MATULING lumipas ang Isang lingo. Masaya ang lahat at excited na pumunta ng beach. Habang kami ay nasa kahabaan ng byahe ay napansin ko ang isa namin kasama na tila ba siya ay tamihik sa loob ng sasakyan.
Agad naman itong nilapitan ni Mario at tinanong kong bakit parang Hindi siya masaya. Hanggang sa marinig kong nagsalita ang babae na ang pangalan ay Jen.
“Sa totoo lang, hindi sana ako makakasama rito dahil ayaw ng parents ko. Ngunit gumawa talaga ako ng paraan para lang makasama rito,” anas ng babae kay Mario.
“Ganoon ba? Paano ‘yan tiyak na magagalit mga magulang mo oras na nalaman nilang sinuway mo sila at tumakas ka sa kanila, Jen?” nag-aalalang sabi ni Mario sa babae.
Napansin kong marahang lumapit si Jessica kina Mario at Jen. Nakita ko pa nga ang ngiti nitong matamis na kay sarap titigan.
“Jen, no worries, dahil ako ang magsasabi kina tito at tita kung saan ka nagpunta. Ang mahalaga ay mag-enjoy muna tayo,” anya ni Jessica at sabay ngiti ng matamis.
Palihim na lang akong napangiti habang nakatingin sa mga employees ko. Iyong iba kasi ay hindi ko ka close kaya hindi ako basta sumasabat o nangingialam sa mga problema ng mga epleyado ko.
Napansin ko na masaya ang ibang employees ko rito sa loob ng sasakyan, kasabay ng magandang musika.
Hanggang sa lumipas ang mga ilang oras ay nakarating na rin kami sa aming patutunguhan. Habang ang lahat ng mga kasama ko ay nakababa na ng sasakyan. At ako naman ay mag-isa na lamang na naiwan dito sa loob.
Nagpalinga-linga rin ako sa paligid at namangha sa ganda ng tanawin na aking nakikita. At sa ‘di kalayuan ay may na tanaw akong isang babae sobrang makurba ang katawan. Parang nasabik tuloy akong makita ang mukha nito, ngunit nakatalikod siya. Sayang naman!
“Hey, bro, let’s go. At excited na ako maligo sa dagat,” pagyaya sa akin ni Mario.
Nagbuntonghininga muna ako. Bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Mabilis naman kami nagtungo sa kinaroonan ng mga kasama namin.
Binaba ko na ka agad ang mga dala-dala kong gamit at napaupo ako sa buhangin. Inayos na rin ng mga kasama ko ang dala-dala naming tent. Nagdesisyon din kaming bago maligo ay kumain muna kami.
Agad namang nagsi-ipon-ipon ang lahat sa harap ng lamesa at inihanda na ang lahat ng aming mga dala-dala na pagkain. Napansin ko agad na naunang ay si Mario. Hindi katulad ng iba na nagkakahiyaan pa.
Gusto ko tuloy matawa dahil halos mapuno ng pagkain ang plano ni Mario. Para tuloy itong patay gutom.
“Hey, Mario, hinay-hinay at hindi ka mauubusan ng pagkain,” pabirong sabi ko rito.
“Huwag kang mag-alala, Sir, Lucas, dahil tudo na ito at wala nang balikan,” nanatawang sagot ni Mario, sabay subo nang malaking tipak na kanin.
Iiling-iling na lamang ako. “Ingat lang, Mario at baka lumubog ka niyan sa dagat, huh,” pabirong sabi ko kay Mario, na may kasamang pagtawa.
Ito naman ay natawa sa aking mga tinuran sa kanya.
“Teka, Sir, Lucas, bakit hindi kapa kumakain?” nagtataka na tanong sa akin ni Mario.
“Mmm--- Makita ko lang kayong kumakain ay busog na ako,” tatawa-tawang sabi ko pa.
Malakas namang tumawa ang lalaki. Mayamaya pa’y niyaya na rin akong maligo ng mga empleyado ko. Ngunit tumangi ako at wala pa sa mood.
Hanggang sa magulat pa nga ako nang hawakan ang aking kamay ng isang babae na empleyado ko. Natingnan ko tuloy ang kamay nito.
“Sir, Lucas, hindi ka pa ba maliligo?” tanong niya sa akin.
“Nauna na kayo, dahil mamaya pa ako,” seryosong sabi ko rito.
“Sige po, Sir, Lucas,” anas ng babae sa akin. Napansin kong napahiya ito. Kaya naman nagmamadali na itong umalis sa harapan ko.
Lumipas ang ilang minuto. Hanggang sa magdesisyon na rin akong magtampisaw sa tubig dagat. Si Mario naman ay sumabay na ring maligo sa akin. Masaya kami ng mga oras na ito, tila walang mga dinadalang problema sa buhay.
Hanggang sa sumapit ang dapit hapon, kaya naghanda na ang iba upang gamitin ang bone fire. Nagdesisyon din kami na rito magpalipas ng magdamag hanggang bukas ng umaga.
