Lucas pov. Habang mag-isa akong naiwan sa opisina ko ay binalik tanaw ko ang nakaraan araw na masayang nang-yari sa amin dalawa ng secretary kong si Jessica, ang sarap sa pakiramdam na may babae akong gusto at nakikita ko siyang masaya, oo inaamin ko naging masungit ako sa kanya noong una pa lang, yon ay paraan ko lang para makita ko kung gaano siya katapang at makilala ang totoong pagkatao niya. Nalaman kong ibang iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko, hindi siya madaling sumuko. Ang maganda paroon ay napakabait niyang babae at lahat ng mayroon siya ay pinapahalagahan niya. Excited na ako bukas sa pupuntahan namin party sana naman ay makasama siya para maging masaya na naman ang gabi ko. Masasabi kong nababawasan ang problemang dinadala ko kapag kasama ko ang secretary kong si Jessi

