"Jessica's pov) Pagtapos namin kumain ay ka agad naman kaming lumabas ng restaurant at nagtungo na kami sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan ni sir Lucas. Pagkarating naman namin ay ka agad naman akong pinagbuksan nito ng pinto ng kotse niya kaya na patingin naman ako sa binata at napansin ko ang matamis at nakakaakit niyang ngiti matapos magsalubong ang aming mga mata at nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan ay mabilis naman siyang umikot sa unahan ng kotse patungo sa driving set at nagsimula na ito sa pagmamaneho hanggang makaalis na kami sa lugar. Hindi naglaon ay mabilis naman kaming Nakabalik sa tapat ng building na pagmamay-ari ng boss ko dali-dali itong bumaba ng kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto at saka ako bumaba ngumiti naman ako sa boss ko at nagpasalamat.