Nang maayos ang tent ay biglang lumapit sa akin si Jessica, ngumiti siya sa akin ng matamis.
“Hmmm--- Sir, Lucas, gwapo ka pala kapag bagong paligo,” pabirong sabi sa akin ni Jessica.
Iwan ko ba, ngunit parang nahiya yata ako sa papuri ni Jessica sa akin. f**k! Ano bang nangyayari sa akin? Dahil sinabi lang naman nito na gwapo ako, eh. Pa-simple akong napahinga.
“Ikaw rin naman maganda, Jessica,” anas ko sa lalaki. Napansin kong biglang nanahimik ang babae at tila nahiya pa yata sa akin.
Sabay na kami lumapit ni Jessica sa mga Kasama namin na nag-gagawa pa rin ng bone fire. Masaya ang lahat habang pinaliligiran ang apoy at pinagmamasdan ang pagpugnaw nito.
“Ano kaya kung maglaro tayo mabilis? Ano sa tingin ninyo guy’s?” biglang tanong ni Mario sa mga kasamahan namin. Nagkatinginan naman ang lahat sa isa’t isa.
“Game ako riyan!’’ pasigaw na sabi ng manager ko. Agad ding pumayag ang ibang mga kasama ko rito. Lahat kami ay sampu rito at nakapalibot kami sa apoy. Ngunit nag-isip ako kung ano ang ipapa-games ng pasaway kong kaibigan.
Mabilis namang umalis si Mario at kumuha ng bote na walang laman. Napansin ko rin na may hawak pa ito na isang bote at baso.
Palapit pa lang ang aking kaibigan ay naisip ko na ang magandang plano niya para sa laro. Kaya excited na ako sa magaganap. Bago pa man umpisahan ni Mario ang laro ay binukasan niya ang bote ng tikila at isa isa kaming pinainom.
Ako ang huling pinainom kaya ang ginawa ni Mario ay medyo madami ang inilagay na alak sa baso na pinainom sa akin. Sa totoo lang ay hindi ako sanay uminom. Lalo na kung hard pa ang alak, medyo nahilo agad ako, grabe dahil tumalab ka agad sa aking ang isang shot lang na alak.
Hindi naman nagtagal ay sinimulan na ni Mario ang laro. Inilagay niya ang bote sa gitna naming lahat at agad itong pinaikot ito. At kung saan tatapat ang bote ay siyang papapiliin, nang utos o tanong.
Mabilis naman ang pag-ikot ng bote habang dahan-dahan tumatapat sa aking mga kasama at pansin ko medyo kabado ang lahat dahil sa larong ito mabubuking ang lahat ng lihim ng bawat isa.
Mayamaya pa’y tumigil na ang bote at tumapat naman ito sa aking manager, hanggang sa naghiyawan ang lahat ng mga kasama ko.
Agad naman nilapitan ni Mario ang aking manager at tinanong kung ano ba ang gusto niyang piliin. Utos ba o tanong?
Mabilis naman kapili ang manager na utos ang pinili niya. Kaya naman inutusan siya ni Mario na batokan niya ang saliring ulo. Iiling-iling na lamang ako sa kalokohan ni Mario.
Muli ay pinaikot na naman ni Mario ang bote. Ngunit napansin kong talagang mahilo-hilo na ako.saka tila lalong gumaganda si Jessica sa aking paningin.
Hindi ko nga napansin ang pagtigil ng bote at agad naman itong tumapat kay Jesicca, mabilis namang lumapit si Mario sa dalaga. Hanggang sa nagtanong kung utos o tanong, habang hawak-hawak ni Mario nang mahigpit ang dalawang palad ni Jessica.
Mabilis namang sumagot ng utos na lang ang dalaga. Nagreklamo na nga ito na masakit na palad dahil mariin na pinisil iyon ni Mario.
“Hmmm—pinag-uutos kong halikan mo sa pisngi si Sir, Lucas,” bigla anas ni Mario at tuwang-tuwa pa ito.
Matagal na natahimik at ‘di nakaimik si Jesicca, ramdam ko ang pangamba nito. Hanggang sa biglang nagsigawan ang mga kasama ko.
“Sige na Jessica lapitan mo na si Sir, Lucas at huwag ka nang mahiya pa. At malay mo taasan ang sweldo mo,” anas ng mga empleyado ko.
Dahan-dahan namang tumayo si Jessica mula sa pagkaka-upo sa buhangin. Hanggang sa tuluyang lumapit sa akin.
“Sir, Lucas, pahalik, ha,” anas pa ng dalaga sa akin. Hindi naman ako makapagsalita sa ng mga oras na ito. Hanggang sa tuluyang ilapit ni Jessica ang labi niya sa aking pisnge. Ramdam ko ang lambot ng labi ng dalaga.
Muli namang nagsigawan ang mga kasama namin. Dahil tuwang-tuwa sa mga nangyayari. Hanggang sa nagdaan ang mahabang oras. Natapos na rin ang laro. Bigla akong napatingin sa aking relong pambisig at nakita kong alas-diyes na ng gabi.
