("Luca's pov) SERYOSO akong tumingin sa pulis na kaharap ko. Ngunit hindi ko pa rin binibitawan ang dalaga, pati ang aking palad na ngayon ay nakatakip sa bibig ng babae ay hindi ko inaalis. Pa-simple rin akong bulong sa babae. “Subukan mong magsisigaw, babae, dahil ora-mismo ay tatanggalin kita sa iyong trabaho…!” pabulong na pagbabanta ko sa dalaga. “Sir, Ma'am, may problema ba rito?” ulit na tanong sa amin ng pulis. “Walang problema rito, mayroon lang kaming hindi napagkakasunduan ng misis ko, right honey?” Sabay baling ko kay Jessica, inaalis ko na rin ang palad ko sa bibig ng babae, subalit nag-iwan ako rito nang nagbabanta na tingin. Nakita kong ngumiti muna ang dalaga sa pulis na aming kaharap. “Ayos lang po kami nitong honey ko, medyo nagtatampo lang po ako sa kanya, dahil hi

