(Jessica’s Pov) Mabilis natapos ang buong maghapon medyo masama pa rin ang pakiramdam ko, mabuti na lang at maaga akong nakauwi kanina, galing sa meeting namin ni sir Lucas. Salamat na lang at naging successful ang meeting ni Sir Lucas kay Mr. Cheng. Saka, kahit hindi ako isinama at iniwan lang ako sa loob ng kotse ay alam kong kayang-kaya iyon ng lalaki lalo at isa itong matalinong tao at mahusay na CEO. Nagbuntonghininga na lamang ako habang hinihilot ko ang aking noo. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang dinala ako ni Sir Lucas sa hospital. Napansin ko ring mabait yata ang binata ngayon? O, baka naman sadyang mabait ito. Baka naman may problema ang ang lalaki kaya ganoon ito kasungit na tila naglilihi. Kung ganoon ay kailangan niya ng karamay. Pero pano kung kanina lang