Oras na para matulog wala na rin taong naliligo sa dagat at alam kong nag-uwian na sila. Ang ibang mga kasama namin ay nag paalam na para matulog.
Nagbuntonghininga ako habang nakatingin sa karagatan. Hanggang sa matanaw ko na naman ang isang babae at nakatalikod ito. At sa pagharap niya sa akin ay mabilis ko siyang nakila. So, siya pala ang babaeng nakita ko kanina.
Nabigla ako at nagulat nang makilala ko siya. Nakita kong humakbang ang babae papalapit sa aking pwesto.
“Ikaw pala iyan, Miss Miya. Ano’ng ginagawa mo sa lugar na ito? Gayong gabing-gabi?” na tanong ko sa kanya.
“Hello, Sir, Lucas. Hmmm--- nag kayayan kami mga barkada na mag-beach, hindi ko naman akalain na sa beach na ito muli tayo muling magkikita,” malambing na sambit sakin ni Miss Miya.
“Yeah, ang pagkakataon nga naman. Teka, na saan ang mga kasama mo?”
“Nandoon po sila, Sir, Lucas at nag-iinoman. Medyo nainip ako kaya naglakad-lakad muna ako upang makalanghap ng sariwang hangin.”
“Ganoon ba? Hindi ka ba natatakot na mag-isa ka lang? Tapos ang dilim dilam pa,” turan ko sa babae.
“Hindi po, Sir, Lucas Saka, sanay akong mag-isa at hindi takot sa dilim, dahil isa akong aswang,” pabirong sabi ni Miya sa akin.
Bigla naman akong natawa sa mga tinuran nito. Mayamaya pa’y nagpaalam na rin ang babae sa akin para bumalik sa mga kasamahan nito. Nasundan ko lang ng tingin si Miya. Hanggang sa umalis na rin ako rito para pumunta sa tent ko.
Paglapat ng likod ko sa higaan ay agad akong nakatulog. Mabilis na lumipas ang buong magdamag at sumapit na nga ang umaga. Agad akong bumangon at lumabas ng tent.
Napansin kong abala na ang lahat sa pagligpit nang kanilang mga gamit. Umikot ang mga mata ko sa buong paligid at napansin kong wala ang bulto ni Jessica. Kaya naman mabilis akong lumapit kay Mario.
“Mario, na saan pala si Jessica? Kagabi ay bago tayo maghiwa-hiwalay ay hindi ko na siya nakita,” anas ko sa lalaki. Ngunit biglang tumawa lang ang pasaway na si Mario.
“Teka? bakit mo hinahanap si Jessica? Nag-aalala ka ba sa kanya? Siguro may lihim kang pagtatangi kay Jesicca, ano?” pang-asar na tanong ni Mario sa akin.
“Gago ka talaga, Mario! Natural na mag-alala ako, dahil mga empleyado ko kayo, kaya sagot ko kayong lahat at ako ang mananagot sa mga pamilya ninyo,” tuloy-tuloy na litanya ko sa lalaki.
Kakamot-kamot tuloy sa ulo si Mario. Hanggang sa Iiling-iling na lamang ako sa lalaki.
“Teka nga muna, na saan na ba talaga si Jessica, ha?” muli kong tanong kay Mario. Ngunit kaunti na lang at masasakal ko na ito dahil hindi pa sinasabi sa akin kung na saan ba ang dalaga.
Muli na namang tumawa ang lalaki. Kaya naman surang-sura na ako. Aambaan ko sana ito ng suntok ngunit bigla lumayo sa akin, habang panay pa rin ang tawa.
“Tingnan mo roon sa tent niya at baka natutulog pa si Jessica. Iiling-iling na lamang ako na tinalikuran si Mario.
“Sir, Lucas, tatawag na ba ako ng pari?” pasigaw na tanong ni Mario sa akin.
“Damn you!” balik sagot ko sa lalaki. Kaya ayon tuwang-tuwa na naman ito sa akin.
Paglapit ko sa harap ng tent ng babae ay dahan-dahan ko itong binuksan at bumungad sa akin ang maganda at maamo makha ni Jessica. Napatigil ako at medyo natulala, saka mahimbing pa ang tulog nito. Hindi ko na lamang ito inabala pa.
Hanggang sa muli akong bumalik sa aking tent. Nagtanong din ako sa mga empleyado ko kung bakit biglang nawala kagabi si Jessica. At Hindi na nag pag-alam kong nalasing ka agad ito at maagang nagpunta sa tent niya.
Hanggang sa magdesisyon na rin kaming magligpit ng ibang mga gamit namin. Mga ilang sandali pa ay lumabas na rin si Jessica ng tent niya. Hanggang sa sabay-sabay na kaming sumakay ng sasakyan.
Walang pagsidlang ng tuwa na ngayon ay mababakas sa mga empleyado ko. Nag-enjoy sila at tuluyang nakilala ang isa’t isa. Hanggang sa lumipas ang mahabang sandali ay nakarating na rin kami sa harap ng building na pagmamay-ari ko.