Nakatingin ang mga mata ko sa malayo, habang pinagmamasdan ang magandang paligid, kasabay no'n ay ang unti-unting paglubog ng araw, at marahang pagdampi ng hangin sa aking balat na talaga naman kay sarap sa pakiramdam, sa ngayon kasi ay nasa taas ako ng roptop kung saan minsan ko nang nakasanayan ang magtambay rito noong araw, matagal tagal narin kasi akong hindi nakakaakyat rito at lumangap ng sariwang hanggin. Minsan pa nga ay dalawa kami ni Mario tumatambay rito sa taas, paano ba naman kay gandang pagmasdan ang magandang view, ang matataas na gusali at ang paglitaw at paglubog ng araw, na talagang nanaisin mo na lang na magtambay rito ng maghapon. Kanina bago ako umakyat rito ay parang nag-aalingan pa ako, dahil medyo masakit pa ang katawan ko, ngunit dahil gusto ko ng masarap n

