award na ito ay mas naka pokus sa professionalism ng mga model, so we shouldn’t give up on our goals.” Pahayag ni Alexander.   “Makikinig ako sa iyo ngunit may isang bagay kang dapat dapat na pakinggan mula sa akin.” Sabi nito sa kanya sabay hilapatungo sa sofa. “Continue to freeze her jobs. Tingnan mo kung gaano siya ka arogante ngayon. Dahil lang nakakuha siya ng isang deal, sa tingin na niya ay nasa taas na siya.”   “But…” Gusto niyang magsalita.   “Mabubuhay ang Starlight kahit wala si Tazanna. Kung gusto nating maghanap ng ibang model, ay hindi tayo mahihirapan.” Paliwanag ni Michelle. “Kaya lang, hindi natin siya pwedeng i-let go. Kapag binigyan siya ng pagkakataon ay maaari siyang mahiganti sa atin. We will hold on to her and freeze her, after three years is up, she will be so old she won't be able to make a comeback."   “Ngunit sa ngayon ay marami ng taga hanga si Tazanna. At marami ang nagsasaya para sa kanya. At isa pa, ang mga puna sa kanya ay puro magaganda.” Sagot niya.   “Edi magiging madali ang lahat. Hintayin muna natin siyang bumalik mula sa Liusen. Hanapan mo siya ng corporate client, a brand that’s low-end and disgusting, para bumaba ang kanyang imahe.” Pahayag nito.   Tiningnan niya si Michelle. Alam niyang sobra ang minumungkahi nito pero hindi siya pwedeng tumanggi kaya ay tumango lamang siya. “Gagawin ko”.   “Isa pa, lahat ng kompanyang gusto makatrabaho si Tazanna, sasagutin natin na hindi sila gustong makatrabaho niya.” Pahabol nito.   Niyakap niya ang babae saka kinintalan ng halik sa noo. Sa pagkakataong ito, ang kanyang desisyon ang magmula sa kanyang puso. Tatapusin na niya ang lahat sa kanila ni Tazanna. Pag natapos na ang kanilang relasyon, si Tzanna ay magiging contracted model nalang ng Starlight na may tatlong taon ang natitira sa kontrata. Kagaya ng sinabi ni Michelle, kailangan niya itong pigilang maging sikat at upang hindi makahanap ng pagkakataon na maghiganti sa kanila. Kaya sa ngayon, kailangan niya itong tapakan.   Kinabukasan, ay nakatakda silang mag film ng commercial. Dapat ay may kasama siyang ibang modelo sa pag film ng commercial. Kaya lang napakalakas ng kanyang presensya. Kung masyadong maraming tao ay magsisilbi lamang silang extra. Kaya sa huli, ay isang lalaking modelo ang nanatili.   Maaga pa lang ay kumakatok na si Jie sa pintuan ng kwarto ni Tazanna. Kaya lang, ng pagbuksan nito ang pinto ay parang may inililihim ito dahil ayaw siya nitong papasukin sa loob. Agad niya itong tiningnan at tinanong, “May ibang tao ba sa kwarto mo?”   “Ano--..”   “Tazanna! How could you be like this? Kahit na naghiwalay kayo ng jerk na yun, kakakasal mo lang kay Drake, how could you mess around like this? Papasukin mo ako! Hayaan mo akong tingnan ko sino ang may lakas ng loob na akitin ka!”May pagkabalisang sabi niya. Gamit ang kanyang lakas, ay handa na sana siyang buksan ang pintuan. Sa parehong oras ay siya namang pagpigil ni Drake gamit ang kanyang kamay. Ang kanyang matangkad at makisig na pangangatawan ay natatakpan sila.   "Big Boss, it's you..."   Natigilan siya pagtapos ay nahihiyang tumawa.   Bahagyang tiningnan ni Drake si Jie. Ang kanyang tingin ay may bahid ng pag-apruba. Alam niyang kung nasa paligid lang si Jie ay walang ibang lalaking makakalapit kay Tazanna. Kaya, walang isang salita itong tumalikod at nagtungo sa banyo.   Pagkakita na umalis si Drake ay nagsalita si Jie, “Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina? Pinahiya mo ako sa harap ng isang importanteng tao!”   “Nalaman ko lang din kagabi pagkapasok ko ng kwarto,” inosenteng sagot ni Tazanna.   “Oh God! He is so romantic. Isang kagaya ni Drake na sobrang busy ay nagpabook ng isang direct flight papunta sayo para samahan ka. Taz, nagbago na ang iyong swerte. Naisip ko lang. All those years you spent with that jer, when did he ever visit you at work?” Nagliwanag ang kanyang mukha. “May pagkakaiba talaga ang bawat tao.”   “Pupunta pa ba tayo sa lokasyon ng shoot?” Paalala ni Tazanna sa kanya.   “Sasama si Drake?” Tanong niya pabalik.   “Pupunta yata siya.” Bulong nito.   Pumunta ng malayo si Drake kaya hindi niya pwedeng hindi panoorin ang kanyang asawa. Ang show na naganap sa center ay hindi makakalimutan kaya naman gusto niyang makita kung paano mag perform ang asawa sa outdoor shoot.   Pagkalipas ng tatlumpong minuto ay dumating sila sa lokasyon ng shoot. Dahil hindi niya pwedeng ibunyag ang kanyang pagkakakilanlan ay tanging sa malayo lamang pwedeng manuod si Drake. Lumabas si Tazanna mula sa changing room habang suot ang isang kulay asul na lace dress na hapit sa kanyang makurbang katawan, highlighting all her positive attributes, lalo na ang kanyang mahahaba at mahagway na mga binti na parang walang hangganan - she looked perfect like a sculpturist's work of art.   Ang tema sa shoot ngayong araw ang isang bride na hinahabol ang runaway groom. Habang hinahabol ng bride ang groom ay na injured ang binti ng bride ng hindi alam ng groom. Sa huli, ang kumikinang na diyamante sa kamay ng bride ay lilikha ng isang magandang bahaghari mula sa repleksyon ng sinag ng araw na magiging dahilan upang maalala ng groom ang lahat ng kanyang pangako sa bride. Sa wakas nito, babalik ang groom at magkakasundo muli silang dalawa…   “Tazanna, ang mga emosyon ngayong araw na ito ay iba sa kahapon. Ok ka lang ba?” Ang photographer kahapon ang magiging director ngayong araw at tinanong niya si Tazanna bilang parte ng kanyang tungkulin.   “Walang problema,” Banayad na tumango si Tazanna.   Gumaya ng “OK” sign ang director bago siya pina-alalahanan na pumunta sa kanyang posisyon.   Dapat ba tayong gumawa ng isang mabilis na run-over?   “Hindi na kailangan.” Matapat na tanggi niya sa mungkahi ng director. Kung hindi lang niya nakatrabaho kahapon si Tazanna ay pagdududahan ng director ang kayang kakahayan. Ngunit dahil nakita nito ang kanyang professionalism noong nakaraang araw ay buo na ang tiwala nito sa kanya. Kaya naman ay wala na itong sinabi at sinimulan na ang filming.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD