Mahimbing akong natutulog sa aking malambot na kama habang yakap yakap ang paborito kong unan. Nang bigla may kumatok sa pinto ng aking silid.
“Ma, ikaw pala,” anas ko.
“Anak, itatanong ko lang sana kung kumain ka na?”
“’I'm full, Ma, no worries,” maikling sagot ko sa aking Ina.
Hindi nagsalita si Mama, ngunit nagulat ako nang bigla akong yakapin nito nang mahigpit. Nababanaag ko rin sa mukha ng Ina ko ang lungkot.
“Lucas anak, mahal na mahal kita,” madamdaming sabi ni Mama sa akin.
“I know, Ma…” bulong ko sa aking Ina.
Close naman kami Mama, kumpara kay Papa, na wala man lang ka-amor-amor sa akin. Si Mama kasi, kahit papano ay ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalaga ni Mama sa akin, kahit na sabihin pa na busy ito sa negosyo nila.
Hindi naman nagtagal at nagpaalam na rin sa akin si Mama. Para raw makapagpahinga na rin ako.
KINABUKASAN nagising ako ng maaga, napatingin din ako sa wall clock dito sa aking kwarto at nakita kong alas-singko ng umaga pa lang. Ngunit tamad-tamad pa akong bumangon, kaya naman nagdesisyon akong matulog na muna.
Ngunit mali yata ang ginawa ko dahil tinanghali na ako ng gising. f*****g s**t!
Nang muli akong tumingin sa aking relong pambisig ay nakita kong alas-nueve na ng umaga. Late na late na talaga ako. May meeting pa naman akong pupuntahan. Nagmamadali na lamang akong kumilos.
Hindi tagal ay halos liparin ako ang hagdan para lang makalabas ng kabahayan at makapunta sa aking kotse.
Nagmamadali akong sumakay ng aking kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho, habang nag-drive ay nakita kong maraming nakatigil na sasakyan.
Halos mapamura ako dahil sobrang lata na talaga ako. Halos magpanik na nga ako.
“Bad trip naman, oh! Ngayon pa nang yari ito…?” asar na bulong ko sa aking sarili.
Nagtanong din ako sa lalaking nakamotor na dumaan sa tapat ng aking sasakyan at kong ano ang dahilan ng trapik.
Agad naman ako sinagot ng lalaki na meron daw na nangyari na banggaan sa unahan.
Napasandal na lang ako sa upuan ng aking sasakyan at nag-isip ng malalim. Paano ba ito? Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga ka-meeting ko?
Hindi na ako naghintay pa, agad akong itinabi ang kotse ko. Hanggang sa nagmamadali na akong lumabas ng aking sasakyan at naglakad na lang ako, kahit medyo masakit ang aking mga paa ay pinilit ko pa ring maglakad, lalo at wala namag ibang masasakya dahil sa sobrang trapik.
Ang bilis ang t***k ng aking dibdib ramdam ko ang kaba sa aking sarili, hindi ko alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanila.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin ko sa lugar na kung saan gaganapin ang meeting. At pagbukas ko ng pinto lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang nakakita ng multo.
“Mr. Lucas, bakit ngayon ka lang? Alam mo bang kanina pa kami naghihintay sa ‘yo rito!” pasinghal na sabi sa akin ni Mr. Julio.
Hindi ako nagsalita. At si Mr. Julio ay isang may-ari ng malaking companyang kilala rito sa aming lugar sa kanya rin nakikipag business partner ang ibang maliit na companya.
Agad kong humingi ng sorry kay Mr. Julio at iba pa naming kasama sa opisina na ito. Nagpaliwanag din ako kung bakit na late ko at pinakingan naman nila.
Hanggang sa nagsimula na kami sa aming meeting lahat ay naka fucos sa presentation na pinakita sa amin ng isang babae na empleyado ni Mr. Julio. Na si Miya Natoon. Masasabi kong napakaganda ng itsura niya at para bang nakakita ako ng Angel.
Nagpatuloy lang siya sa kanya pagpapaliwanag kahit cguro alam niya na nakatingin ako sa kanya. Sino ba naman Hindi mabibighani sa taglay na ganda nitong muka, ang sexy rin ng katawan nito na at may pagka-blonde rin ako kulay ng buhok niya at medyo hawig niya si Jessica.
Bigla akong nagulat nang kalabitin ako nag isa kong katabi sa upuan. Kunot ang noo na tumingin ako rito.
“Sir, maganda ba…?” pabulong na tanong niya sa akin.
“Yeah, beautiful at perfect body,” sagot ko sa lalaking katabi ko.
“Hmmm! Sir, sino ang mas maganda, si Miss Miya? Or, iyong presentation niya?” baliw na tanong niya sa akin.
“Si Miss Miya---- Este iyong presentation niya pala,” biglang bawi ko at napatawa ng mahina.
Napabuntonghininga naman ako. At muling tumingin kay Miss Miya. Mayamaya pa’y natapos na rin ng babae ang kanyang presentation at nagpasalamat na rin ito sa lahat.
Agad naman nagsitayuan ang lahat at pumalakpak nang matapos ang meeting. Hanggang sa kanya-kanya na kaming nagkamayan.
Agad ko naman nilapitan si Miss Miya. At binati ko rin siya ng congratulations. Nakangiti naman ang dalaga sa akin habang hawak ko pa rin ang kanya malambot na mga kamay at siya ay nagpasalamat din sa akin.
Hanggang sa mapansin kong kami na lang ang nandito nasa loob ng opisina lahat ay nagsi-uwian na, agad ko naman niyayang magmeryenda si Miss Miya. Medyo na hiya pa siya sa akin kasi ngayon lang daw kami nagkita at hindi pa namin lubusan kilala ang isa’t isa.
Nagbiro pa siya sa akin na baka kong saan ko lang daw siya dalahin. Natawa tuloy ko. Napatanong tuloy ako sa kanya na---
“Ikaw saan mo ba gustong pumunta o kumain, Miya?”
“Ikaw na po ang bahala, Sir, tutal ay libre mo naman, ‘di ba?” anas ng dalaga sa akin.
“Yeah, let’s go, Miya,” pagyay ko sa dalaga.
Agad na kaming umalis ng opisina. Paglabas ng gusali ay agad akong sinalubong ng isang tao. At ito lang naman ang kumuha ng aking kotse na naiwan ko sa gilid ng kalye. Pagkalapit sa akin ay binigay ka agad nito ang susi ng kotse ko sa akin.
Pagdating sa kotse ko ay pinagbuksan ko pa si Miya ng pinto ng sasakyan at inalalayan papasok sa loob. Ngunit panasin kong parang nahihiya ito dahil ang tahimik ng dalaga.
“Oh! What happened? Are you okay, Miss Miya?” I ask.
“I’m okay, Sir, medyo na hihiya lamang ako,” anas ng babae sa akin. Napatawa naman ako rito.
Hanggang sa magdesisyon na akong mag-drive. Habang nagmamaneho ay palihim ako tumitingin kay Miya.
Ang ganda talaga nito at napakaamo ng muka niya hndi siya nakakasawang pagmasdan, kahit sinong lalaki ay talagang magkakagusto rito. Mayamaya pa ay dumating na kami sa restaurant na paborito ko, ang Okinawa restaurant.
Agad kaming bumaba ng kotse at lumapit sa restaurant. Binukasan ni kuyang security guard ang pinto ng restaurant at sabay na kaming pumasok sa loob. Nakakita naman kami ng table.
“Good afternoon, Sir, Ma’am, what’s your order?” tanong ng crew nang lumapit sa samin. Sinabi ko na lang sa crew na katulad ng dati pa rin ang order ko, kilala na naman ako rito.
“Okay, Sir,” magalang na sagot ng crew.
Agad kong ibinigay kay Miss Miya ang meno para maka-order na rin siya na g gusto niyang kainin.
Hindi naman nagtagal ay agad na siyang nakapili ng kanya order. Habang naghihintay kami ng aming order ay nakita ko si Miss Miya na palinga-linga na tila may tinitingnan dito sa restaurant.
“Okay ka lang, Miss Miya?” tanong ko sa babae na may pagtataka sa mukha ko.
“Ayos lang po ako, Sir, siguro ay na nibago lang ako, hindi kasi ako sanay na kumain sa gantong mamahalin restaurant, okey na nga sakin kahit sa mga karenderya lang o turo-turo,” nahihiya na turan ni Miya.
Ngumiti ako ng matamis sa babae. “No worries, dahil masarap ang mga pagkaing dito…” bulong ko sa babae. At medyo inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya.
Nakita kong namula ang babae sa aming ginawa. Ngunit napangiti naman ako. Ang sarap nitong halikan. God knows.
Nahinto lang ang pagtitig ko sa babae nang dumating na ang order naming pagkain, hanggang sa magsimula na kami.
“Ma’am, Sir, enjoy your meal,” anas ng crew at umalis na rin dito.
Habang kumakain ako ay napatingin ako kay Miss Miya. Napansin kong hindi pa niya ginagalaw ang pagkain niya kumunot tuloy ang aking noo.
“Ayaw mo ba ng pagkain? Gusto mo papalitan ko, Miss Miya?” tanong ko sa babae.
“Naku! Huwag na po, medyo na hihiya lang ako, Sir Lucas. Saka, sa totoo lang ay hindi ako marunong gumamit ng chapstick,” mahiyaing sabi niya sa akin.
“No problem, dahil may spoon sila rito,” anas ko sa dalaga. Agad ko namang tinawag ang waiter upang manghingi ng spoon.
Hindi nagtagal ay dumating na rin ang spoon na hinihingi ko. Hanggang sa muli na kaming kumain na dalawa.
“Wow, ang sarap,” marinig ko pang sabi ni Miya nang matikman ang pagkain.
“Sinasabi ko naman sa ‘yo na magugustohan mo ang mga pagkain nila rito, sa susunod na pagbalik natin rito ay ikaw naman ang manglibre,” pabirong sabi ko sa kanya.
“Sure, Sir, why not,” masayang sagot ng babae sa akin. At nagpatuloy na kami sa pagkain.
Hindi nagtagal ay natapos na kaming kumain. May lumapit sa amin na isang lalaki at inabot ang halaga ng aming order agad ko naman binigay sa kanya ang aking credit card, matapos namin magbayad ay umalis na rin kami rito.
Sumakay na kami sa aking sasakyan at nagpatuloy na ako sa pagmamaneho. Habang nasa loob kami ng kotse ni Miss Miya ay panay lang ang kwentohan namin.
Magkaiba pala kami ang sitwasyon na dalawa sa buhay laki hirap ito. At broken family rin, tanging Mama lang niya ang katuwang niya sa buhay, panganay rin si Miss Miya at inaasahan siya ng kanyang familya kaya ginagawa niya lahat para mabigyan niya ng magandang buhay ang pamilya.
Medyo na-awa naman ako sa babae. At sa dami ng kanyang kwento, hindi namin napansin ang oras, nakita ko sa aking relo na alas-otso na ng gabi.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa tapat ng bahay nila. May ngiti sa mga labi namin na nagpaalam kami sa isa’t isa.
Ngunit--- bigla akong napatingin sa babae ng may maalala.
“By the way, bago pala tayo tuluyang maghiwalay maaari ko bang malaman ang cellphone number mo?” Hindi naman ito nag-atubili at agad niya binigay sa akin ang cellphone number niya, matapos noon ay tuluyan na nga kami nagpaaalam sa isa’t isa.
Alas-nueve ng gabi nang makarating ako sa bahay, pagdating ko sa gate ay nag-busina ako at agad naman akong pinagbuksan ng security guard.”
“Good evening po, Sir, Lucas,” magalang na pagbati sa akin ng security guard.
Ngumiti ako sa lalaki. Hanggang sa dumaretcho na agad ako sa aking kwarto para makapagmahinga na rin, pagpasok ko sa aking kwarto ay agad nag-shower. Pagkatapos magligo ay basta na lang akong bumagsak sa kama para matulog. Agad ko namang niyakap ang paborito kong unan at mahimbing na ako natulog,